~CHAPTER 15~

2 0 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 15~

DAHLIA's POV

Natapos na kaming kumain at tumawag lang si Josh ng maid at pinadala sa baba ang mga dishes na natapos na naming kainan. Nag-iwan lang ng tubig ang maid at nag-utos pa si Josh na kunin ang iniwan na damit ng tita niya kay Xander.

Pagdating ng mga damit ay si Josh na ang nagbihis kay Xander pagkatapos naman niyon ay lumapit ako kay Xander.

"Xander, time to drink your medicine na.." sabi ko at tumango lang siya. Kinuha ko ang gamot at baso ng tubig at binigay sa kanya. Shinake ko muna ang gamot at naglagay sa isang maliit na measuring cup.

Ininom yun ni Xander at pagkatapos niyang lunukin iyon ay uminom siya ng tubig. Nilagyan ko siya ng thermometer at maya-maya ay nakita kong 37 celcius na lang ang nakalagay doon.

"Wala ka ng lagnat. But you can rest muna." sabi ko at tumango lang siya.

"Xander, tumatawag si mommy mo" sabi ni Josh at inabot sa kanya ang phone niya. I think it's video call.

"Hi mom!!" sabi ni Xander sa mommy niya. Nag-usap lang sila doon at kami naman ni Josh ay bumalik na sa pagreresearch.

Maya-maya pa ay nagsimula na kami sa PowerPoint presentation at natapos na ring mag-usap si Xander at ang mommy niya. Bumalik na sa pagtulog si Xander.

Nung nasa last three page na kami ay biglang gumising si Xander.

"Ate Dahlia, kuya Josh..." tawag niya sa amin.. "Bakit?" sagot ni Josh.

"I want to go somewhere.." sabi niya.

"Matulog ka na lang muna.. Hindi pa kami tapos dito.." sabi ko. "I am not sleepy anymore.." sabi niya.

"Ok. Can you wait for us? We will just finish this thing" saad ko. "Can I borrow your book?" tanong niya.

Kinuha ko ang libro ko sa backpack ko, at pinahiram sa kanya. It's a mystery genre, so it's safe to read for kids.

"Thanks" sabi niya at nagsimula ng magbasa..

Nang matapos na ang last slides ay nagligpit na kami doon. Pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay alas tres na. Tinext ko si mommy na mamaya-maya pa ako uuwi dahil pinababysit pa si Josh ng tita niya at hindi niya alam kung paano mag-alaga kaya tutulungan ko siya.

Sumang-ayon nanan si mommy at sabi niya na uuwi lang daw ako bago mag-alas otso.

"Where are we going?" tanong ko habang nililigpit ang mga gamit ko

"I want to go to the park" sabi ni Xander habang nagbabasa pa rin ng libro.

"Tara na.." sabi ni Josh nang matapos na siyang magligpit.

"Ate Dahlia, can I borrow this?" tanong niya at sabay pakita sa akin ng libro ko. "Yes.. Just give it back to me when you're finish na.." sabi ko at tumango siya.

"Maglalakad lang tayo. Okay lang ba yon, Xander?" tanong ni Josh kay Xander. "Yes. As long as, we can go to the park" sabi niya.

Dala-dala niya ang libro habang paalis kami ng bahay. Nasa gitna namin siya ni Josh at nasa kabilaan naman kami at hinahawakan ko ang kamay ni Xander at ang isa naman niyang kamay ay hawak ang libro.

"I want to eat ice cream" sabi ni Xander habang papasok na kami sa park. "Ok. Pero di masyadong marami ah? Kakagaling mo lang" sabi ni Josh at tumango naman siya.

Umupo kami sa bench sa ilalim ng puno. "Dito lang kayo. Bibili muna ako ng ice cream" sabi ni Josh at pumunta na siya doon sa ice cream van.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at si Xander naman ay nagbabasa pa. Pagtingin ko ay nasa page fifty na siya.

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon