A/N:
Ang song ng chap nato is Man On A Wire by The Script. Anong konek? WALA!
~~MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 26~
JOSH's POV
"Congratulations" sabi ni Vaughn nung dumating kami dito sa likod ng gym
"Congratulations din." tugon ko naman at ngumiti.
"Ahm, Josh. . . I have something to tell you.. . .but first, promise me na wag kang magagalit sa akin" sabi niya kaya taka lang akong tumango at sumang-ayon.
"*sigh* Josh, I know you're a good man, and I know that you will find the girl who will be with you forever. . . But that's not me"
</3
"A-ano?" takang tanong ko kahit rinig na rinig ko ang sabi niya kanina.
"Josh, yung taong mahal ko ay bumalik na. I like you Josh but I love him. . There's a big difference between that. I let you court me kasi akala ko na ang pagkakagusto ko sayo ay hihigit pa at dadating sa puntong mahal na kita, but that not happened" patuloy niya.
Ngayon, nagtataka ako kung bakit hindi ako masyadong nasasaktan sa mga salitang binibitawan niya.
"Kien is alive, Josh—"
"Alam ko" putol ko sa sabi niya.
"Alam kong buhay siya. Nagpatuloy lang ako sa pangliligaw sayo dahil akala ko na mapapantayan at masosobrahan ko pa ang pagmamahal na ibinigay niya sayo. Pero nagkamali ako. Hindi ko napantayan at hindi ko nasobrahan ang pagmamahal na binigay niya sayo" iling-iling na sabi ko.
"No, Josh. Napantayan mo at nasobrahan pero ako ang hindi ko maibalik ang pagmamahal na pantay at sobra sayo. It's me Josh not you" sabi niya pero kahit katiting ay wala akong naramdamang sakit.
"But, Josh. You really don't love me" sabi niya kaya napatigil ako.
"A-ano?" takang tanong ko.
"You just like me, but you don't love me. Parang ako lang; gusto kita pero iba ang mahal ko" sabi ulit niya.
"I-iba ang mahal?" takang tanong ko ulit.
"Hindi ka inlove sa akin, Josh. You're in love with the modern nerd"
"M-modern n-nerd? D-dahlia?" naguguluhang tanong ko. "Yes. You're in love with the one and only Dahlia Trinidad" sabi niya kaya mas nadagdagan ang gulo sa utak ko.
"H-hindi p-pwede" sabi ko sabay hawak sa ulo ko.
"Yes Josh. As I see, inaalagaan mo siya kaysa sa pag-aalaga mo sa normal na kaibigan. Kapag tinitingnan mo siya may sparks. Hindi mo lang yun napansin dahil tinututok mo ang sarili mo sa akin." sabi niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"Josh, listen. . Dahlia is inlove with you. At kung hindi ka pa gagawa ngayon ng paraan para mapatunayan sa sarili mong mahal mo siya, then wala ka ng pag-asa sa kanya. Hindi siya dito sa Cavite mag-aaral, Josh. She will live in New York together with Drake. And narinig kong pag-uusap nila kanina ni Drake na baka maaranged marriage din daw sila. . ."
"N-no"
Yan na lang ang nasabi ko at daling pinuntahan ang kotse ni ate sa parking. Nagdrive muna ako patungong bahay nila Dahlia.
Bakit ako umaakto ng ganito? Bakit ako nasasaktan sa mga sinabi ni Vaughn, tungkol kay Dahlia? Bakit hindi ako nasaktan sa mga sinabi ni Vaughn na itigil ko na ang panliligaw ko sa kanya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? At bakit ako nagkakaganito kay Dahlia??
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...