Typos alert read for your own risk. Thank you.
_____
CHAPTER 25: CELINA
TWO weeks passed,walang kahit na anino ni Sander ang nagpakita sakin. Simula nang huli namin magkasama at nagkasagutan kami dahil sa nangyari. Siya ang sinisisi ko ng lahat. Nung nagising ako sa hospital at narinig ko ang mg sinabi nito. Sobrang sakit..hindi ko man lang naramdaman na meron ng batang nabubuhay sa loob ng tiyan ko. Nawala sa isip ko ang lahat na posibleng mabuntis niya ako dahil hindi naman ito gumagamit ng proteksyon at wala akong iniinom na gamot para iwas buntis. Masyado akong kampante sa mga ginagawa namin at hindi ko naisip ang kalalabasan. marupok ka bess' sigaw ng mahadera kong isip.
Dalawang linggo...dalawang linggo na rin akong hindi pumapasok sa opisina nito sa kagustuhang umiwas sa kanya. Hindi ko pinaalam sa pamilya ko ang nangyari dahil wala pa naman sila alam tungkol sa relasyong meron kami ni Sander. Hanggang ngayon bumabalik sa isip ko ang nangyari sakin at ang walang hiyang babaeng yon wag lang siya magpakita sakin dahil baka hindi ko matansa sarili ko at mapatay ko din siya tulad ng ginawa niya sa anak ko. Hindi pa man din lumalaki pero hindi man lang binigyan na masilayan nito ang mundo na masilayan ko. Sa loob ng ilang linggo halos pag iyak nalang ang ginawa ko. Binigyan na ako ng isang blessing pero hindi ko man lang naalagaan binawi agad.
Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at bumangon. Hindi ko dapat sinisisi sa kanya ang nangyari alam kong nasasaktan din ito dahil anak niya rin yon. Pero sa halip na magdamayan kami tinulak ko pa siya palayo.
"...lumayas kaaaa! ayaw kitang makita nang dahil sayo nawala ang anak ko nang dahil diyan sa babae mo...lumayas ka sa harapan ayaw kita makita !!! lumayas ka!!! layaas!!" humihikbing sigaw ko habang yakap ang mga tuhod hilam na ng luha ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ko lubos maisip kong bakit nangyari ito sa akin, 'kung bakit hindi ko man lang naramdaman na may laman ang tiyan ko' masyado akong pabaya. Masama ko siyang tiningnan nang hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang sakin. 'umiiyak din siya?' anong karapatan niyang umiyak kasalanan niya ito kasalanan ng babae niya ito. Napahilamos ito sa mukha na tila napapagod na unawain ako dahil bagsak ang mga balikat nitong tumingin sakin. "huwag kang lalapit!! lumabas ka ayaw kitang makita.!!" sigaw ko tinuro ko pa ang pintuan.
"B-baby..ahmm so-sorry tatanggapin ko ang lahat huwag mo lang sabihin yan. Hindi mo ko kibuin ayos lang,basta nandito ako huwag mo lang akong pagtabuyan ng ganito. Hindi ko makakaya yon..please nandito ako para damayan ka magdamayan tayo baby,anak ko rin yon na-nasasaktan din ako.,,"anito pero hindi ko siya pinakinggan pinagtabuyan ko pa rin siya sinigawan at pinalilisikan ng mata hanggang sa sumuko nalang ito. "Kong yan ang gusto mo pagbibigyan kita,ayaw mo akong makita o-okay, pero lage mo lang tandaan nandito lang ako kong kailangan mo." lumapit ito sakin pero hindi ako gumalaw naramdaman ko nalang pinatakan niya ako ng halik sa ulo na ikinapikit ko. "mahal na mahal kita baby." nanigas ako sa kinauupuan ko parang namingi sa huling salitang binanggit nito. Pero bago pa ko makakilos para tanungin ito narinig ko nalang sumara ang pintuan napatitig ako dun sunod-sunod naman pumatak ang masagana kong luha.
'mahal niya ako?' tama ba ang narinig ko o guni guni ko lang yon.
Naalala ko ang huling pag uusap namin pinagtabuyan ko ito. Hanggang ngayon gusto ko pa rin itanong sa kanya kong totoo yong sinabi nito. Dahil hanggang ngayon paulit ulit yon sa isip ko. 'mahal na mahal niya ako' pero anong ginawa ko pinagtabuyan ko lang. Kailangan ko siyang makita at makausap pagod na rin naman akong umiwas,hindi ko dapat yon ginawa sa kanya dahil pareho kaming nawalan hindi lang naman ako. Nagbihis ako dahil papasok ako sa opisina hindi ko alam kong may lugar pa ako dun dahil dalawang linggo na kong hindi pumapasok.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA