BEware sa typos THANK YOU
_____CHAPTER 26: SANDER
INIWAN ko muna saglit si Celina sa opisina at dali daling bumaba nagtatagis ang bagang ko at kuyom ang kamao sa galit dahil sa babaeng yon. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukhang yon sino siya para saktan ang babaeng mahal ko. Tinawagan ko ang nasa cctv room para icheck ang footages ng gulo kanina.
Halos lahat sila pinagtatawanan lang siya at walang gustong umawat pwes ngayon ako tatawa sa inyo. Halos dalawang linggo hindi kami nagkita ng dalaga dahil sa isang taong nanggulo din sa amin. Sa loob ng dalawang linggo nakita at natagpuan ko din si Danicka nagtago ito sa bahay ng asawa. Ano akala niya sakin matatakot sa kanila.
Akala nito babalik ako sa kanya dahil hinanap ko ito at pinuntahan. Hindi ako nananakit ng babae pero dahil sinaktan nito ang babaeng buhay ko ngayon nadamay pa pati ang magiging anak namin.
"Joey mabuti pinuntahan mo ako susunduin mo na ba? makikinig ka na ba sa sasabihin ko." sa sobrang galit at pagkamuhi sa pagmumukha niya nasakal ko ito dahilan kong bakit maubo ubo ito sa ginawa ko. Nanlilisik ang mata ko sa galit na tumitig sa mga mata nito. "J-Joey a-ack J-Joey a-ano ba n-na-sasaktan a-ko ah.!" pilit nitong tinatanggal ang kamay kong nasa leeg nito halos lumabas na ang dila nito.
"Tangina Chua baka mapatay mo yan.!!" agad akong hinila ng malakas ni Francisco nang makitang halos mapatay ko na ang babae nakalabas na ang dila nito at napaubo na nandilim ang paningin ko mabuti nalang naawat ako bigla. Kasama ko si Francisco dahil siya naman nakahanap kong saan ito sinamahan lang ako.
"Kulang pa yan sa ginawa mo kay Celina.!! kulang pa yan dahil sayo namatay ang magiging anak namin!! kulang na kulang pa yan!! kong kailangan patayin din kita para mabayaran mo ang ginawa mo sa anak namin gagawin ko." nagtatagis ang bagang ko habang dinuduro siya natigil ang pag away sakin ni Francisco ng marinig ang mga sinabi ko pero hindi ko siya pinansin. "nang dahil sayo nawala ang anak namin na hindi pa nasisilayan ang mundo. Pero hindi ko ilalagay sa kamay ko ang hustisya para sa anak ko pagbabayaran mo ito ng mahal.!!" tumalikod na ko bago pa tumulo ang luha ko. Malalaki ang hakbang ko patungong sasakyan kong saan ito nakaparada hindi ko napigilan ang luha kaya umagos nalang ito.
Sobrang sakit na hindi pa man din namin alam na buntis siya pero nawala din agad. Sinipa ko ang gulong ng sasakyan sa sobrang lakas ininda ko ang sakit na natamo ko dahil mas masakit ang mawala ng anak na hindi mo pa nasisilayan. Malakas kong sinuntok ang hood ng kotse at malakas na nagmura nayupi ito wala akong pakialam. Inawat na naman ako ni Francisco at pinapasok sa loob ng sasakyan at ito na nagmaneho paalis.
Pagkatapos ng dalawang araw nagsampa ako ng kaso laban sa kanya at si Jemuel ang tumayong abogado ko. At dahil malakas si Francisco natalo at pinanigan ang kaso ko. At hinatulan itong ng limang taon na pagkakakulong. Walang nagawa ang pamilya at asawa nito sarado ang isip ko sa pagmamakaawa nila. Buhay ng magiging anak ko sana ang nakasalalay pero pinagkaitan nilang mabuhay at masilayan ang mundo. Magdusa sila at pagbayaran ang ginawa nila.
Matapos kong makita ang cctv kumuyom ang kamao at nagtagis ang bagang nang makita ang nangyari,Nanlilisik ang mata sa galit na lumabas ng cctv room at pinatipon ang lahat ng mga empleyado kong nanonood kanina ng gulo sa labas ng elevator at masayang masaya pa ang mga ito. Nagtagis ang bagang ko ng halos sila nagchecheers sa babaeng nanakit sa dalaga. Wala akong pakialam kong maubos ang empleyado ko hindi sila mga kawalan hindi ako maghihirap kong mawala sila sa landas ko at sa kompanya ko, hindi ko kailangan mga ganyang ugali ng empleyado . Halos lahat nanginginig nang makita ako hindi pa man din ako nagsasalita may umiiyak na lalo na itong babaeng nanakit sa mahal ko. Masama ko itong tiningnan mula ulo hanggang pa,napaiwas ito ng tingin.
"Anong department ka ulit?" tanong ko dito kinalma ko muna ang sarili baka hindi ako makapagpigil masakal ko din ito. Nandidilim ang paningin ko sa sobrang galit halos lahat sila nakayuko.
"M-mar-keting d-department po sir." sagot nito sa nanginginig na boses. Tiningnan ko ang lahat halos bente mahigit ang mga ito mapalalaki man o babae.
"Anong kasalanan ng babaeng yon bakit mo siya sinaktan!?" tanong ko ulit. Pero hindi ito sumagot umiiyak na ito sa takot ng pagsigaw ko. Pwes wala akong pakialam sa takot niya nananakit na ko ng babae ngayon lalo na kong sinaktan ang babaeng mahalaga sakin. "ANO? ANONG KASALANAN NIYA SAYO!!" nagulat ang lahat ng hampasin ko ang lamesa at lumikha ito ng ingay. Hindi ito sumagot . Lumapit ako sa mga lalaking nakikinood lang kanina at tumatawa pa at isa isa ko silang binigyan ng malalakas na suntok sa sikmura dahilan ng paminilipit nila. "Hindi ako naging masamang boss sa inyo lahat kayo tinanggap ko sa kompanya!!lahat kayo pinatrabaho ko sa kompanya ko!! at ayaw na ayaw ko sa lahat ng empleyado ko masasama ang ugali.!!" tiningnan ko sila isa isa na nanlilisik na mga mata. Lumapit ako sa babaeng taga marketing puno na ng luha ang mata at pisngi nito at nagkalat na ang make-up,kung dati kahinaan ko ang pag iyak ng babae pero ngayon hindi na isang babae nalang ang kahinaan ko ngayon. Hinawakan ko sa buhok ito at napatingala habang walang tigil ang pag iyak. "ALAM MO BA KONG SINO ANG BABAENG SINAKTAN MO,!!?KILALA MO BA KONG SINO SIYA?!!!" sigaw ko sabpagmumukha nito. Hindi na ito nakapagsalita dahil sa panginginig sa takot at pag iyak. Binitawan ko ang buhok nito ng malakas dahilan upang mapaupo ito sa sahig.
"MAKINIG KAYONG LAHAT !!ANG BABAENG PINAGTAWANAN NIYO KANINA AY ASAWA KO IBIG SABIHIN BOSS NIYO DIN SIYA.!"oo asawa ko na siya dun din naman kami tutungo. para naman alam ng lahat. "Magbalot balot na kayo at lumayas kayo sa kompanya ko,oras na makita ko pa yang mga mukha niyo may kalalagyan kayong lahat. Lalo kana.!!"turo ko sa babae. Malakas kong sinara ang pintuan ng makalabas ako. Saka tinawagan ang head ng Marketing department para palayasin ang mga tao nito.
Pagbalik ko sa floor kong saan ang opisina ko nangunot ang noo ko ng hindi ko makita ang secretarya ko sa table nito oras ng trabaho wala ito. Baka nag banyo lang. Pinihit ko ang pintuan ng opisina nang makarinig ng boses pumasok ako at sinara na ang pinto.
"Bagay lang sayo yan malandi ka kasi sa loob ng dalawang linggong absent ka may gana ka pang pumasok daig mo pa ang may ari ng kompanya."! boses yon ng secretarya ko nagpatig na naman ang tenga ko sa narinig . Talagang hindi nauubos ang masasamang tao dito sa loob ng kompanya ko talagang sinusubukan nila ako.
"Subukan mong ilapat ang palad mo sa kanya makakatikim ka sakin!!" malakas ng boses ko nang makitang umangat ang palad nito para sampalin ang dalaga. hindi ko alam kong bakit hindi ito lumalaban sa tuwing may nang aaway dito iiyak lang ito at hahayaan ang lahat na saktan ito. Nabitin sa ere ang kamay ng secretarya ko nang marinig ang boses ko nanigas ito sa kinatatayuan. Si Celina nakaupo lang na tila inihintay lang nito na saktan siya. Umiiyak na naman ito malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanila at malakas kong hinaklit ang braso ng secretarya ko at tinulak ito ng malakas. "Sino ka sa akala mo para gawin to kay Celina. You're fired lumayas ka sa kompanya ko.!!" sigaw ko at agad na dinaluhan ang dalaga na tahimik lang na umiiyak. Hinalikan ko ito sa noo saka lang ito natauhan nang makitang ako na ang nasa harapan nito.
Sinusubukan talaga ako ng mga ito. Kahit maubos ang empleyado sa kompanyang ito wala akong pakialam mailayo at maprotektahan ko lang siya sa mga taong gustong manakit sa kanya. Masyado nang masakit ang dinanas nito nang mawala ang anak namin hindi ko na hahayaang saktan pa siya ng lahat.
"I love you Sander." natigilan ako at nanigas habang yakap siya nang marinig ang mga salitang binitawan nito habang nakasobsob ang mukha sa dibdib ko. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko na parang gusto ng lumabas sa ribcage nito. Tama ba ang narinig ko? "I love you so much." halos hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa saya nang ulitin nito ang salitang nagpanginig sa buong sistema ko. Pero imbes na sagutin ito kumalas ako sa pagkakayakap at sinakop ang mga labi nito. Walang salitang lumabas sa bibig ko sa sobrang saya. Kundi halikan nalang siya ng mapusok para maramdaman din niya kong gaano ko din siya kamahal.
_______
UPDATE
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA