Ayokong maghiwalay sila. Simple lang to pero walang twist ito. Haha Ayokong nahihirapan sila. Maiba naman.
Mature content down there.
____
CHAPTER 19: CELINA/ SANDER
TWO weeks passed.. No call and text galing sa binata na labis kong pinagtaka. Ang vice president ng kompanya lang nito ang nagma-manage ngayon. Sa nakalipas na linggo panay ang isip ko sa kanya kong ano ba talaga nangyayari dun. Si Karla panay naman irap sakin at hindi matatanungan. Nakatambak ang mga papeles na dapat pepermahan ng binata kaso nga wala pa ito. Sobra na akong nasasaktan dahil sa hindi nito pagpaparamdam, lage kong iniisip baka iniwan na niya ako ng lubusan.
Pinatay ko ang computer at niligpit ang mga gamit ko dahil out ko na, hindi ko nga alam kong bakit nandidito pa ako sa kompanyang ito wala naman akong ginagawa dahil halos inangkin na ni Karla sabi nito 'sa kanya naman talaga' . Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng opisina nandito pa si Karla at may kausap sa telepono nakasandal sa kinauupuan at animo'y kinikilig sa kausap.
"...hahaha so sweet ka talaga sir kailan ho balik niyo dito?..yeah si mr. Andres ang nagmamanage ngayon, haha ayos lang yon hmm sige, okay bye sir." napatigil ako sa paghakbang ng marinig ang mga yon biglang bumilis ang kabog ng puso ko sa sakit. Wala naman ibang tinatawag na sir si Karla kundi ang binata sigurado akong siya yon dahil nabanggit ni Karla ang pangalan ni mr Andres yong vice president ng kompanya.
Nakataas ang kilay nito nang makita akong nakatayo malapit sa table nito pero bigla niya akong inirapan. Gusto kong tanungin siya kong ang binata ba ang kausap nito pero hindi ako makapagsalita. Bago pa bumagsak ang namumuong luha sa mata ko tumalikod na ako at nagtungo sa elevator. ayokong mag assume baka hindi naman siya pero pakiramdam ko kasi siya yon. Nang bumukas ang elevator agad akong sumakay at sumandal saka ipinikit ang mata nalaglag ang luhang namuo sa mata ko pinunas ko agad ito. hihintayin ko ang paliwanag mo maiintindihan ko' sigaw ko sa isip.
Pagdating sa apartment wala pa ang mga kaibigan ko kaya dumeritso ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama at inilabas ang kanina ko pang pinipigilang luha. ayokong pag isipan siya ng masama,kaya kong tiisin ang sakit ngayon basta may paliwanag siya maiintindihan ko yon'. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dali dali akong bumangon para tingnan kong sino sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa saya sa iisipin siya na ito tumatawag. Pero nanlumo ako bigla ng hindi siya ang caller pinakatitigan ko lang ang screen hanggang sa mamatay ang tawag. Si Noelle lang pala. Hindi na ito tumawag ulit kundi tenext nalang ako binuksan ko naman agad ang message nito
Mas lalo akong napaiyak nang mabasa ang text nito, birthday ko pala bukas? ni hindi nga sumagi sa isip ko na bukas na pala yon. Masyadong ukopado ang isip ko ng binata sa sobrang pag aalala. Hindi ako nagreply bumalik ako sa paghiga at pinikit ang mga mata,na sana paggising ko maging okay na ang lahat hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko sa gilid ng aking mata.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA