MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 17~
VAUGHN's POV
Pagkatapos naming magpaalam kay Dahlia at kay Xander, ay lumabas na kami at kinuha ni Josh ang kotse ng mama niya sa garage.
Habang nagdadrive kami patungong mall ay hindi ko maiwasang hindi masaktan.
Bakit kapag kay Dahlia mabait si Xander? Tapos kapag sa akin masungit?
Mapait akong napangiti ng maalala ko kanina ang sinabi ni Xander..
"Xander tama na!!" pigil ni Josh pero nagpatuloy pa rin sa pag-wiwild ni Xander.. "No!! Can't you understand that I don't want to come with you with that girl?! I just want ate Dahlia!!!!" sigaw niya kaya nagulat kaming nasa loob ng kwarto.
Lumapit sa akin si Josh. "Sorry Vaughn" sabi niya pero nginitian ko lang siya. Ngiting malungkot.
"Vaughn" narinig kong tawag ni Josh, lumingon naman ako. "Why?" sagot ko.
"Saan na mall?" tanong niya. "Ay, doon lang sa SM Lanang" sabi ko at tumango lang siya at nagdrive patungo sa sinabi kong mall.
Pagdating namin doon ay pinark ni Josh ang kotse sa parking lot at pagkatapos nun ay bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Thanks" sabi ko.
Sabay kaming pumasok sa loob ng mall at pumunta kaagad ako sa department store dahil bibili ako ng dress para sa.... Death Aniversary ni Kien..
Sa Saturday na ito gaganapin at pupunta ako sa cementery kung saan siya nailibing.
"Ano pa lang gagawin natin dito, Vaughn?" tanong ni Josh mula sa likod. Pagtingin ko naman sa kanya ay nililibot niya ang paningin niya habang nilalaruan sa daliri ang susi ng kotse.
"Bibili lang ako ng dress" sabi ko. "Dress? Diba marami ka nun?" tanong niya at tumango naman ako. "Para mabago lang.." sabi ko at tumango-tango naman siya.
Pumunta ako doon sa white section at doon ko nakita ang lahat ng wears na puro puti ang kulay. Mula sa headress hanggang sa sandals.
Nung nakita ko na ang dress na nagustuhan ko ay agad ko itong binili. Off-shoulder white dress siya na may lace.
Binayaran ko ito sa counter at pagkatapos nun ay hindi ko na alam kung saan pa pumunta.
"Tapos na?" tanong ni Josh at tinanguan ko lang siya. "Uuwi na tayo" sabi ko pero umiling lang siya.
Kinuha niya ang wrist ko at nagsalita.
"Tara, date tayo"
Date tayo
'Tayo'
Hinatak niya lang ako at nagpahatak lang ako sa kanya. Hindi na kami lumabas ng mall at dinala niya ako sa isang restaurant.
"Table for two, sir?" salubong nung waiter nang nakapasok na kami. "Yes, please" sabi ni Josh at inassist naman kami nung waiter.
Umupo kami doon at kinuha naman nung waiter ang order namin. Pagkatapos nakuha ng waiter ang order namin ay nandoon lang kami ni Josh na magkaharap at nagtitigan, hanggang sa ngumiti siya.
"Ano pa lang gusto ni Xander?? Bibilhan ko sana siya.." simulang sabi ko. "Si Xander?? Books" simpleng sabi niya.
"Ayaw niya ng toys?" tanong ko pero tumawa lang siya. "No.. Baka itapon niya lang yun. Books ang toys niya" sabi niya.
"That's why he likes Dahlia, that much?" tanong ko at biglang nawala ang ngiti sa labi niya. "No. I'm not being bitter" sabi ko.
"Siguro. Ewan" kibit-balikat na saad niya.
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...