EPILOGUE

12K 439 70
                                    

CELINA/SANDER

______

"SANDER ma-manganganak na ata ako." bigla akong napatigil at napahawak sa upuan nang maramdamang may dumaloy sa hita ko. Napaangat ng mukha ang asawa ko ng marinig ang sinabi ko at nakatingin din siya sa baba ko.

Napamura ito at biglang tumayo saka dinaluhan ako. "Shit.! kapit lang baby." agad niya akong binuhat at patakbong lumabas ng bahay at sinakay sa kotse saka ito patakbong bumalik sa loob ng bahay. Unti-unti nang humihilab ang tiyan ko napahawak ako sa malaking tiyan ko.

"Dapat nextweek pa ang due date ko bakit...aaahhhhh!! baby sandali lang ha!"pagkausap ko sa anak ko nang bigla sumakit ang tiyan ko. Napasigaw ako sa sakit nang humilab pa ito at ang panubigan ko nabutas na. "Sandeeeerr! aaaahh Sandeeeer!!" binaba ko pa ang salamin ng kotse para marinig nito ang sigaw ko. ano pang ginagawa niya sa loob.? nakita ko siyang nagmamadaling lumabas ng bahay at may dala dalang bag napapikit ako ng sumakit na naman ang tiyan ko. Hinimas himas ko ito habang bumubuga ng hangin.

"Ito na baby kapit lang." natataranta din ito itinapon niya ang bag sa passenger at pinaandar ang sasakyan palabas ng gate.

"Sander bilisan mo ang sakit."sabi ko habang nakapikit at hinihimas ang tiyan nakapikit ako at napapangiwi sa tuwing humihilab ito.

"Sandali na lang baby malapit na tayo." inabot nito ang kamay kong nasa tiyan. Mabuti nalang medyo mabagal lang ang takbo nito pero hindi ko na kaya ang sakit pakiramdam ko may lalabas na sa pwerta ko.

"Bilisan mo ang sakit na...p-parang may lalabas na aaahhh.!!!" napasigaw ulit ako sa sakit. Napakapit ako sa kamay nitong nasa tiyan ko at nariin na pinikit ang mga mata. Naiiyak na ako sa sobrang sakit hindi ko na alam ang gagawin ko kong anong klaseng pag upo ba ang ipoposisyon ko.  Sunod sunod na mura ang narinig ko mula sa asawa ko at binilisan pa nito ang pagmaneho.

Bumubuga na ko ng hangin sa sobrang sakit pagdating sa hospital agad niya akong binuhat at nagsisisigaw sa mga nurse at doctor pati ang nga ito natataranta dahil sa pagsigaw ng asawa ko. Pinahiga nila ako sa stretcher at mabilis na dinala sa emergency room. Ang higpit ng kapit ko sa kamay ni Sander nang sumakit na naman ang tiyan ko.

"Tawagin niyo ang babaeng doctor!!!" boses yon ng asawa ko. Pinahid nito ang luha ko. "Just wait baby.. i love you i love you..fuck!!." hinalik ahalikan nito ang buong mukha ko.

Nang dumating ang doctor ko agad nito sinilip ang gitna ko. Feeling ko lalabas na talaga ang anak ko.

"Malapit na siya misis hingang malalim..pagbila ko ng tatlo umere ka." hinawakan nito ang tiyan ko at pinupush. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Sander nang sumirit na naman ang sakit at napasigaw ako ng malakas kahit hindi pa nagbibilang ang doctora umere na ko.

Ilang beses pa akong umere nang umere hanggang sa naramdaman kong may biglang lumabas sa gitna ko. Hinihingal akong napatingin sa paanan ko pawisan na ang buong mukha ko at nanghihina. Unti unti nang pipikit ang talukap ng mata ko nang marinig ang napakagandang iyak napangiti ako nang ipakita sakin ang bata. Tumulo ang luha ko sa sobrang kaligayahan kasabay nun ng pagpikit ko ng mata na may ngiti.

_______

"Dude anu babae o lalaki?"  napatingin ako sa mga kaibigan kong nagsidatingan si Francisco lang ang tinawagan ko dahil sabi ko sunduin ang mommy  ko dahil manganganak na si Celina. Pero apat ang dumating kasama ang mommy ko.

Hindi kasi si Celina nagpa ultrasound kaya surprise gender ito. Nang lumabas kanina ang baby namin walang sayang paglagyan ang puso ko lalo na ng umiyak ito at hawakan ko. Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko kahit na napuno ng takot kanina dahil sa sakit na nararamdaman kanina ni Celina gusto kong saktan ang sarili dahil sa sakit na dinulot ko sa asawa ko. Pero ang pagsisisi ko kanina biglang napalitan ng saya at tuwa nang lumabas na ang anak namin napaiyak ako sa saya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon