MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 12~
JARED's POV
"Mag-iingat kayo!" sabi ni Dahlia sa amin at pumasok na siya sa kotse ni Cyrill. "Kayo din!" sabi rin ni Vaughn at pumasok na sa sasakyan nila ni Josh. "Babye!!" sabi naman ni Miles.
"Let's go, Miles" sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger's seat. "Salamat" sabi niya at ngumiti.
That smile makes me fall deeper
Pumasok na rin ako sa driver's seat at stinart na ang makina ng kotse. Inilabas ko ito sa ground floor ng mall at nagdrive na patungo sa bahay nila Miles.
"Ang saya naman" narinig kong sambit ni Miles kaya napangiti ako. "Oo nga. Mas masaya pala kapag marami ang kasama kapag gumala, ano?" tanong ko sa kanya at sumang-ayon naman ito.
"Alam mo ba? Simula nung nawala si Kien, hindi na kami masyadong gumagala ni Vaughn?" sabi sa akin ni Miles kaya nagtaka naman ako
"Kien? Who's that?" tanong ko. "Si Kien ang ex-bestfriend namin ni Vaughn at ex-boyfriend niya" sabi ko at nagulat namna ako. Slight lang!
"Namatay kasi siya. Nung nagrerecover pa ako sa opera sa puso ko, namatay siya. Iniwan niya ako, iniwan niya si Vaughn. Nabangga ang sinasakyan nila na kotse at nahulugan naman ng malaking punong kahoy ang backseat kung nasaan si Kien. Nabuhay ang mommy at daddy niya" sabi niya at ramdam ko naman ang lungkot sa boses niya.
"Iyak kami ng iyak noon ni Vaughn. Kaya di kami masyadong lumalapit sa ibang tao, ay dahil ayaw namin na maattach sa kanila dahil masakit ang iwan at masakit rin ang mang-iwan. At alam namin na hindi namin iiwan ang isa't isa kaya kami lang ang palaging magkasama" saad niya.
"We won't leave you.. I won't leave you" sabi ko at nakita ko naman siya na ngumiti. "Sana nga. Sana nga.."
"Do you mind if I ask some questions about you?" nahihiyang tanong ko. I want to know her more.
"Ok lang naman.." nakangiting sabi niya.
"About sa sakit mo sana... Yung asthma and amnesia" nahihiyang sabi ko.
"Ahhh yun? Oo... Yung sa amnesia ko ay sabi ni mommy na nangyari ito nung pagkatapos akong nakidnap daw, at dahil natrauma ako, pinacheck nila ako sa doctor. At nalaman nila na may asthma din daw ako at malala na siya. Kailangan na akong dalhin sa magaling na espisyalista sa madaling panahon or hindi na magfufunction ang heart ko.Dinala nila ako sa America para magamot" explain niya.
"Ahh. Yung about kay Kien?" tanong ko. "Si Kien ay best friend namin ni Vaughn simula grade 6 pa lang kami. Tinatawag din kami The Amazing Trio dahil hindi kami mahiwalay" tumawa siya ng marahan habang inaalala niya ang past.
"Mabait si Kien. Maalagain, gwapo lahat nasa sa kanya niya. Nung nasa America ako, may nangyari sa pamilya ni Vaughn at si Kien ang kasama niya. Nung umuwi naman ako, nagulat ako ng naging sila na. 12 years old pa lang sila nun nag-jowaan na. Pero at the other side, I'm happy for them. Sabi ko pa nga nung pumunta silang dalawa sa amin na 'palagi na lang kayong magkasama!! Parang di niyo na ako best friend!' sabi ko at naiinis ako kunwari sa kanila. Sinabi nila sa akin na sila na at ayun. Sabi ko pa nga din na kapag magaling na ako ng todo ay magcecelebrate kami at taya ni Kien pero di niya inintay eh.. Umalis na siya kaagad.." sabi niya at malapit na siyang umiyak.
"Shhh.. Don't cry.. Sorry for asking" sabi ko at sumulyap-sulyap sa kanya habang nagdadrive ako.
"Ok lang..." sabi niya.
"Ahm Miles. Last favor... Pwede ko bang makita ang picture ng Kien na yan?" tanong ko..
*TUGDUGTUGDUG
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...