CHAPTER 24

7.1K 282 34
                                    

____

CHAPTER 24: SANDER

HABANG nakaupo sa sofa kasama ang mga kaibigan ko hindi ako mapakali parang may bumubulong na hindi ko lang maintindihan. Trenta minutos palang akong nakaupo dito parang gusto ko ng tumayo at umalis para puntahan ulit siya. shiiit! hindi ko na nga naiintindihan kong ano pinag uusapan namin sa sobrang layo ng isip ko. 'why is that?' nangangati na ang paa kong tumayo at lumabas ng opisina ni Salazar. Kasama ko naman siya kanina pagkahatid ko nagtungo na ako dito para sa meeting namin ng mga kaibigan. Pero shiit hindi pa umiinit ang inuupuan gustong gusto ko na agad tumayo.

".....Chua nakikinig ka ba? kanina ka pa hindi mapakali sa inuupuan mo ha?" natauhan ako nang magsalita si Pangilinan at lahat sila nakatingin sakin. Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo saka tumingin sa kanila.

"Oo naman..okay lang ano akala mo sakin.." sinamaan ko sila ng tingin salamat naman at wala ng nagtanong. Nakinig na ko sa sinasabi ni Salazar yong tungkol gusali na pinatayo naming lima si Salazar lang ang nag aasikaso nun at ang kinuha nitong engineer. Nabisita na namin ito konti nalang matatapos na yon.

"Sabi ni engineer mga tatlo o apat na buwan matatapos na ang building." anito ni Salazar at pinakita ang litrato na kuha nito halos patapos na nga ito siguro mga flooring nalang ang kalahati at pagkakadesenyo . para saan nga ba ang gusaling yan? well iniisip pa namin yan pag natapos na. Nakahinga ako nang maluwag ng natapos ang meeting.

Tatayo na ko nang magsalita si Salazar. "Sa bahay ngayon mga dude naghanda ang asawa ko birthday ni Zia,ayaw ng asawa ko ng magarbong party kay simpleng handaan lang." anito.

"Sige sunduin ko lang si Stephannie para sabay kami pumunta dun." sabi ni Pangilinan tukoy nito sa kasintahan.

"Sorry hindi ako makakapunta have something to do." si Torres tumayo na ito at naglakad palabas ng opisina nagkatinginan kaming apat at tumingin sa nilabasan nitong pinto.

"Anong problema nun? may sira na naman sa ulo si Torres."si Francisco tumayo na rin ito saka lumabas na rin. Sabay kami ni Pangilinan lumabas ng opisina sa parking lot lang kami nagkahiwalay at nagtungo sa aming sasakyan.

Pagkasakay ko ng kotse kinuha ko ang cellphone sa pocket para tawagan si Celina mga ilang ring palang sinagot na nito hindi pa ko nagsasalita ng makarinig ng ingay sa kabilang linya at nagsisigawan nangunot ang noo ko . anong ingay yon? nasaan siya?binuhay ko ang makina ng sasakyan.

"...Hello Chua pumunta ka dito sa apartment ngayon din may nangyari kay Lorrie." matagal bago mag sink in sa isip ko ang sinabi ng nasa kabilang linya. Nag isip pa ko kong sino si Lorrie' tiningnan ko pa ang screen kong tama ba ang numerong tinawagan ko. Pero tama naman 'My baby Celina' ingay pa rin at sigaw tinatawag ang pangalang Lorrie'

"Hello anong nangyayari diyan? Nandiyan ba si Celina!?" sabi ko bakasakaling marinig hindi pa binababa ang tawag.

"OO NANDITO SIYA PUMUNTA KA DITO... Marga anong nangyayari sa kanya shiit dalhin na natin sa hospital."

"Tawagan mo si Chua.."

"Eto na nga kausap ko, Sander pumunta ka dito sa apartment bilis...Marga tulungan mo ko dalhin na natin sa hospital ang dami ng dugo."

Mabilis kong pinaharorot ang sasakyan ko kahit hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Bigla akong kinabahan at ang lakas ng kabog ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Hindi pa rin namamatay ang tawag naririnig ko pa ring ang komosyon sa kabilang linya. maubusan ng dugo? yon lang ang tumatak sa isip ko. Nilampasan ko ang ibang sasakyan sa sobrang pagmamadali.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon