CHAPTER 5

7.1K 254 20
                                    

DONT JUDGE magbasa na lang hehe..

Godbless

CHAPTER 5: CELINA

____

'LOVE at first sight'  ngeeeek! 'I'm inlove to his eyes' ngeeek ulit!! ano ba Celina!! ano ba yang pinag iisip mo. Tinampal tampal ko pa ang magkabilang pisngi ko sabay iling dahil sa mga iniisio ko. Pagkauwe ko ng bahay dumiretso ako sa kwarto wala pa sila ate at Brianna,hindi ko na pinansin yong mga gumagawa ng bahay nang tawagin nila ako dahil lumilipad nga ang isip ko sa lalaking singkit na yon.

"Pano mo naman nasabing love at first sight yon? aber?" pagtatanong ko sa sarili. Eh hindi pa nga nagmamahal except sa  nagka crush ako pero iba naman ang crush sa love ' grrrr ano ba Celina stop thingking oh di ingles yon. "Ah basta kakaiba talaga ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang boses niya." pero... ah basta talaga. Pagkausap ko pa sa sarili,baka mabaliw na talaga ako sa kaiisip 'wala lang yon kinabahan ka lang dahil muntik ka nang masagasaan' tama yon nga baka dahil muntikan na kong mamatay kong sakaling naabot ako ng sasakyan niya. Yeaah right takot at kaba lang yon. Hingang malalim Celina hingang malalim. 

Pagkatapos kong makausap ang sarili nagbihis na ko at lumabas. Dahil nasa kusina na sila nanay,tatay at mga kapatid ko pinilit kong maging kalmado at maayos sa harap nila baka kasi magtanong,pero ang kaloob looban ko nanginginig na. Tumulong akong magluto ng hapunan pero ang isip ko at tumatakbo kong saan.

"Celina ayos ka lang ba?" napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng nanay nabitawan ko pa ang sandok,sobrang lakas ng tubok ng puso dahil sa kaba. Napalingon ako ng dahan dahan sa nanay kong nasa likuran ko at may hawak na gulay.

"A-aayos lang po ako nay." nautal ko pang sagot napalunok ako ng laway nang hindi inaalis nito ang tingin sakin,pakiramdam ko ngayon namumula ako,pero salamat sa hindi maliwanag na ilaw kaya hindi nila napapansin.

"Kanina pa kitang tinatawag pero hindi mo narinig., ayos ka lang ba talaga?" tanong ulit niya at pinulot yong sandok na nabitawan ko. Tumingin ako sa tatay at kapatid kong nakatingin din pala sila sakin. Tumikhim ako at ngumiti para naman iwas awkward sa eksena.

"Ayos lang po ako nay,may minimemorize kasi akong report kaya malayo ang iniisip ko. May sasabihin po kayo?" tanong ko. ito ang unang beses na nagsinungaling ako please lord forgive me agad. Nagtungo na ako sa lamesa at nilagay na ang mga nalutong ulam.

"Namemorize mo ba ate?" sinamaan ko ng tingin ang bunso namin,parang may gusto itong iparating sa klase ng tanong. Dumila lang ito at tumawa.

Nasa harap na kaming hapag kainan lahat at si tatay lang nagsasalita dahil may sinasabi ito tungkol sa ani ng mais at mga tanim niya pati  narin ang sa bahay na kulang na materyales.

"Bilhin niyo na po bukas ang kulang na semento at mga bakal,bibigay ko po maya ang pera ako na po bahala dun tay." sabat ni ate. Hindi natuloy ang uwe ng boyfriend niya dahil hindi natapos ang ibang requirement kaya inaayos pa. Hindi din naman alam ni ate na uuwe yon,gusto niyang isurprise si ate sa pag uwe dito at ang proposal na gagawin nito.  Tumango si tatay at nagpatuloy na kami sa paghahapunan.

_____

Kinabukasan mabuti naging maayos naman ang tulog ko at nakalimutan ang dapat isipin. Kasama ko ngayon ang kaibigan ko papasok na kami. Nagtatanong kong ano ba ang pinag araalan namin kahapon dahil absent ito. Binigay ko nalang sa kanya ang notebook ko para siya nalang maghanap at para alam niya.

Asual boring ang unang klase namin pero syempre nakikinig pa rin ako kahit papano. Hanggang sa dumating ang lunchbreak dahil may baon ako sa paboritong tambayan kami nagpunta ni Noelle para doon kumain. Naikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon na muktikan na akong masagasaan ng balasubas na driver pero gwapo sa paningin ko'  pero syempre hindi ko sasabihin ton baka ano pa isipin niya no! pinilig ko ang ulo sa naisip na yon.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon