Happy reading..
_____
CHAPTER 13: SANDER
Hindi ako mapakali sa opisina sa kaiisip sa dalaga hindi ko din naiintindihan ang binabasa ko. Napahagod ako sa buhok sa pagkainis tumayo ako at kinuha ang hinubad kong coat at dumiretso palabas.
"Cancel mo lahat ng meeting ko." sabi ko sa secretary pagkalabas ko hindi ko na hinintay ang sasabihin malalaki ang hakbang ko patungong elevator.
Ilang linggo na nga ba akong sumusunod sa kanya ng palihim. Everytime na dinadala ng delivery boy ang bulaklak sa hotel kong saan ito nagtatrabaho nasa malayo naman ako hinihintay na makuha nito ang bulaklak.
"Good afternoon sir."
"Good afternoon sir."
Bati nang nakakasalubong kong empleyado deritso lang ang lakad ko nang hindi sila binabati pabalik. Hindi ako yon kong babati ako pabalik sa kanila dahil hindi ko ugaling bumati sa empleyado ko. Masama na kong masama ganun ako eh!
Nasa medyo malayo ako ng hotel tinigil ko ang sasakyan pasado alas dos na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko para bang sabik lageng makita ang dalaga. Hindi naman mapapakali kong hindi ko ito nasisilayan. Sumandal ako sa kinauupuan ko at pinatong ang ulo sa braso ko habang nakatanaw sa entrance ng hotel. Alam kong hindi pa out nito dahil alas dos pa lang pero handa akong maghintay dito hanggang makita lang siya.
Baka tama ang sinabi ni Francisco two naiinlove na ko sa dalaga. Pero imposible yon dahil para sakin laruan lang ang babae. 'kung para sayo laruan huwag mong idamay ang inosenteng babaeng yan' sigaw ng puso ko. Madalas kinokontra ng puso ko ang sinisigaw ng isip ko. At tama siya inosente wala naman yon kinalaman sa nangyari sa nakaraan ko. 'Kung hindi mo siya kayang mahalin o walang puwang sayo hayaan mo nalang siya huwag mo siyang guluhin' sabat pa ng puso ko. Hindi ko nga ba kayang mahalin? tanong ko sa sarili. Napailing ako at nahilamos ang mukha,mababaliw na ko dahil kinakausap ko na ang sarili. Napaupo ako ng tuwid nang matanaw ang siya pero nangunot ang noo ko nang makitang nagpupunas ito ng mata 'umiiyak siya? naikuyom ko ang kamao sa manebila sa galit pinaandar ko ang kotse ko at tumigil ako sa harapan ng entrance baba na sana ako para salubungin siya nang ito na mismo ang sumakay sa sasakyan ko. Biglang kumabog ang puso ko pero nagngingitngit ang panga sa galit dahil nakikita siyang umiiyak. Namumula ang mukha nito pati mata dahil siguro sa pag iyak. 'inaakala niya ba na taxi ang sinakyan niya? pero pinaandar ko na ito nang magsalita ito at sinabi ang address. ' mukha bang taxi ang kotse ko? mukha ba akong driver at manong?' hindi na ko nagsalita at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Patuloy lang sa pag iyak gustuhin ko mang tanungin kong anong nangyari hindi ko magawa. Halos mapamura ako nang abutan niya ko ng bayad nang hindi ko tinanggap nilapag nito sa gilid ko hindi ako nagsalita agaran itong bumaba at pumasok sa apartment na umiiyak.
"Inalis ba siya sa trabaho?'' paulit ulit kong tanong sa sarili. Gusto kong bumaba at sundan sa loob dahil nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ito tumigil sa kaiiyak. ano kayang nangyari sa kanya? ang gago mo sa part na yan Sander bakit hindi mo tanungin.
Nakita ko siyang lumabas at may bitbit agad ito napatingin sa kotse ko ang nakataas ang kilay,nagtaka siguro na hindi pa ako umaalis.
Bumaba ako nagulat ito nang magsalita ako sa bandang likuran. Ang ganda lalo na namumula ang pisngi morena ito pero nakikita pa rin ang pamumula pati ang ilong.
Nang pareho kaming natauhan sa isa't isa dahil nagkatitigan. Nagulat ito nang makilala ako.
_____
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
Lãng mạnMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA