~CHAPTER 14~

1 0 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 14~

DAHLIA's POV

Nine A.M. na akong nagising dahil tinapos ko pa kagabi ang binabasa ko. Bumaba muna ako sa kwarto ko pagkatapos kong maghilamos at nakita doon si mommy na umiinom ng tsaa habang nagbabasa.

"Morning mom.." sabi ko at sinalubong ko siya ng halik sa pisngi. "Good morning" sabi niya.

"Mom, pupunta po ako kila Josh ngayon. Gagawa kami ng project sa Science.." paalam ko kay mommy. "Yeah, sure. Pahatid ka na lang sa driver natin. Kailan ka aalis?" tanong niya.

"Later mom. 10" sabi ko at tumango naman siya. "Anong oras ka uuwi?" tanong ulit niya. "I think 3 to 4" sabi ko at tumango siya. Pinakain niya na ako at naligo na rin ako.

Nagsuot lang ako ng denim shorts na hanggang tuhod at tee shirt. Nagslippers lang din ako. Kinuha ko ang maliit na backpack ko at nilagay doon ang laptop, notebook, ballpen at isang libro na babasahin ko at ang book namin sa Science..

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Josh.

*RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  TOOT!! TOOT!!

Bakit di niya sinagot? Dinial ko ulit ang number niya..

*RING!! RING!!
  RING!! RIN—
  TOOT!! TOOT!!

Ngayon binabaan na naman?

*RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING!!
  RING!! RING—

"Hoy!! Josh Cullen!! Kanina pa ako tawag ng tawag!! Di mo sinasagot!!" sigaw ko sa kanya mula sa kabilang linya.

"Dahlia? *yawn*" takang tanong niya at nag-yawn pa.. "Kakagising mo lang?" di makapaniwalang tanong ko at umungol lang siya bilang sagot.

"Kakagising mo lang tapos papunta na ako diyan sa inyo?!" reklamo ko.

"Ha? Pupunta ka dito sa amin?— oh my god!! Nalimutan ko!!! Geez!! Sige pumunta ka na dito sa bahay, maghahanda lang ako sa sarili ko.." sabi niya at narinig ko naman na nagmamadali siya. "Ouch!!" biglang sabi niya at parang nahulog siya sa kama.

"Yan.. Yan kasi.. Dali ng karma no?" sakristong tanong ko sa kanya.. "Nyenye.." make face niya..

"Punta ka na dito.." sabi niya.. "Eh? Eh hindi ko nga alam kung saan kayo nakatira? Tapos papuntahin mo ako dyan? Tatanga-tanga ka rin no?" tanong ko.

"Aiisshhh!!! Itetext ko na lang sayo ang address Namin" sabi niya at binabaan na ako ng cellphone. Maya-maya pa ay dumating na rin ang text niya kung saan ang bahay nila.

Bumaba na ako at nakita ko si mommy na nasa ganoon pa ring posisyon katulad kanina. Lumapit ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang strap ng backpack ko

"Mom, punta na po ako.." sabi ko. Tiningnan niya naman ako. "Ok, sweetie.. Mag-iingat ka.." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Lumabas na ako ng bahay at nakita kong naghahanda na ang driver namin. Pumasok ako sa kotse at sinabi sa kanya ang address ng bahay ng kaklase ko.

Habang nasa loob ako ng kotse ay nagbabasa lang ako ng libro..

"Ma'am Dahlia, nandito na po tayo" sabi ng driver at pagtingin ko ang laki ng bahay nila Josh. "Sige kuya, magtetext na lang ako kay mommy mamaya kung kailan ako magpapasundo.." sabi ko at tumango naman siya.

Lumabas na ako ng kotse habang nagtatype na nandito na ako sa labas ng bahay nila pero hindi pa siya nagrereply..

Nagdoorbell na lang ako at nakita kong lumabas ang ate niya..

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon