CHAPTER 28

7.2K 256 5
                                    

___

CHAPTER 28: CELINA

KINAGABIHAN salo-salo kaming lahat sa hapag-kainan. Nagulat pa sila ate Isabelle at Brianna nang makita ulit si Sander. Nang ikwento ko sa kanila na fiancée ko na ito nanlaki ang mga mata nila.Pero masaya ako dahil madali lang para sa kanila tanggapin ang binata. Ang tatay naman lageng masama ang tingin kay Sander pero nginingitian lang ito ng binata na ikinainis naman ng ama ko.

"Pero ate hindi kayo pwedeng magsabay na ikasal ni ate Sabel malas daw yon dahil sukob daw." nabaling ang tingin naming lahat kay Brianna nang magsalita ito. Tumingin naman ako kay Sander na napatigil ang pagsubo nito saka nilingon ako.

"Okay lang sakin na mauna si Lorraine I don't mind." si ate naman ang nilingon ko nang marinig kong pumiyok ang boses nito nakayuko ito habang patuloy ang pagsubo bumaling ako kay tatay na napailing ito pero bakas ang lungkot sa mukha. anong nangyayari?. Si Brianna naman napatigil din at tumingin kay ate Sabel.

"Okay lang sakin kung mauna yong wedding niyo, my baby understand that." boses iyon ni Sander saka tumingin ito sakin at hinawakan ang kamay ko tumango ako at ngumiti.

Halos hindi ko malunok ang kinakain sa sobrang katahimikan sa hapag palipat lipat ang tingin ko kay ate na nakayuko ito tahimik lang sa pagkain si tatay naman ganun din. may problema ba sila na hindi ko alam? anong nangyayari? nagulat ako nang may pumisil sa kamay ko na may hawak na kutsara kaya tiningnan ko ito si Sander pala.

"Continue eating baby stop thingking."mahina nitong sabi saka nilagyan ako ng ulam sa plato. Kahit hindi ko kayang lunukin ang kinakain pinilit ko nalang. Gusto kong magtanong pero wala akong lakas,para tanungin kong ano ba ang nangyayari. Nang matapos kaming kumain dalawa kami ni Brianna ang nagligpit kasi lumabas agad ang ate sa kusina at umakyat sa taas sa kwarto nito. Ang tatay ganun din,naiwan kaming tatlo sa kusina.

"Anong nangyayari Brianna? bakit ganun si ate?" tanong ko nang hindi ko na matiis dahil naguguluhan na ako.

"Ahmm..siguro siya nalang ang tanungin mo ate. Ilang linggo ko na siya nakikitang ganyan gusto ko siyang tanungin pero hindi ko naman magawa kaya hinahayaan ko nalang. Siguro nagkaproblema sila ni kuya Albert." sagot nito.
"minsan narinig ko siyang umiiyak nagsusumbong kay tatay." dugtong nito saka pinagpatuloy ang paghuhugas. Lumingon ako kay Sander na tapos na sa pagpupunas ng lamesa.

"Mauna kana sa kwarto baby pupunta pa ako kay ate kakausapin ko lang siya." nagpaalam kami kay Brianna kaya naiwan namin ito sa kusina naghuhugas. Magkahawak kamay kaming umakyat papuntang kwarto hinalikan niya muna ako bago ito pumasok. Dahil magkakatabi ang kwarto naming magkapatid dito sa taas kumatok ako sa pinto ng kwarto ni ate. Walang bukas kaya pinihit ko nalang ang pinto nang hindi ito nakalock pumasok nalang ako.

Ako yong nasasaktan pag nakikita ko silang ganito hindi din ako mapakali. Nakita kong nasa study table si ate at nakaharap sa laptop nito.

"Ate.."tawag ko alam kong alam nito na pumasok na ko dahil napatigil ito sa pagtipa sa laptop. Umupo ako sa kama malapit sa kanya parang namilipit ang puso ko nang makitang tahimik itong umiiyak. "ate anong pong nangyayari? may hindi ba kayo sinasabi? pwede mo akong kausapin ate makikinig ako." tumayo ako at pinatong ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito. "Ano pong problema?" tanong ko ulit at tumingin sa mukha nito na ngayon ay hilam na ng luha ang mata.

Hindi ito sumagot agad nalang akong niyakap at binaon ang mukha sa tiyan ko. Dahil nakatayo ako sa harap nito at nakaupo naman ito. Namasa ang mga mata ko nang marinig ang pag iyak nito kaya hinagod ko ang likod. Hinintay kong matapos ito sa pag iyak bakasakaling maging okay ang pakiramdam nito.

"N-niloko niya ako." simula nito nang kumawala sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang mga luha hindi ako nagsalita at hinintay ang karugtong. "Ang kapal ng mukha niya,s-sabi ako lang pero malaman laman ko m-may iba pa pala ito, at nagsasama sila sa iisang bahay don sa america,ang sakit,sobrang sakit dahil sobra sobra akong nagtiwala sa kanya pero niloloko lang pala ako. Hindi ko alam kong anong gagawin ko naguguluhan ako Lorraine,tumawag siya na hindi naman daw yon totoo pero hindi ko alam kong maniniwala pa ako dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang video na magkasama ito at ang babae." pinahid nito ang luha,ramdam ko din ang sakit na nararamdaman niya.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon