MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 8~
DAHLIA's POV
Sinundo ako ng driver namin at umuwi na kami sa bahay. Naabutan ko naman si mommy doon. Si daddy, malamang nasa trabaho pa iyon.
"Mom..." tawag ko sa kanya at sinalubong siya ng halik sa pisngi.. "Mom, pwede po ba akong gumala ngayon??" kinakabahan na tanong ko pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nanatili lang itong gulat.
"W-what are you saying, anak?" ulit na tanong ni mommy. "Pwede po ba akong gumala??"
"Anak?? Dahlia?? Is that really you??" natutuwang tanong sa akin ni mommy. "Yes mom.. And I'm serious, pwede ba akong gumala??" ikatatlong ulit ko sa tanong..
"Of course naman!!"
Ayyn naman pala eh.. Ang daming sinabi, papayag rin naman pala..
"Sinong kasama mo??" tanong ni mommy habang inaalalayan ako patungo sa kwarto. "Josh, Jared, Cyrill—"
"Wait. Puro lalaki ang kasama mo?" putol ni mommy sa sasabihin ko.. Umiling naman ako. "Hindi mommy.. Kasama si Miles at Vaughn.." sabi ko at tumango-tango naman siya.
"Magshower ka muna ng mabilis and I'll ready your clothes.. Yiee!! Gagala ang princess ko!! A princess whose trap in a tower in her whole life, in one snap, she decided to leave the tower and enjoy the outside world!!" sabi ni mommy with matching gestures pa..
Natawa naman ako ng bahagya.. Nag-shower na ako katulad ng iniutos ni mommy at paglabas ko ay nandoon na siya, namimili pa rin ng maisusuot ko..
"Dry your hair muna, hindi pa ako nakapili.... Bakit puro jeans and tee shirts ang damit mo anak?? Wala ka bang dress or something else??" tanong ni mommy..
She's right.. Hindi ako masyadong palabas at palagi lang akong nasa loob ng bahay.. Lumalabas lang ako kapag kasama ko si mommy at parang bilang lang din sa daliri iyon..
Gaya ng sabi ni mommy ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer. Maya-maya pa ay natuyo na ito ng tuluyan at sakto naman na natapos na si mommy, pumili ng maisusuot ko.
Sinuot ko ang red and white checkered na jumper na tinernuhan ni mommy ng white silk tee shirt para sa ilalim.. Belt-in na sandals na colored pale brown ang ipinasuot sa akin ni mommy.
Sinuklay-suklay ngayon ni mommy ang mahaba kong buhok kasama ang bangs ko..
Bigla namang may kumatok sa pinto at pinabuksan naman ni mommy iyun. "Come in.." sabi ni mommy at pumasok naman ang isang maid. "Madam, may naghahanap po kay ma'am Dahlia.." sabi niya. Nakita kong may nag-text sa cellphone ko kaya kinuha ko yun at tiningnan kung sino ito at si Cyrill kumag ang nag-text..
From CYRILL
Dahls, nandito na ako sa labas ng bahay niyo.. Grabe ang taba pala ng head maid niyo. Wag mong isabi sa iba.."Who is it anak??" tanong sa akin ni mommy. "Si Cyrill po. Siya po ang magdadala sa akin sa mall at siya rin ang maghahatid sa akin mamaya.." sabi ko.
"May sundo ka na pala.. Sige dadalian na lang natin 'to.." sabi ni mommy at mabilisang inayos ang buhok ko na nilagyan niya ng clip ang bangs ko. Sabi pa nga niya na lalagyan niya ako ng make-up pero ayoko, sabi niya na light make-up lang daw pero di talaga ako pumayag..
"Light make-up lang naman.. Sige na pleasee..." pagmamakaawa niya pero ayoko talaga.. Inaarange ko na ngayon dapat ilalagay sa pouch na ibinigay din ni mommy..
"Wag na talaga, mommy.." natatawang sabi ko.. "Aish! Sige na nga!! Just come home before 10 ok??" tumango naman ako.. Humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam..
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...