MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos~CHAPTER 10~
JOSH's POV
"Sine muna tayo, daliiii!!" sabi ni Jared pero ilalagay ko muna sa kotse ang milkshake na pinabalot ko dahil tinatamad akong bitbitin to "Ilalagay ko muna to sa kotse.." sabi ko at ipinakita ang supot ng milkshake.
"Samahan na kita"
*TUGDUGTUGDUG
"Samahan na kita, Josh" ulit na sabi ni Vaughn mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"S-sure ka?" tanong ko. "Mmmm" tango ni Vaughn. "Tara." sabi ko naman at pumunta na kami sa elevator.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala mga 'dre.. Si love of my life!!! Sinamahan akong pumunta sa parking lot..
Tahimik lang kami na nakasakay sa elevator at naaawkwardan talaga ako..
"Mmmm. Awkward.." sabi ni Vaughn at tumawa ng marahan.. "Oo nga eh.." sabi ko naman.
Siguro sasabihin ko na sa kanya.
"Vaughn..." tawag ko sa kanya. Lumingon naman kaagad siya sa akin. "Yes?"
"Ahmm.. Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko.." warning ko muna sa kanya.. "Ok. Bakit? Anong sasabihin mo??" tanong niya ulit.
"Ano kasi..." sabi ko at napakamot ng marahan sa batok ko. "Ano?" tanong niya.
"Ano kasi..."
*TING!
"Mamaya na lang.." sabi ko ng marating na namin ang ground floor. "Oh? Ok." sabi niya.
Aiisshh!!! Paano ko ba sasabihin kasi!!?
Pumunta na ako kung saan namin pinark ang kotse namin sa pinakadulo ng parking lot at malapit sa entrance nito.
Una akong naglakad at sumunod naman siya sa akin. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa pocket ko kaya kinuha ko ito at text ni Dahlia ang nakita ko.
DAHLIA
Josh, sa arcade na lang kayo dumiretso ni Vaughn. Mamaya pa tayo makakapanood dahil may dalawa pang batch bago tayo.Hindi ko na siya nireplayan dahil.tinatamad ako.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa marating namin ang kotse ng walang imikan. Binuksan ko ang kotse at nilagay sa backseat ang milkshake.
Pagkatapos nun ay hinarap ko si Vaughn.
"Vaughn.." tawag ko ulit sa kanya. "Bakit?" tanong niya. "Basta kagaya ng sabi ko sayo kanina, wag kang mabibigla ahh.." sabi ko sa kanya.. "Mmmm. Ano?" tumango siya.
"Ahmmm...."
"Wag na lang... Tara na.." sabi ko at sinabayan ko siya ng lakad. "Ok.."
"So, sabihan mo ako ng tungkol sayo" sabi ko at lumingon naman siya sa akin. "Ah? Ok... I love color ruby, high places, pizza.. And my favorite female artist is Ariana Grande and the for the male artist is Ed Sheeran.. Kasi ang susway ng karamihan sa music ni Ed Sheeran.." sabi niya.
"Ako na naman.. Favorite color, sky blue, lugar is.. Yung pure nature siya, hindi siya manmade. Sa food, obviously, chocolates... At gusto ko rin yung pork barbeque.. Sa artists?? Sa female si Billy Ellish, kasi ang chill lang nung voice niya at sa lalaki naman si Charlie Puth.." sabi ko naman.
"Ilan kayong family members?" tanong ni Vaughn habang naglalakad kami patungong elevator. "Ako, si ate, si mama, si papa. Apat lang kami pero lahat ng nasa loob sa bahay, family namin. Kasama yung aso.." sabi ko marahang tumawa. "Kayo ilan kayo?" tanong ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)
FanfictionSB19 Josh Cullen Santos' Fanfiction ~~ Josh Cullen Santos; isang binatang may gusto sa kanyang kaklaseng si Vaughn Rodriguez. He started courting Vaughn when the right time came. He thought everything was settled down and it was happily ever after b...