CHAPTER 12

6.5K 281 27
                                    

Thank you and Happy reading. Typos again .

____

CHAPTER 12: CELINA

"Sure ako na siya lang nagpapadala ng bulaklak para masabi na may admirer 'kuno',at ipakita sa atin na may nagbibigay sa kanya."

"Yeaaahh legit,kawawa naman dahil siya na gumagastos para padalhan ng bulaklak ang sarili." parinig ng dalawa naming kasamahan na hanggang ngayon hindi pa nila matanggap na dito ako. Kung tutuusin wala naman akong ginagawa sa kanila.

May dumating na naman na bulaklak kanina at dahil kilala na ako sa entrance inabot nalang sakin ni manong guard yon sakto naman kasunod namin si Jasmine at Clarissa.

Simula nang nakatanggap ako ng bulaklak sa mismong birthday ni Marga kinabukasan nakatanggap ulit ako at parehong tao ang nagpadala at araw araw na ito na labis kong pinagtaka . Sobrang mahal ng mga bulaklak na pinapadala siguro isang buwang sahod ko na ito kong tutuusin. Hindi ko nalang pinansin ang mga paratang nila hindi ko naman kailangan ipaliwanag sa kanila.

Tinapos na namin ang tanghalian para makabalik na sa trabaho. Habang nagtatrabaho hindi maalis sa isip ko ang mga bulaklak kong sino nga ang nagpapadala.

My morena girl'
SJC you're admirer.

Yan lang naman nakasulat sa card na nakaipit sa bulaklak. Kahit gaano ko pa kalkalin ang utak ko hindi ko alam talaga kong sino. Ang ideyang pumapasok sa isip ko hindi ko rin sigurado. Mapupuno ko na ng bulaklak ang buong apartment at nahahalimuyak ang bango nito sa buong bahay. Matagal bago malanta ang mga ito kaya nilalagay ko sa paso agad kahit hindi ko alam kong sino nagbibigay kailangan ko parin alagaan ito. ang mamahal ng mga iyon kung sino man siya maraming salamat paborito ko rin ang mga bulaklak.

"Sorry po ma'am hindi ko po sinasadya." hingi ko ng paumanhin sa babaeng nabangga ko ng cart lumilipad na naman kasi ang isip ko kaya hindi ko siya napansin na nakatayo sa harap ng elevator.

"It's okay don't worry." malambing na sabi nito nagulat ako sa paraan ng pagkakasabi niya,dahil sa loob ng maraming buwan ko dito ngayon lang ako nakatagpo na malumanay kong magsalita at hindi nagalit. Ang ibang guest dito madikitin ko lang naghehestirikal na sa galit na para bang nakagawa ka na ng masama sa paningin nila. Napayuko ako at humingi ulit ng sorry ngumiti naman siya sakin nang pumasok na ito sa elevator ng bumukas.

Pinauna ko na siya at hindi na ko sumabay sa loob, nang sumara na ang elevator naghintay ulit ako na bumukas ito.

Pagkarating ko sa seventh floor nagderitso agad ako sa kwarto na lilinisin ko. Nakasanayan ko na ang lahat sunod sunod na ang gawain ko para hindi ako nalilito. Isang araw walong kwarto o higit pa ang nililinis namin,depende na rin sa kalat ng mga guest. Pino at malinis dapat ang mga ito pagkatapos linisin dahil minsan nagrereklamo ang mga guest mga maarte at bagay naman sa kanila mayayaman naman sila. Patapos na ko sa pag aayos ng kama nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kinuha ko ito sa bulsa ng slacks na suot ko para makita kong sino ang nagtext.

Nanghina ang mga tuhod ko biglang sumakit ang dibdib ko nang init ang mga at bigla nalang napahagulhol.

Brianna'
Ate wala na si nanay.

Nabitawan ko ang cellphone at napaupo sa kama,maiksing mensahe na nagpaguho ng mundo ko. Agad kong pinulot ang cellphone at binalik sa bulsa at dali daling lumabas. Hindi ko na alintana ang nakakasalubong ko na tinintingnan ako na umiiyak. Pagkababa ko agad akong nagbihis at pumunta sa opisina ng manager kahit hindi niya ibigay ang buong sahod ko ngayong buwan pumayag man siya o hindi uuwe ako. Iyak pa rin ako ng iyak wala akong pakialam sa mga taong nakikita ko basta nasasaktan ako at hindi ko matanggap ang mensaheng iyon gusto ko pa ring makasigurado at makita ang totoo. Alam ko naman na hindi si Brianna magbibiro ng ganun.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon