MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 11~
MILES' POV
Makalipas ang sampung minuto ay bumalik na ang kuryente. Sa loob din ng sampung minuto na yun ay inalala ko si Vaughn. May phobia siya sa dilim, pero alam ko naman na di siya pababayaan ni Josh.
"Kuha muna ako ng tokens.." sabi ni Jared kaya naman nagvolunteer ako na sasama ako. "Sama ako." sabi ko at tinaas ang kamay.
Tumango naman si Jared at sabay kaming pumunta sa cashier. Nakita ko naman ang ilang binata doon na nagkukumpulan at yung isa na cute ay may siyang may hawak ng pinakamaraming tickets.
"Jah!! Anong bibilhin mo dyan?" tanong nung isang lalaki sa lalaki na may hawak na pinakamaraming tickets na Jah pala ang pangalan.
"Ewan..." sabi ni Jah at nagkibit-balikat. "Bilhan mo na lang siya ng teddy bear!!" sabi nung isa naman na lalaki at nagkantsawan sila. "Ayyiieee" "Bibilhin na niyan ni Jah!! Bibilhin na niyan ni Jah!!" asar nila kay Jah at nacutean naman ako kasi namula ang pisngi niya.
"Wag po kayong mang-asar!!" sabi niya at mas nacutean ako dahil nag-po siya..
Eekkkk!!!!
"Miles, tulungan mo akong dito.." sabi ni Jared kaya napalingon ako sa kanya. Tatlong supot ng tokens ang binili niya.. Gulat ko siyang tiningnan.
"What the?? Ang dami naman niyan, Jared... Ilan ba ang laman kada supot?" tanong ko at kinuha yung isa.
"200" ikling sabi niya. "Ibig sabihin, bale 3,000 ang nagastos mo?" tanong ko dahil kada token ay 5 pesos. Tumango naman siya.
"Ok na nga lang, 3,000 lang yung akin kaysa kila Josh at Cyrill" sabi niya. Babalik na sana kami doon ng may humarang sa akin na lalaki. At itong lalaki na 'to ay yung isa sa mga lalaki na gustong manuod nung R18 na movie sa sinehan.. "Hi miss" sabi niya at kinindatan ako. "H-hello po" nakayukong sabi ko.
Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang wrist ko. "Wag mo naman akong talikuran, miss..." sabi niya at nilapit ako sa kanya. Gwapo siya pero nababastusan ako sa ginagawa niya.
"Ken pala.. What's your name?" sabi niya at nilahad ang kamay sa harapan ko. "Miles po.." sabi ko at nakipagkamay rin.. Aaktong hahalikan na sana niya ako ng biglang may humila sa akin at pagtingin ko ay si Jared na tila galit na galit.
"Don't touch my girl" sabi ni Jared na ikinagulat ko at ng buong senses ko.
"Don't touch my girl"
"Don't touch my girl"
"Don't touch my girl"
*TUGDUGTUGDUGTUGDUG
WHAT THE HECK?!
"Oh?! Shota mo pala to tol? Pasensya na!!" sabi ni Ken at umalis na..
Gago yun ah!! Pagkatapos akong landiin, wawalkoutan lang ako..
Paglingon ko kay Jared ay galit na galit ito at binigyan lang ako ng matalim na tingin bago naunang lumakad na naman.
"Don't touch my girl"
Ahhh!! Ang weird ko na!! Narinig ko daw si Jared na sinabi kanina na "Don't touch my girl"
Ang weird na talaga ng utak ko. Inalog-alog ko muna ang ulo ko bago sumunod sa kanya. At doon ko nakita sila Josh at Vaughn. Pagtingin ko kay Josh ay ang saya-saya nito. Parang mapupunit na ang mukha dahil sa ngiti niya at si Vaughn naman nakangiti pero nung tiningnan ko ang mata niya namamaga at parang galing lang sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...