MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 22~
JOSH's POV
Lumipas ang dalawang buwan at sa next month ay graduation na namin.
*sigh*
Hanggang ngayon ay hanggang manliligaw pa din ako ni Vaughn at minsan na lang kung magkasama kami dahilan upang maghinala at masaktan ako ng slight.
At kay Dahlia naman; ewan ko ba kung sinama ko siya sa pag-uusapan.
At ayun nga, kay Dahlia, napansin ko na iniiwasan niya ako at palagi niyang kasama yung Drake na yun..
Selos ka naman? Biglang tanong sa likod ng isipan ko.
Nandito ako ngayon sa klase ng Araling Panlipunan namin sa morning session at si Dahlia naman ay kapag tinitingnan ko ay seryoso lang siyang nakatingin sa board.
"Mr. Santos??? Nakikinig ka ba?" biglang tanong ni prof. kaya napahiya lang akong nakayuko. "Yes, ma'am"
"Kung nakinig ka, ano ulit ang binasa ni Paul V. McNutt na siyang Komisyonado ng Amerika??" tanong niya kaya napayuko ulit ako. "H-hindi ko po alam" sabi ko.
"Yes, Ms. Trinidad?" biglang sabi ni prof. kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko na nagtaas pala ng kamay si Dahlia.
". . . the United States of America hereby withdraws and surrenders all rights of possession, supervison, jurisdiction, control or sovereignty now existing and exercised by the United States of America in and over the terrority and people of the Philippines and on behalf of the United States of America, I do hereby recognize the independence of the Philippines as a separate and self-governing nation and acknowledge the authority and control over the same of the Government instituted by the people thereof under the constitution now in force . . ." sabi niya na walang halong mali at memorize na memorize niya ang mga yun.
"Very good, Ms. Trinidad" sabi ni Prof. at pinaupo na kaming dalawa.
Pagkatapos ng subject ni prof. ay lunch na..
Halos makalabas na ang lahat ng estudyante pero nung papalabas na si Dahlia ay hinawakan ko siya sa braso at tamad naman niya akong tiningnan.
"Baket? Anong kailangan mo?" tanong niya. "Dahlia, gusto kitang maka-usap" sabi ko.
"Ok, go ahead. Spill it" sabi niya at tamad pa rin akong tinitingnan.
"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ko kaagad.
Pero bago pa niya sagutin yun ay biglang may kumatok sa pinto ng classroom namin at pagtingin namin ay si Drake.
"Dahls?" takang tanong niya. Sumenyas naman si Dahlia na hintayin siya nito dahil meron pa kaming pag-uusapan at tumango lang ito.
"Bakit kita iniiwasan? Yan ang tanong mo?" paninigurado niya at tumango naman ako.
"Iniiwasan kita, kasi. . . Ayaw kong masaktan" sabi niya at pilit na pinabitaw ang braso niya mula sa kamay ko at nabitawan ko naman yun.
Tiningnan ko lang ang likod ni Dahlia hanggang sa hindi ko na siya makita.
Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad patungong lockers at nilagay doon ang morning session books ko.
Nakayuko lang akong pumunta ng cafeteria at tumabi kay Vaughn.
Nakita kong meron ng pagkain doon sa pwesto ko at kaagad ko naman yung kinain.
"Anong ginawa mo sa room?" tanong ni Vaughn. "Wala. Kinausap ko lang si Dahlia" sabi ko ng hindi siya nililingunan.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya. "Tinanong ko lang kung bakit di niya ako pinapansin, tas sabi niya, ayaw niya daw na masaktan" simpleng sabi ko at naramdaman kong may tumingin sa akin at inangat ko ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...