~CHAPTER 19~

2 0 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 19~

DAHLIA's POV

Agad din akong nakatulog pagkatapos ng confession sa sarili ko.

Maganda ang mood kong bumangon sa kama at naghanda na sa sarili para pumasok sa school.. After kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang backpack ko at bumaba na sa kitchen.

Kumain ako at panandalian kong tiningnan ang slides na ginawa namin ni Josh at mukhang okay lang naman.

Nagpahatid na ako sa family driver namin sa school. Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Cyrill at mukhang puyat na puyat ang loko.

"Cy..." tawag ko sa kanya. Inaantok naman na nilingon niya ako. "Baket?" tanong niya at humikab. "Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Ha? Wala naman. Masaket lang ulo ko at inaantok pa" sabi niya pero may napansin ako.

"Cyrill, umamin ka nga" panimula ko. "Ha? Baket naman ako aamin? Wala naman akong gusto sayo" sabi niya.

"Hindi yan.."

"Eh ano?" takang tanong niya.

"Uminom ka kagabi?" tanong ko at nagulat naman siya. "Paano mo nalaman?" gulat na tanong niya. "Yung hininga mo, amoy alak" sabi ko.

"Oo, ang saket nga ng ulo ko. Hangover" sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Bakit ka uminom?!" galit na tanong ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya.
"Eh, kasi. . ." panimula niya.. "Anong kasi? Bakit ka uminom?!" galit na tanong ko.

Pero sa halip na sumagot ay ngumso siya sa likod ko at nakita ko na ang dahilan kung bakit siya uminom..

CYRILL's POV

(Kagabi to ah? Ito yung scene nung uminom si bibeh Cy)

Habang nandito ako sa bahay ay biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan?" tanong ko habang naglalaro ng cellphone. "Kumag ako to!" sigaw niya mula sa pinto. "Pasok!"

Binuksan ni Tyler; ang pinakamamahal kong pinsan, ang pinto ng kwarto ko at sinirado yun kaagad.

"Bakit anong kailangan mo?" hinarap ko siya at nagtanong. "Ikaw ang may kailangan sa akin, dear cousin" panimula niya kaya nagtaka naman ako.

"Anong ako? Wala naman akong utang sayo!" sabi ko at nilingon ulit ang cellphone ko pero nagsalita siya.

"Stacey Urtezuela. . . Ring a bell?" tanong niya kaya napaharap ako.

"Bakit anong nangyari kay Stacey?" tanong ko.

"Oh, dear cousin. Alam kong matagal ka ng may gusto doon kay Urtezuela, but sadly. May namingwit na sa kanya" sabi niya na ikinatigil ng tibok ng puso ko.

"Nagjojoke ka Tyler no?" natatawang tanong ko pero umiling siya.

"Come with me and see it for yourself, cousin" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Kaagad din naman akong nagbihis ng simpleng long sleeve at jeans saka nagrubber shoes.

Bumaba ako at nakita ko doon si Tyler na komportableng nakaupo sa sofa sa living room.

"Mom!!" tawag ko kay mommy. "Here in the kitchen!" sigaw niya pabalik kaya pumunta ako ng kusina.

"Mom, sasama—"

"Ok, pinagpaalam ka na sa akin ni Tyler. Be back before midnight ok? May pasok ka pa bukas" sabi ni mommy at pinagpatuloy kung ano ang ginagawa niya.

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon