Thank you and happy reading.
____
CHAPTER 9: CELINA/ SANDER
MADALING araw na pero gising pa ako,paikot ikot lang ako sa higaan. Tatayo,uupo saka maglakad lakad at ihilamos ang palad sa mukha,balik higaan takpan ng unan ang mukha yan ang ginagawa ko hanggang ngayon. Ewan ko ba kong bakit hindi na naman ako makatulog uminom naman ako ng gatas kanina bago nahiga pero hindi man lang ako inantok nakapikit lang ang mata ko naglalakbay naman ang diwa ko.
"Ano ba Celina may trabaho ka pa mamaya." saway ko sa sarili,dumapa ako at pinatong ang unan sa likod ng ulo ko,pipilitin kong makatulog kahit ilang oras nalang magliliwanag na.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sunod sunod na malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko,agad kong inabot ang cellphone na nasa sidetable nanlaki ang mata ko nang makita ang oras ala sais y'medya na. Dali dali akong bumaba ng kama at kinuha ang tuwalya,pagbukas ko ng pinto pag aalalang mukha ng dalawa kong bagong kaibigan ang bumungad sakin nakabihis na ang mga ito.
"Akala namin kong ano na nangyayari sayo ang tagal mong lumabas." si Belinda, ito kasi ang unang beses na nalate ako ng gising kadalasan nauuna ako sa kanila. Ang bilis ng araw dalawang buwan na ako sa hotel at naging maayos naman ang trabaho ko kahit pagod nakakaya naman. Minsan nakakausap ko ang mga magulang ko at kinakamusta nila ako.
Nakaalis na ang isang kasama namin yong nagtatrabaho sa restaurant ako nalang ang hinhintay ng dalawa. Magkakasama talaga kaming pumapasok dahil iisang department o hotel lang ang pinapasukan namin. Pagkatapos ko maligo mabilis din ang pagbihis ko dahil ilang minuto nalang mag seseven na,hindi ko alam kong naabit ba ako ng minuto sa pagligo basta nung nabasa na ang buhok at katawan ko sabon agad at shampoo tapos banlaw na agad. Hindi na ko kumain kahit pinapakain pa nila ako iniisip ko nalang na baka pare-pareho kaming male-late kong kakain pa ako. Mabuti nalang mabilis itong dalawa tinimplahan nalang ako ni Belinda ng kape at nilagay sa disposable cup at si Marga naman may dalang sandwich kaya habang nasa jeep kami papuntang trabaho kinakain ko yon. Nagpapasalamat ako dahil may dalawang tao na nagmamalasakit sakin dito kahit hindi ko pa sila lubusang kakilala. Sa loob ng dalawang buwan ko dito nakasanayan ko na rin ang mga tao sa paligid ko lalo na sa hotel maraming mapagmataas ang sa tingin sa sarili. akala nila tagapagmana .
"Salamat sa pabaon niyo mga friend ha,pasensya na hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi ewan ko ba!" pagkwento ko papunta na kami ng locker kong saan iiwan namin ang mga bag.
"Kaya pala,nagtaka kami na wala ka pa sa kusina kanina paggising namin,ilang beses kaming kumatok bago kami maligo kaso tulog na tulog ka ata,kaya hinayaan na muna namin." sabi ni Marga sinusuot na niya ang uniform ganun din ang ginawa ko at ni Belinda. FHR ang nakasulat sa bandang dibdib medyo taas,pinatong lang namin sa mga suot naming damit. Nag uusap usap kami habang busy sa pag aayos ng sarili. Inayos ko nalang ang buhok ko dahil medyo basa pa hindi ko muna pinusod may 10minutes pa naman bago ang time namin.
Akalain mo yon six thirty ako nasiging,nakarating kami ng hotel six fortyfive,ganun kabilis ang kilos ko pag nagmamadali di bale nang di maayos ang pagkakaligo at di makakain basta hindi lang malate sa trabaho. Naunang lumabas si Belinda dahil nauna itong natapos. Sunod kaming dalawa ni Marga kasama ang iba pa naming kasamahan. Sinulat na muna namin ang mga pangalan sa list ibig sabihin pumasok kami at naduty sa araw na ito.
Habang tumatakbo ang oras pabigat nang pabigat ang talukap ng mata ko pero nilalabanan ko ito para hindi makatulog. Habang nag aayos ako ng mga sapin sa kama kumakanta kanta ako para lang hindi mapapikit. Naka tatlong kwarto palang ang naayos ko at ilang minuto nalang maglalunch na. Sa pang apat na kwarto habang inaayos ko ang kama talagang hinihila ako ng antok. Wala sa sariling umupo ako sa dulo ng kama sabay bagsak ng katawan nakadipa pa ang dalawang braso ko at hinila na ako ng antok ko.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA