~CHAPTER 6~

3 0 0
                                    

A/N:
          Mag-aauthor's note muna ako.. Maikli lang 'tong chapter na 'to dahil ito lamang muna ang nakayanan ng brain cells ko.. Pasensya kung hindi ko kayo mapapatawa dito, pero kapag natawa kayo, vote and comment please.. And BBQs ni Joshhyy, thank you for readinggg!!! Enjoy! ~❤~

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 6~

JOSH's POV

Pumasok na si proff. at nagsimula na ang klase.. Focus na focus ako na para bang naiintindihan ko ang pinangsasabi niya with matching serious face at tango-tango..

Nag-discuss siya at nagpashort quiz tapos ganun din ang ginawa ko at nung sumunod na proff. hanggang sa dumating ang Recces.

"Josh! Tara na sa canteen!! Sasabay sa atin sina Vaughn at Miles! Tara!!" biglang sabi ni Cyrill na para bang nang-aasar..

"Ah? May gagawin ako!! Babasahin ko muna yung hiniram ko na libro kay Dahlia.. Tapos may mga chocolates pa naman ako dito.." sabi ko na lang dahil hindi ko pa kayang harapin dahil alam niya ang sekreto na pinaka-ayaw kong malaman niya..

"Eh?? Diba sabi mo kapag nagbabasa ka, matutulu—hamnnmmbbpp" agad kong tinakpan ang bibig nitong si Dahlia dahil ang daming daldal!! Akala ko di madaldal yung mga nerds? Baka naiiba to!

"Aray!! Ang sakit ng labi ko!! Nadiin sa braces ko!!" reklamo niya at sinapaksapak ako..

Lumabas na silang apat at ako lang at si Dahlia ang naiwan dito sa classroom.. Nasa upuan niya pa rin siya at ako dito sa tabi niya kinakain yung chocolates ko habang nilalagay ang paa ko sa upuan na nasa harapan ko at yun ay kay Vaughn..

"Oh, eto!! Diba magbabasa ka??" sabi ni Dahlia at biglang ibinigay sa akin ang isang pocketbook in a brutal way.. Ito yung binabasa niya nung nakaraang araw..

Binasa ko naman yung title pero walang interest na ibinalik ko iyon sa kanya. "Palusot lang yun, ok?" paglilinaw ko..

"Ahh, ok... Vaughn!!! Pumunta ka ngayon din dito sa room!!" biglang sabi nung nerd.. "Babasahin na nga.."

Binuksan ko yung libro at nagbabasa habang kumakain ng chocolate habang nakaramdam ako ng antok..

Sabi sayo eh! Aantukin talaga ako kapag nagbabasa..

"Dahl, inaatok ako.." sabi ko at ibinalik sa kanya yung libro.. Uminom naman ako ng maraming tubig at nagsimula ng umidlip..

~

"So, the Philippine Flag was made Melchora Aquino in the order of President of Emilio Aguinaldo.." paggising ko ay narinig kong nag-iinstruct ang history proffesor namin..

Hindi ako ginising??

Kinalabit ko naman si Dahlia.. "Dahl, bago lang ba nagsimula??" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.. Itinutuk lang niya ang kanyang atensyon sa proff. habang seryoso ang kanyang mukha.

Kinalabit ko siya ulit.. "Dahl,.... Dahl... Dahlia... Dahliaaa!!!!!!!!" sumigaw na ako pero hindi pa rin niya ako pinansin at hindi rin ako sinuway ni proff.

Eh? Weird....

Kinalabit ko si Miles pero di niya rin ako nilingon.. "Miles... Miles... Milesssss!!!!!!!" sumigaw na ulit ako pero di pa rin nila ako pinansin...

"Ano bang nangyayariiiiii!!!????!!!" sigaw ko pero di pa rin nila ako pinansin..

Napakamot ako sa ulo ko dahil kinakabahan na rin ako.. Pumunta ako kay Cyrill sa kabilang row at siya naman ang kinalabit ko.. "Cyrill,... Cyrill.... Cyrrriiiiillllllllll!!!!!!!!!" wala pa rin akong nakuhang suway mula sa mga kaklase ko at kay proff..

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon