Typos please understand Thank you.
____
CHAPTER 7: CELINA / SANDER
"I'm sorry,okay?"
____
"Hi tita Sandria" bati ko sa kanya nagdidilig ito ng halaman sa harapan ng bahay nila. Matapos ang nangyari sa store noon matagal bago ako nagpakita kay tita,nabalitaan ko din na bumalik na sa maynila ang anak niya. Bago ako grumaduate sa two years course ko nagkita kami ulit,at nadala niya na rin ako sa bahay niya,hanggang ngayon siya pa rin humihingi ng pasensya dahil sa nagawa ng anak niya. Ilang beses na rin akong dumadalaw sa kanya para dalhan ng mga prutas at gulay binibili niya siya na kasi ang pangunahing suki namin.Sa lumipas na taon naging mabuti naman ang kalagayan namin, nakauwe ang boyfriend ng ate at nakapag proposed na ito. Natapos na rin ang simpleng bahay namin at ngayon tapos na rin ako sa course ko nag apply na rin ako ng trabaho tawag nalang ang hinihintay ko kong matatanggap ako. At syempre patuloy pa rin ang pagiging isang vlogger ko, two and a half millions subscribers na ko sa youtube,minsan may kumukuha sakin na eendorse ko yong product nila at sino ba naman ako para tanggihan di ba? maraming fan ko ang may gusto na tanggapin ko ang product na yon. Sapat lang ang bayad at masaya ako sa ginagawa ko. Ang kaibigan ko lumuwas na ng maynila pagkatapos ng graduation dahil doon daw siya mag aapply ng trabaho.
"Hello iha good morning,ang aga mo ha!?" balik bati niya pinatay nito ang hose saka naglakad palapit sakin. "Mukhang marami ang na ani niyong gulay ha?." nakangiti ito,hindi halata sa kanya na may edad na dahil ang ganda pa rin tsaka makinis ang balat. Matanda lang ang nanay ko ng isang taon sa kanya dahil hindi naman masayadong palaayos ang nanay at hindi gumagamit ng kahit na ano kaya kung titingnan matanda na ito at kumukulubot ang balat. at proud ako sa nanay ko bunga yon ng pagtatrabaho para sa amin mapabuti lang kami.
Kinuha niya ang isang plastic na dala kong may lamang gulay,tama nga siya marami ang ani naming nga gulay at prutas dahil na rin sa season nito. "Opo kapipitas lang po yan kanina, maaga si tatay dumulong dun para mamitas,dinala naman ni nanay sa bayan ang iba para ibenta." sagot ko nang nakapasok na kami sa bahay niya. Maganda ang bahay ni tita Sandria,sa labas ng bakuran napapalibotan ng mga berdeng halaman,sa loob naman may mga halaman din pati sa likuran. May medyo kalakihang swimming pool at may gasebo sa gilid ng pader na mataas. Maalaga si tita sa mga halaman kaya magandang tingnan.
"Josie pakiayos nitong mga dala ni Celina." tawag niya sa kasama nito sa bahay,agad naman ginawa ni Josie ngumiti ako sa kanya nang makita ako. Sa minsan kong pagdadala ng mga prutas at gulay dito nagiging close ko na rin siya matanda ako sa kanya ng isang taon ayon na rin sa kanya.
"Sige po ma'am..hi Celina." anito habang inaayos ang mga gulay na dala ko si tita naman ay ang prutas. nag 'hello' din ako.
"Di po kayo pupunta ng store niyo tita?" tanong ko. Nasa lamesa na kami at binigyan niya ako ng niluto niyang lasagna at ang ginawa daw niyang mango cake. Magaling si tita magluto at sa mga luto niya napaibig ang asawa niya. Nakakakilig at nakakatawa nang ikwento niya sakin ang pag iibigan nila ng asawa simula nang nagtatrabaho siya sa Hongkong doon niya nakilala ang asawa.
"Mamaya pa ako pupunta doon. Ano masarap ba ang cake na gawa ko?" nagtinidor ako ng konti ng cake at sinubo napapikit ako habang ngininguya,pagmulat ko ng mata titig na titig lang siya sakin at hinihintay ang isasagot ko.
"Hmm masarap tita tama lang ang tamis."sabi ko at sumubo ulit dahil masarap talaga ang cake na gawa niya. Sabay kaming kumain at nagkwentuhan ng kung ano ano,binigay na niya sakin ang bayad sa dala kong mga gulay at prutas saka nagpaalam na.
_________
'Hello mga babies todays vlog iissss mukbang challenge, kakain ako ng Pancit canton spicy flavor at sobrang anghang nito guys bukod sa spicy na seasoning ng canton nilagyan pa namin ng chili powder whoooo, mahilig ako sa spicy guys pero hindi ko alam kong kakayanin ko ang anghang ng mga ito. Then spicy fried chicken wings part binudburan din namin ng chili powder mukhang uusok pati pwetan ko nito hahaha chaaarr pasintabi sa kumakain haha.. spicy pork fillet at chicken add spicy powder,may hiniwang hinog na mangga,saging,papaya,at may buko juice lahat ng ito po ay galing sa aming tanim. at salamat sa nag sponsor ng dalawang buo spicy letson manok. Sa tingin niyo makakaya ko ang anghang,, let see.'
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA