~CHAPTER 2~

8 2 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekeiaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 2~

JOSH's POV

Pumunta na kami sa canteen at doon pa rin ang pwesto namin.. "Si Cyrill pa rin ang oorder!" biglang sigaw ni Jared at tumango naman si Cyrill.. "Pera niyo?" sabi niya at sabay lahad ng kamay para sa pera namin..

"Menu A sa akin.." sabi ni Jared at sabay bigay kay Cyrill ng pera.. "Menu D" sabi ni Dahlia sabay lahad din ng pera.. "Menu V" sabi ko at tumingin naman silang lahat sa akin.. "Walang Menu V ngayon, Josh... Hanggang G lang" sabi ni Cyrill sa akin..

Yung Menu V kasi lagi ang inoorder ko.. "Nasobrahan na siya sa pagmamahal.. Hindi ka ba nagsasawa doon Josh?? Parati Menu V ang inoorder mo" sabi ni Jared.. Nagkibit-balikat lang ako at sinabing Menu B na lang at binigay ang pera na pambayad ko saka umalis na siya..

"Mag-ccr muna ako," biglang sabi ni Jared at tumayo na siya saka lumabas para mag-cr..

Pagtingin ko kay Dahlia sa tabi ko ay nagbabasa siya ng libro na nakangiti.. "Ano yang binabasa mo, Dahl?" tanong ko sa kanya.. "Libro" pamimilosopa niya habang sa libro pa rin nakatingin.. Kaya pinitik ko ang noo niya.. "Aray!!" reklamo niya..

"Wag mo kasi akong pinipilosopa!!" sabi ko.. "Bleh!" sabi niya at bumalik sa pagbabasa.. Hindi ko na siya pinansin dahil halatang seryoso siya sa pagbabasa.. Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bag ko ng maka-aninag ako ng anino.. Pagtingin ko ay....

Si Jonas at may kasama siyang dalawang lalaki at si Vaughn saka si Miles..

d≥﹏≤b

Para ngang pinagbagsakan ako ng langit at lupa..

"Uhm. Excuse me pare, sa amin tong pwesto na 'to" biglang sabi ni Jonas.. "Eh?" tanong ko.

"Sa amin 'tong pwesto na 'to" paglilinaw niya.. "Kami ang naka-una dito eh" sabi ko..

"Jonas, doon na lang tayo sa iba" narinig kong sabi ni Vaughn kay Jonas.

"Pwede bang lumipat kayo dahil dito kami uupo??" tanong ni Jonas sa akin at nahalata ko sa boses niya ang pagpipigil ng galit..

Maliit pala ang pasensya nito..

"Eh sabi ngang kami ang naka-una dito.. Bakit di ka ba maka-intindi??" tanong ko sa kanya..

"Sabi nang umalis kayo dito dahil dito kami uupo!!!" biglang sigaw ni Jonas kaya napatigil naman ang lahat na nasa sa canteen..

d⊙_⊙b

"Jonas..." biglang hawak ni Vaughn sa braso ni Jonas..

d〒_〒b

"Jonas, lipat na lang tayo ng upuan.." mahinahong sabi ni Vaughn kay Jonas.. "Sige... Tara na" sabi ni Jonas.. Pero bago pa naman siya makatalikod ay binigyan niya ako ng aabangan-kita-mamaya-look..

Dumating na si Jared at nakita niya na nakatingin sa akin si Jonas kaya taka naman siyang tumingin sa akin..

"Ano yun??" tanong niya.. "Nagtalo kami.." sabi ko at bahagya naman siyang natawa. "Hah? Tungkol saan? Tungkol kay Vaughn?" tanong niya. "Sabi niya sa kanila daw 'tong pwesto na to.. Imbes tayo naka-una dito.." sabi ko at dumating naman si Cyrill dala ang lunch namin.. "Oh, eto! Mga sukli niyo!" sabi niya sabay bigay ng sukli sa amin..

Kinuha namin ang lunch na pinabili namin kay Cyrill at nagkwento akp dahil nagtanong din si Cyrill kung ano ang nangyari.. Si Dahlia naman tahimik lang na kumakain..

"Grabe, sa kanya tong pwesto na to? Eh ang tagal na kaya natin dito umuupo tapos ngayon pa siya magsasabi na sa kanya tong pwesto na to?? Ano siya tanga?" natatawang sabi ni Jared.. "Oo nga. Dito na nga tayo nag-ssnack, nag-lulunch parati tapos sasabihin niya na sa kanya tong pwesto na to? Eh kung itapon ko 'to sa kanya tong upuan!" palaban na sabi ni Cyrill at kunwari na kinuha ang upuan para itapon kay Jonas..

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon