~CHAPTER 20~

2 0 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekieaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 20~

JOSH's POV

Nagulat ako sa pagiging iba ng mood ni Dahlia. Nagalit siya bigla sa akin at di ko maiwasan na malungkot at masaktan.

Masasaktan talaga ako, kaibigan ko yun ih..

Hindi ko na lang din siya pinansin dahil baka dalaw niya ngayon kaya siya ganun.

Nang magrecess na ay kaagad na umalis si Dahlia at tumayo naman ako dahil sabay kami ni Vaughn na kakain ng recess.

Habang naglalakad kaming dalawa patungong canteen ay tahimik lang kami at ang awkward lang talaga.

Umabot kami ng canteen na wala ring kibuan

Umupo siya at kumuha ako ng order.

Kumain kami ng tahimik at tahimik lang talaga. Tumikhim ako para mawala ang awkwardness na bumabalot sa Pilipinas.

"Saan ka pala pumunta kahapon?" tanong ko habang nasa pagkain pa rin ang paningin ko.

"A-ahm. Pinuntahan ko kasi si daddy sa office niya. Oo! May emergency kasi doon" sabi niya.

VAUGHN's POV

I'm sorry for lying, Josh..

"Oh ok" sabi na lang niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Napansin kong wala si Cyrill. Nasan siya?" tanong ko. "Clinic" simpleng sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

He's cold.

And this is the first time I've seen Josh being this so cold..

"Ok. Anong nangyari sa kanya?" tanong ko. "Hangover daw, sabi ni Dahlia" sabi niya at naramdaman ko namang may kirot ang namuo sa dibdib ko.

Bumalik na kami sa room pagkatapos ng pagkain namin na walang kibuan.

Umupo ako sa pwesto ko at tinawag si Miles.

"Miles.." tawag ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya.

"Kien is alive" sabi ko at nagulat naman siya.

"What?! Kien?! Are you sure of that Vaughn? Baka namimiss mo lang siya kaya mo naiisip yan" sabi niya pero umiling ako.

"No, Miles. I saw him really. Kahapon nung nagmall kami ni Josh. Sinundan ko nga siya at may nakita akong kausap siyang babae at lumingon siya sa akin kaya lang pagkatapos nun ay may truck na dumaan kaya napuwing ako at nung bumalik na ang paningin ko ay nawala na siya. Pumunta nga ako sa bahay nila kahapon. I asked tito and tita kung buhay ba talaga si Kien pero sabi nila na hindi. Si tito lang ang nagsasalita, Miles. And when I looked tita, she's avoiding my gaze. I'm sure na may tinatago sila" sabi ko.

"Then, we will investigate it ourselves then" sabi ni Miles kaya napangiti naman ako.

Lumipas ang isang araw at sinabihan na ni Miles si Jared na may pupuntahan pa kaming dalawa. Best friends bonding.

At, hindi pa din ako pinapansin ni Josh.

Umuwi ako ng bahay at nagbihis at pagkatapos nun ay dumating na dito si Miles sa amin. Sinabihan namin si mommy na may pupuntahan kami at pumayag naman siya.

Pinuntahan namin ang mall kung saan ko siya nakita at doon kami sa ice cream parlor muna pumunta.

Namalagi kami doon ng ilang minuto at nung walang tracks niya na nakita kami ay lumabas na kami at pinuntahan ang kanto kung saan ko siya nakita.

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon