MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 13~
JOSH's POV
Friday morning. And unang araw ko bilang manliligaw ni Vaughn. Ngayon kasi ako gagawa ng mga moves-moves..
Masaya akong bumangon, naligo, nagbihis at kumain. Habang kumakain ay napapatingin silang lahat sa akin at yun ay binabaniwala ko lang..
"Para kang timang" biglang sabi ni ate pero tinanguan ko lang siya. Ayaw kong masira mood ko kaya, pasok sa isang tenga, labas sa kabila..
"Seryoso ka doon sa sinabi mo kagabi, anak?" tanong ni mama at tiningnan ko siya at nakangiting tumango. "Talaga? Seryoso?" paninigurado ni papa at nakangiting tumango lang ako.
"Panaginip mo lang yun, uy" sungit na sabi ni ate pero inilingan ko lang siya. "Pipi ka na ba?" tanong niya at umiling lang ako.
Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush ako at bumalik sa taas at kinuha ang bag ko.
Pagbaba ko ay nandoon na sila ate at papa sa baba at hinihintay ako.
"Di ako sasabay, pa.. Susunduin ko si Vaughn" sabi ko at nagulat naman sila.
"Nililigawan mo talaga siya?" gulat na tanong ni papa at nakangiting tumango lang ako..
"Anak!!! Josh!" narinig kong tawag ni mama.. Pumunta naman ako sa kusina kung nasaan siya. "Bakit po?" tanong ko.
Kumuha siya ng dalawang brown bag at binigay sa akin. "Ito.. Ibigay mo kay Vaughn ang isa.." sabi ni mama at ngumiti ako sa kanya. "Salamat ma.." sabi ko.
"Ok lang.. Ayiee!! Nagbibinata na ang bunso namin.." pang-asar ni mama. "Kunin mo na rin yung susi ng kotse ko at yun ang gamitin mo, susunduin mo ngayon si Vaughn diba?? O, sya sige. Gamitin mo yung kotse ko.." sabi ni mama at hindi ko napigilan ang sarili ko at pumunta sa kanya at niyakap siya..
"Salamat ma.. I love you.." sabi ko at narinig kong tumawa ng marahan si mama. "Baka yan na yung last na I love you, ha? Baka kay Vaughn mo na ibigay lahat" natatawang sabi niya at umiling naman ako.. "Hindi po.." sabi ko.
"O sige. Sunduin mo na siya sa kanila.. Kunin mo na yung susi sa taas at baka malate pa kayo.." sabi ni mama at tulad ng sinabi niya ay pumunta ako ng taas at kinuha ang susi.
"Uy, panget, di ka sasabay?" tanong ni ate kong sunget, umiling naman ako.
"Susunduin ko si Vaughn at pinahiram ni mama, kotse niya. " sabi ko at tumango siya. "Tara na pa.." sabi ni ate kay papa kaya umalis na sila.
Ako naman ay habang dala-dala yung dalawang brown bag ay pumunta na sa garahe at drinive ang kotse patungo sa bahay nila Vaughn..
Bumaba ako ng kotse ng marating ko ang sa kanila at nag-doorbell. Ngayon ay maid naman ang nagbukas ng gate. "Ate, si Vaughn po?" tanong ko sa maid.. "Sino po sila?" tanong nung maid pero bago pa naman ako makasalita ay may nagsalita mula sa bahay.
"Let him in, yaya.. He's my daughter's friend and suitor." sabi ng mama niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
Alam na niyang nanliligaw ako kay Vaughn?
"Pasok po kayo" sabi ng maid at pinagbuksan ako ng gate.. Sinalubong naman ako ng mama ni Vaughn ng yakap.
"Good morning, Josh.. Come in.. Vaughn is getting her bag pa" sabi ng mama niya kaya sumabay akong pumasok sa kanya. "Good morning, Mrs. Rodriguez.." nakangiting sabi ko.
"Just call me tita.." nakangiting sabi niya at bigla na lang akong nahiya
"Ok po, tita.." nahihiyang sabi ko.. "Good" nakangiting sabi ni Mrs. Rod— tita..
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...