PROLOGO

12K 250 11
                                    

"Hi Celina, I'm always watching to your vlog at hindi nakakasawa more videos pa po thank you 😘"

"Hello ate Celina kailan po ulit sunod na vlog mo? lage ko po pinapanood yong last vlog mo hindi po nakakasawa. i love you po 😍"

"Hay naku hindi naman naiiba ang content ng vlog niya, tsaka duh! nakakairita yong paulit ulit niyang video!!🙄🙄"

=solid fans reply to the basher= 👇👇

"kung naiirita ka pakitabi nalang ng mukha mo mas nakakairita eh."

"Oo nga kung ayaw mo bakit mo pinapanood? common sense cyst!"

Tiniklop ko na ang laptop ko,binasa ko lang ang ilang comments ng mga fans ko, 'Yes! May fans po ako' CelinaTics fansClub and Celina's Babies' pero yong iba gumawa na lang ng kong ano tawag sa club nila. I'm a vloggers slash student, dalawang taon na akong nagba-vlog at syempre kilala na din ng lahat may isang milyon mahigit na ang subscribers ko on Youtube then on IG account. Minsan may nababasa akong hindi maganda sa mga comments ng mga nanonood ng videos ko pero ni minsan hindi ko sila pinapatulan, dahil alam kong mas marami pa rin ang napapasaya ko at maraming nagmamahal sakin.

Isa akong Hotel and Restaurants Management student, at isang taon pa bago ako ga-graduate two years lang kursong kinuha ko,kebers ko nalang yan. Ako ang nagpapaaral sa sarili ko ayoko kasing umasa sa ate at magulang ko,kaya ko naman tsaka iskolar ako sa university kalahati na lang ang binabayaran ko. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid puro kami babae, ang ate ko nakatapos bilang isang guro at nagtuturo na ito sa elementary. Ang bunso naman nasa grade ten na, ang mama ko isang simpleng maybahay at papa ko isang masipag na magsasaka ng maliit naming lupain. Simula kasi ng makapag trabaho ang ate nakabili kami ng sariling sakahan at syempre tumulong ako galing sa kita ko bilang isang vlogger,hindi man yon kalakihan sapat na rin makatulong. Pag tag ulan palay ang tinatanim ng papa at pag tag init naman ay mga mais na pula at minsan puti at may mga tanim din kaming mga gulay at prutas. Naging mabuti naman ang ani kada anihan ng mga palay at mais maging ang mga gulay at prutas. Nagpapatayo na rin kami ng bahay, una kasi gawa lang sa kahoy at kawayan ang bahay namin, dinugtong nalang ang kalahati ng bahay sa bago. Hindi naman kasi lahat giniba ang lumang bahay 'syempre saan kami titira di ba? habang hindi pa tapos.

Nagkaroon ng manliligaw ang ate na isang foreigner, hindi naman tumutol ang mga mga magulang namin dahil nasa wastong edad na rin naman ito. Nahiga na ko para matulog dahil maaga ang klase ko bukas.

_______

'SANDER JOEY' pov's

"ANAK hindi siya deserving para sa pagmamahal mo huwag mong hayaang kainin ka ng galit at poot dahil lang niloko ka." hinaplos ni mommy ang ulo ko habang nakatalikod ako ng higa sa kama ko. Ilang linggo na nga ba akong ganito,simula nang malaman kong niloloko lang pala niya ako at ikakasal na ito sa iba bakit pumayag pa siyang makasal sakin. "Alam kong masakit ang ginawa niya sayo anak pero ang sakit na yan ay hihilom sa tamang panahon at may isang taong gagamot nito." dagdag pa nito,nanatili akong nakapikit at nakatagilid ng higa at nakatalikod sa kanya habang hinahagod niya ang buhok ko.

Nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto ibig sabihin nakalabas na ang mommy ko. Napatihaya ako at malalim na huminga,ang sakit pa rin hanggang ngayon hindi ko akalain na ang babaeng pinangarap kong makasama habang buhay yon pala may pinangarap din na iba. 'mahal na mahal kita pero bakit ginawa mo sakin to' lahat binigay at ginawa ko mapasaya lang kita,ginalang kita dahil sabi mo pagkasal na tayo saka mo ibibigay yon pala naibigay mo na sa iba'. Napasabunot ako sa sariling buhok sa sobrang galit at pagkamuhi sa kanya.

'Manlolokong gold digger' A real whore.

All girls is a cheater and a gold digger except my Mom' Hindi na ako basta magtitiwala sa mga babaeng mukhang pera.

_________

Sander Chua story...

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon