~CHAPTER 4~

14 1 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 4~

DAHLIA's POV

"Josh,... Josh!!!!" sigaw ko nung bigla siyang nahimatay.. "Paki-takbo siya sa clinic, please.." paki-usap ko doon sa lalaki na kasama namin.. Binigay niya sa akin ang bag ni Josh at kinarga niya si Josh na... Pabridle style..

Ewan ko lang kung dapat ba akong tumawa pero, may emergency ngayon..

Hinanap ko ang cellphone niya at nung nakita ko may password pero pattern at alam ko na kung ano ang password..

Finorm ko ng pa-V at yun nga ang password..

Nabaliw na nga ang isang 'to sa pagmamahal..

Hinanap ko ang pangalan ng mama niya sa contacts at kaagad ko din itong nakita.. Tinawagan ko naman ito at paglipas ng tatlong ring ay may sumagot kaagad..

"Hello, baby?"

"Ahm.."

"Hindi ikaw ang anak ko?"

"Hindi po.. Kaklase niya po 'to.. Nasa clinic po ngayon si Josh.."

"Hala! Bakit??!!"

"Sinuntok po kasi siya.. At tsaka nung paghatid namin sa kanya sa clinic bigla siyang nawalan ng malay.."

"Ahh, ganun ba? Sige, sige.. Pupunta ako diyan.. Teka lang.." sabi niya at binaba na ang tawag..

Pumunta kaagad ako sa clinic at doon ko na inayos ang bag ni Josh na dala ko..

Pagdating ko ay nasa sa clinic bed na siya at ginagamot na ng nurse ang sugat niya.. Nandoon naman yung tumulong sa amin sa paanan ng bed at tinitingnan si Josh..

"Uy.." tawag ko sa kanya na lumingon kaagad siya.. "Salamat pala.." sabi ko sa kanya.. "Ok lang.. Drake pala.." sabi niya at hinihanda ang kamay niya para makipagkamay at kinamayan ko naman siya.. "Dahlia.."

Bigla namang bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang isang babae na naka-nurse attire.. "Saan si Josh??!" galit na tanong niya.. Agad naming tinuro ang clinic bed kung saan si Josh..

Ito siguro ang ate niya.. Naikwento kasi niya sa akin na kahit anong mangyari, parating galit ang ate niya at araw-araw daw may regla...

"Huy panget!! Gumising ka nga diyan!" sigaw niya kay Josh..

"Nurse, ako na ang maggagamot dito, kapatid ko 'to.." sabi niya at inagaw ang kit doon sa nurse at sinimulan na niyang gamutin ang sugat ng kapatid niya..

Bumukas ulit ang pinto at niluwa nito ang babae na nasa 40's na.. Ito siguro ang mama niya..

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko..

"Ikaw ba yung tumawag?" tanong niya sa akin.. Tumango naman ako. "Opo"

"Salamat.. Asan si Josh?" tanong niya at tinuro ko naman ang ate niya na ginagamot din si Josh..

"Ma, mano po" sabi nung ate ni Josh at nagmano sa mama niya..

"Ano palang nangyari??" tanong sa akin nung mama niya.. "Sinuntok po siya.." sabi ko.. "Ni?" tanong nung ate niya.. "Ni Jonas po.. Nandoon ngayon sila sa Dean's office at dapat sana pumunta din si Josh doon kaso nawalan siya ng malay.." sabi ko sa kanila..

Lumapit naman sa akin ang mama niya.. "Samahan mo ako doon sa dean's office.." sabi nung mama niya at kumapit sa braso ko..

"Dahlia, una na ako.." biglang sabi ni Drake.. "Sige. Ingat ka.. Salamat ulit.." sabi ko sa kanya at kumaway.. "Kaklase niyo ba din siya?" tanong sa akin nung nanay niya. "Hindi po.. Tinulungan niya po akong kargahin si Josh, galing doon sa lockers hanggang dito at siya ang kumarga kay Josh nung nahimatay siya.." sabi ko..

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon