CHAPTER 15

6.8K 259 25
                                    

Happy reading

___

CHAPTER 15: CELINA

HINDI ko maintindihan ang sarili kong bakit taliwas ang iniisip ko sa sinasabi ng bibig. Ilang beses kong sabihin sa isip na hindi ako bibigay sa mga matatamis niyang salita,na hindi ako bibilang sa babaeng magkakandarapa sa kanya. Pero lahat nang yon puro taliwas lang lahat ng iyon nabaliwala. Ngayon parang isa na ko sa babae niya,hindi pa man din kami pero kong makaasta ako para 'kami na'. Everytime na nakikita ko siyang ngumingiti  at nakikipag usap iba umiiba na agad ang timpla ng mukha ko nangingitngit na ko sa galit na hindi naman dapat.

Tulad nalang nung gabing sinundo niya ako at kumain kami sa labas halos mabali ang leeg ng mga babaeng haliparot nung pumasok kami sa isang mamahaling restaurant's feeling ko tuloy nanliit ako sa suot ko noon. Hindi naman sagwa o panget kaso pakiramdam ko hindi yon nababagay sa lugar na yon. Halos ikutan ko ng mata ang mga nakatitig sa kanya pero hindi ko nalang ginawa.

Tuwing sabado lage niya akong sinusundo sa bahay para daw mamasyal kami,tulad nga ng sabi ko hindi sumasang ayon ang isip ko sa sinasabi ng puso ko. Tuwing tumatanggi ang isip ko yong puso hindi. Lage kong sinasabi sa isip na masasaktan ka lang niyan, pero sigaw ng puso ko bakit hindi mo bigyan ng chance para malaman mo kong totoo ba lahat ng pinapakita niya.

Masaya naman ako pag kasama ko siya yong feeling na walang pagsidlan ng saya ang buong pagkatao ko tuwing magkasama kami napupuntahan ko na yong lugar na minsan pinapangarap ko palang puntahan. Hindi ko pinapansin ang mga tingin na masasakit ng ibang tao pag kasama ko siya. Yong saya na minsan nang nawala sa buhay ko nong panahon na nawalan kami ng ina,pero unti unti niyang binigyang saya. Pag kasama ko siya lang ang nakikita ko walang iba.

At ang puso kong sabi ko babakuran ko ng maigi natibag na nito ang bakod at pinapasok ko na. Hanggang sa naisipan ko nang sagutin siya ,pero bago ko ginawa isang libong beses ko tinanong ang sarili 'handa na ba akong sumugal sa tawag ng pagmamahal?' pero isa lang ang sumasagot ang puso ko. 'hindi mo malalaman at maramdaman ang totoong love kong hindi ka susugal' 'sa pag ibig kasama lage ang sakit dahil doon ka matututo'.

"What's bothering you baby?" napababa ang tingin ko  sa kanya nang magsalita ito napansin siguro na malalim ang iniisip ko. Nandito kami sa villa Francisco sa bandang burol, ito ang ikalawang beses naming balik dito kasi nagagandahan ako sa view berdeng mga dahon ang natatanaw at ang malawak na taniman ng prutas at gulay. Alam kong mayaman ang mga Francisco pero hindi ko inakala na may ganito silang lupain akala ko hotel at restaurant lang ang pag aari ng mga ito. 

Sinuklay ko ang medyo may kahabaan niyang buhok gamit ang kamay nakaunan kasi siya sa binti ko. Tiningnan ko lang siya saglit at binalik ang tingin sa paligid. "Hmm iniisip ko kong hindi lang masama ang una nating pagkikita siguro..."

"Siguro matagal ka ng inlove sakin?" putol nito sa sasabihin ko bahagya itong tumagilid paharap sa gitna ko napalunok ako bigla baka may maamoy chaaarr' pasimple akong gumalaw at pinausog konti ang ulo niya,tinatambol na naman kasi sa kaba ang puso ko. 'sa iisiping malapit ang mukha nito sa gitna ko'.

Sinabunutan ko nga' anong ma inlove' hinuli niya ang kamay ko at dinala sa labi saka hinalik halikan naiwas naman ako ng tingin. Hindi mo akalain na sobrang sweet naman talaga itong singkit na to. '

"Hindi no! baka nga ikaw eh!" pag depensa sa sarili, 'pero kong iisipin medyo tama din siya dahil nakita ko lang noon ang mga singkit niyang mata at gwapong mukha nataranta na ako, pero asa siya na aminin ko'. Nakatingin ako ngayon sa kamay ko na pinagsalikop niya sa kamay nito at dahil malaking tao siya nagiging maliit ako pag kasama siya.

Kung una natatakot akong sumubok na mahalin siya pero ngayon parang napapanatag na ang loob ko sa kanya. Pero minsan hindi ko din maiwasang mag isip ng negative lalo na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Binalik ko ang tingin sa paligid napapikit nang humangin bigla. Malamig ang hangin dito sa burol at mabango walang halong polusyon.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon