MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 28~
DAHLIA's POV
Totoo ba to?
Makikita ko ba ulit siya?
"Aaggghhhh!!" sigaw ko sabay sabunot sa sarili kong buhok.
Bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko?
Narinig niyang bumukas ang pinto at alam kong si Drake yun. .
"Nakita mo na pala. . . Sabay tayo punta dun?" tanong ni Drake kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Woah, woah. . . Diba move on ka na? Bakit ka nababahala diyan?" tanong niya kaya nawala ang masamang tingin ko sa kanya.
"Dahls, kung move on ka na talaga kay Jos—"
"Sshhhh pssshhhh" pigil ko sa kanya.
"Kung move-on ka na talaga kay JOSH, wala lang sayo kung sasabihin ko ang pangalan niya at hindi ka magrereact ng ganyan. Pero sa nakikita ko, Dahlia. Hindi ka pa nakamove on at mahal mo pa rin siya" mahabang lintanya ni Drake.
Siguro tama siya.
So inaamin mo talagang inlove ka pa kay Josh? Tanong ng isip ko.
Oo, inlove pa ako kay Josh at ang sakit isipin na nakikita kong magkasama sila ngayon ni Vaughn.
Baka nga may anak na yun sila.
Mapait akong napangiti sa naisip ko.
"Siguro nga tama ka, Drake. Mahal ko pa siya. At ang sakit isipin na meron na siyang kasamang iba ngayon" sabi ko at naguunahang tumulo ang mga luha ko.
Nilapitan ako ni Drake at he comfort me.
"Shhh..."
DRAKE's POV
Sa nakikita ko ngayon kay Dahls ay totoong hindi pa siya nakakamove-on kay Josh at mahal niya pa rin ito.
Hayys, mabuti na nga lang light lang ang story namin ni Ericka mybabes.
Ngayon at July 22 ibig sabihin sa susunod na araw na ang reunion.
"Matulog ka na, Dahls. Pupunta tayo ng mall bukas. Magsulat ka muna ng absence letter" sabi ko at tumango at pinahid ang mga luha.Inoff na niya ang laptop niya at nilagay iyon sa lamp desk. Inayos na niya ang pagkakahiga niya at nagkumot. Inayos ko ang kumot niya. "Natanggal mo na contact lens mo?" tanong ko pero umiling siya.
Umupo siya ulit at tatanggalin na sana ang contact lens ko ng iniwas ko ang paningin ko at tinagilid ang ulo ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya.
"Ang OA mo pa rin. Tapos na" sabi niya at lumingon ako pero di pa rin siya natatapos kaya iniwas ko ulit ang ulo ko.
"Dahlia naman! Nadidirian kasi ako sa ginagawa mo!!! Para mong tinatanggal ang mga mata mo!" sigaw ko sa kanya at humalakhak siya.
"Eto na, tapos na" sabi niya ulit pero paglingon ko nasa kabila na siyang mata. "Ugghhh!!! Dahliaaa!!!" sigaw ko at mas bumulalas ang tawa niya.
"Eto na nga. Tapos na talaga" sabi niya. "Talaga? No joke na?" tanong ko. "Oo, tapos na" sabi niya kaya lumingon ako at ngayon ay suot na niya ang glasses niya.
Humiga na siya at kinumutan ko na.
"Matulog ka na. Bukas ka na din gumawa ng absence letter. Good night" sabi ko at hinalikan ang noo niya.
Lumabas na ako ng kwarto niya at inoff ko na ang lights doon.
Sinigurado ko naman na walang nakasaksak at nakasirado ng mabuti ang bintana niya bago ako pumunta sa unit ko.
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...