~CHAPTER 23~

2 0 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 23~

VAUGHN's POV

Kasalukuyan kong nilalagay ang mga libro ko sa lockers ng naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

KIEN
Meet me at the same place

Bigla namang may kung ano ang naramadaman ko bandang tiyan.

Still the same sparks.

Naramdaman kong may tumusok-tusok sa balikat ko kaya lumingon ako at nakita ko si Josh.

Ito talaga ang kinababahala ko. Ayaw ko rin na masaktan si Josh kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol kay Kien.

"Why?" tanong ko.

"Labas tayo mamaya?" tanong niya.

"Ahm. May pupuntahan kasi ako. May importante akong aasikasuhin" sabi ko at tumango lang siya saka umalis na.

Nakokonsenya na talaga ako sa pinanggagawa ko!!!!

I sigh saka pumunta na sa kanto kung saan nandoon si Kien.

Nakita ko siya sa itaas ng puno kung nasaan siya palaging nandoon.

Kumaway ako at ngumiti naman siya at bumaba na.

"Hi" sabi ko at kumaway bahagya.

"Hi!" sabi din niya at inalalayan akong umupo sa isang bench.

"How's school?" tanong niya.

"Nothing new.. Ikaw kamusta ka na dito?" balik na tanong ko sa kanya.

"Wala naman masyadong mission. Parang break namin ngayon" sabi niya.

"V. . Alam kong meron ka ng boyfriend" sabi niya kaya nabigla naman ako.

"B-boyfriend?" takang tanong ko at tumango naman siya.

"The guy with you nung nagkita tayo sa ice cream parlor"

Oh, it's Josh.

"Hindi ko naman siya boyfriend. Nililigawan niya lang ako simula last month" paliwanang ko habang nakayuko.

"So, alam ba niya na nakikipagkita ka sa akin?" tanong niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Umiling ako.

"Alam mo ba, V? It looks like you're cheating" sabi niya kaya napaangat ang tingin ko.

"Cheating? Wala namang kami, so hind—"

"Still not right. Nililigawan ka niya. I bet na almost lahat ng aya niyang makipagdate sayo ay inaayawan mo dahil pinapapunta kita dito." napayuko na lang ako.

"V, you have to tell him about us. Magagalit yun sayo, sigurado. Kahit na manliligaw mo lang siya ay may karapatan pa din siya sayo" sabi niya.

Natahimik ako saglit sa sinabi niya.

Alam ko na kahit manliligaw ko lang si Josh ay may karapatan talaga siyang sabihin ko iyon sa kanya. Para na tuloy akong paasa. Which is totoo naman.

"Kien. . ." tawag ko sa kanya.

"Why?" sagot niya

"I still love you" sabi ko at tiningnan siya na nakangiti lang.

"V. Alam mo naman ang situation ngayon diba? Meron akong responsibility dito at meron ka ng manliligaw, out there. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na wala na akong nararamdaman sayo. I still love you too, V. But, hindi pwede eh. What will happened to your suitor kung magiging tayo? Masasaktan siya, diba?" tanong niya sa akin.

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon