Happy reading..
_____
CHAPTER 14: CELINA
"ANG kulit mo naman singkit! ano bang ginagawa mo dito!?"
"Sabi ko naman sayo na manliligaw ako."
"Ilang beses ko din ba sabihin sayo na hindi ako nagpapaligaw!!"
"Ilang beses ko din bang sabihin sayo na 'sa ayaw o sa gusto mo' itutuloy ko"
"Ewan ko sayo bahala ka nga!"
Mabilis ang lakad ko papasok ng apartment ang dalawang kaibigan ko panay lang ngiti sa sagutan namin ng singkit na yon at nasisiyahan pa ang mga ito.
Apat na buwan simula nang bumalik kami ng maynila pagkatapos ng libing ng nanay ko. Isang linggo akala ko hindi na kami magkikita pero pagkatapos ng isang linggo bigla nalang siyang susulpot at sasabihing manliligaw 'kuno' siya. Syempre nagpakipot ang ate niyo hindi naman kasi ganun kadali kahit sabihing nahuhulog na ang damdamin ko sa mga pinakita nito nung burol. Dalagang pilipina pa rin chuss.
Nalaman ko din na siya pala ang nagpapadala ng mga bulaklak sakin dati at agad kong senearch kong ano meaning ng SJC 'Sander Joey Chua' pala doon ko lang nalaman totoong name niya. Joey kasi ang pakilala niya sa amin noon at yon din ang tawag sa kanya ni tita Sandria. Hindi ako pumayag na magpaligaw sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako. Siya ang lalaking hindi mawawalan ng babae dahil kong tutuusin nasa kanya ang lahat. Babae nalang ang lalapit sa kanya. paano kong isa lang itong laro para sa kanya at gusto niyang isama ako sa mga naging laruan niya' minsan puro negativity nalang ang pumapasok sa isip ko lalo na kilalang tao siya.
Sa loob ng apat na buwan walang palya lage itong nasa paligid ko bigla nalang susulpot at may bulaklak na dala. Pati sa hotel kong saan ako nagtatrabaho halos lahat ng mga empleyado nakatingin sa kanya na para bang sinisilaban kong kiligin. Well sino ba naman ang hindi kiligin sa gwapo nyang yon,hindi ka magdadalawang isip na lumingon. Matipuno matangkad singkit basta lahat ng makikita sa lalaking yon talagang mahuhubaran ka. tsssk ano ba tong pinagsasabi ko' .
Nag iinarte ako 'Oo' karapatan ko naman ata yon' dalagang pilipina 'Oo' karapatan ko ring tumanggi o magpabebe 'Oo' gusto kong sinusuyo ako lalo na kapag gwapo hahaha chuuss, 'feeling ko kasi pag hinahabol niya ako ang ganda ganda ko' Pero minsan naisip kong baka pag nagsawa siya kakahabol sumuko nalang bigla' ayoko naman mangyari yon chance na dapat ito. pero ano gagawin ko inuunahan ako ng takot na baka masaktan niya ako' na baka ibibilang niya lang ako sa mga naging babae niya' bakit kasi puro baka'. Advance kasi mag isip agad.
Seryoso na to 'una takot talaga akong masaktan' siya palang ang unang lalaking nanligaw sakin personal. Pangalawa nararamdaman ko namang totoo lahat ng pinapakita niya,pero natatakot talaga akong sumubok' ang gulo gulo mo Celina. Ganun ang pag ibig magulo talaga.
Dalawang buwan na niya akong nililigawan,hinayaan ko siyang gawin yon hanggat maramdaman kong totoo siya. At napatunayan niya na rin,kahit gaano pa ako kaarte sa kanya hindi pa rin sumusuko. 'dapat lang no' paano niya ako mapapasagot kong susuko agad siya'. Pero aminin ko man o hindi kinikilig din po ako sa kanya 'huwag niyo kong iHate' haha nagpapakipot lang . Everytime na nakikita ko siya halos hindi din ako makahinga nagrarambulan ang mga paro paro sa tiyan ko sa sobrang kilig. Halos malagutan ng hininga pag nagtatama ang mga mata namin,naglalapat ang mga balat,at higit sa lahat pag naaamoy ko ang mabangong amoy niya. Namumula sa kilig sa tuwing nakatitig siya sakin at kinikindatan niya ako. Kahit gaano ko man itago at ipagkaila kitang kita sa kilos at kislap ng mga mata ko na kinikilig din ako sa presensya niya.
"Baby open the door!! pag hindi mo ito binuksan sisirain ko to!" malakas na pagkatok ang narinig ko sa labas ng kwarto ko. Grrr hindi talaga siya titigil,sinasabi na kasing... "One..!" aba at talagang nagbilang pa siya. ang arte mo kasi Celina.sigaw ng isip ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko boses palang niya gusto ko ng atakihin. Tumikhim ako at pilit na kinakalma ang sarili naglakad ako para pagbuksan ito dahil gusto na niyong sirain ang doorknob.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA