Last one chapter then epilogue na. Thank you sa patuloy na nagbabasa ng sinusulat ko. Godbless you all
_____CHAPTER 29: CELINA
TWO months passed natapos na din ang preparation sa kasal namin. Mas pinili kong sa lugar namin ikasal. Pagkatapos nang mabigyan kami ng basbas mula kay tatay hindi na nagsayang ng oras ,araw si Sander komontak agad ito ng mga mag oorganize sa kasal namin.
Mula sa fitting ng gown sa design ,sa reception, sa free taste ng mga pagkain magkasama namin yong pinuntahan. Ang meeting with coordinator at organizer magkasama din kami. Hindi ako pumayag na siya lang ang haharap sa mga ito. Wala na nga akong perang naiambag sa kasal na ito hindi pa ako aattend sa mga meeting. Umuwe na rin si tita Sandria kasama ang asawa nito,nagulat nalang ako isang araw napag buksan ko sila ng pintuan.
Masaya ako dahil buong puso akong tinanggap ng mga magulang ni Sander. Tumulong si tita sa pag oorganize ng kasal namin ng anak nito. Laking pasalamat nito dahil sa wakas daw ikakasal na ang anak.
Pinakiusapan ko ang mayor sa lugar namin na sa lupain nila magseset ng receptions malawak kasi ang lupa ng mayor. At gusto ko dahil maganda ang view lalo na paghapon dahil nakikita ang sunset,naiimagine ko palang ang pagdedesign ng lugar saka ang motif nitong puro puti at pink parang ang ganda nitong tingnan.
Sa wakas nagkaayos na rin ang ate at ang fiancée nito. Sa tulong ng kaibigan ni Sander nalaman naming hindi totoo lahat ng video na pinakita ng babae. Gusto lang nitong sirain ang relasyon ng kapatid ko at ang fiancée nito. Umuwe na rin dito sa pilipinas si kuya Albert para tuluyan na silang magsama na ate at naisipan ng mga ito na paunahin nalang kaming ikasal. Una nagtuturuan pa kami ni ate kong sino ang mauna pero syempre pinauna nalang ako ng ate ko.
"Masaya ako C dahil nakita mo na ang the one mo."napatingin ako kay Noelle kasama ko ito at sina Belinda at Marga. Ngumiti naman ako sa kanya at pinisil ang kamay nito.
"Darating din ang para sayo maghintay ka lang." sabi ko pero inikotan lang ako ng mata na ikinangiti ko.
"Pano mo naman makita ang the one the one na sinasabi mo e' ang choosy mo." sigbat ni Marga nang ilapag nito ang nilutong pansit,nandito kami ngayon sa apartment kong saan ako dati nakatira bago ako lumipat sa bahay ni Sander. Binato ng masamang tingin ni Noelle ito pero inikotan lang ni Marga ng mata.
"Manahimik ka nga diyan hindi kita kinakausap."anito na tinawanan lang ng isa. Hindi ko alam na close na ang mga ito,bihira ko nalang kasi sila nakakausap at kasama dati simula nang lumipat ako kay Sander,ngayon nalang ulit kami nagkita kita.
"Oh bakit totoo naman ha! gusto mong mahanap ang the one eh' mapili ka,yong lalaking gwapo naman yon tsaka bagay kayo pero binasted mo,tapos yong ...----" hindi natapos ni Marga ang pinagsasabi nito nang biglang subuan ito ni Noelle ng pansit na agad naman nitong nginuya.
"Ayan gutom lang kasi yan sobrang daldal mo." si Noelle. Tumawa kami,nilapag naman ni Belinda ang biniling san mig light sa center table. Hinatid ako kanina ni Sander dito nang sabihin kong gusto ko makita at makausap ang mga ito mabuti nalang pumayag ito. Gusto ko kasing si Noelle nalang ang magiging bridesmaid ko ayaw kasi ni Brianna kaya hindibko nalang pinulit. Si Sander nakapili na ng bestman at kaibigan nito ang napili si Attorney Jemuel Francisco.
Hindi ako uminom dahil bawal,nagpa check up ako kahapon sa doctor pero hindi ko pinaalam kay Sander gusto ko kasi makasigurado muna bago ko sabihin sa kanya. Nang makaramdam ako ng hilo at pagsusuka naisipan kong bumili ng pregnancy test para malaman nang lumabas ang result hindi pa rin ako nakontento kaya nagpatingin na ko sa doctor para sigurado. Hindi ko sinabi kay Sander dahil gusto ko isusurprise ito sa mismong kasal namin.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA