'Mabagal na pag update.
Take it easy mga besshy.
____
"AAAAAAHHHH.. oh..My ..God! OhMGeeee.." malakas na sigaw ko na ikinagulat ng pamilya ko dahil agad silang pumunta sa kwarto sa iisiping napano ako. Nagtatatalon pa ako kaya naglikha ng ingay ang sahig namin na gawa sa kawayan kaya rinig na rinig sa silong. (hindi pa tapos ang bagong bahay namin)
"Anong nangyayari sayo Celina balak mo bang gibain tong tulugan niyo?" si mama
"Bakit ka nagsisisigaw diyan?" si ate naman. Nakatingin sila tatay at Briana na nagtatanong na mga mata.
"Sorry po nabigla lang po ako eleven hours palang napost ko ang vlog ko umabot na nang 800K views."sabay patingin sa kanila ng laptop ko at pinakita ang video na pinost ko kagabi. First time itong nangyari sa vlog ko sa loob ng dalawang taon sa lahat ng video na ginawa ko halos umabot ng isang linggo bago mag 500K views. Pero yong kahapon na video na ginawa ko halos kalahati na,wala naman masyadong interesting don bakit maraming nanood.
Ngayon lang ako nagkaganito kahit naman sa ibang videos ko buwan ang inabot bago nag 1M hindi ako nagtititili. What more pa kong mag 24hrs na.
"Hay naku.. yon lang kong makasigaw ka halos gisingin mo na pati kapitbahay natin.'' napanguso ako sa sinabi ni mama. "Maghanda ka na diyan at mag aalmusal na tayo." sabi niyo bago sila nagsibabaan.
Masaya lang naman ako dahil ganun karami ang nanood ng videos na kahit ako wala naman ka interesting sa ginawa ko,pero ganun karaming views. Tiniklop ko na ang laptop inayos ang higaan namin. Maagang bumaba ang ate at si Briana kaya ako maglilipit ng hinigaan namin.
Pinatong ko ang tuwalya sa balikat ko saka bumaba naabutan ko sila nasa hapag,mamaya na ko maliligo kakain muna ako. 9am pa naman ang klase ko kaya hindi ako ma lalate ang ate ko nakabihis na at ang kapatid ko maaga ang pasok nila.
"Ate kagabi mo lang ba ginawa ang video na yon?" tanong sakin ng kapatid ko habang kumakain kami tumango ako. "Ang galing baka mamaya ate 1M views na yon hindi ko pa yon napanood natulog na ko nakagabi." dagdag nito.
"Celina ang pag aaral ha! baka malibang ka na talaga diyan at mapabayaan mo pag aaral mo." si mama.
"Hayaan mo nalang ang anak mo Magda matagal na rin naman niya yan ginagawa pero hindi naman siya nagpapabaya." sabat ng ama ko. Alam kong sinuportahan ako ng magulang tama ang tatay hindi ko naman talaga pinapabayaan ang pag aaral name-maintain ko pa rin sa mataas ang grado ko.
"Huwag po kayo mag alala Nay nag aaral po akong mabuti, tutuparin ko pa rin po ang pangarap ko." sabi ko. Hindi na nagsalita ang mama ko nagpatuloy kami sa pag aalmusal hanggang sa natapos at umalis na sila ate at Briana. Ang itay naman dito lang sa bahay dahil may trabahador dito tumutulong lang ito. HRM student ako pero hindi sa pagmamayabang ako po nag design ng bahay namin. Apat ang pagpipilian na denesign ko pero yong last na drawing ko yon ang nagustuhan nila. Two story lang yon may apat na kwarto,tatlo sa taas at isa sa baba yon ang magiging kwarto ng magulang ko at kami sa taas,isang banyo sa taas para sa aming tatlo at isang common cr sa baba. Simple lang ang design ng bahay paunti unti mabubuo rin yan.
Ako na naghugas ng pinagkainan namin dahil ang mama nagluluto na ng tanghalian para sa mga trabahador namin. Opo kami po ang sumagot sa pakain nila walang kaltas sa sasahurin kada araw. Tumutulong din ang amerikanong boyfriend ng ate ko, malapit na yon bumisita dito sa pinas tinatapos lang niya ang mga papeles na kakailanganin at balak nitong magpropose sa ate pagkauwe,at syempre surprise yon kaya ako lang sinabihan niya.
"Bilisan mo na diyan anak may pasok ka pa maligo ka na dun." sabi ni mama, maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadali. Pagkatapos naligo na ko,pag akyat ko sa taas nagbihis na ko. Dadaan dito si Noelle kaya hihintayin ko nalang.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA