Lameeee.. sensya na beshy ayoko pang magkita sila.
Thank you gOdbless..
________
CHAPTER 11: CELINA/SANDER
("TEARDROPS IN MY GUITAR")
Drew looks at me,🎶🎵
I fake a smile so he won't see,
That I want and I'm needing,🎶
everything that we should be,
I'll bet he talk about,🎶
And she's got everything
that I have to live without.Drew talks to me,🎶
I laugh cause it's just so funny
That I can't even see, anyone when he's with me🎵🎶
He says he's so in love he's finally got it right
I wonder if he knows he's all I think about at night.🎶He's the reason for the teardrops on ny guitar, The only thing that keeps me wishing on a wishing star,
He's the song in the car I keep singing don't know why I do.Six months to be exact,off day namin at sakto birthday ni Marga nandito kami ngayon sa apartment inimbita din nila ang ibang kaibigan. Ang bilis kalahating taon na ko sa pinagtatrabahuhan ko at kasundo ko na rin ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Maliban na nga lang sa dalawang nagfefeeling tagapagmana ng hotel. Hinayaan ko nalang sila .
Masayang nagkakantahan ang mga kaibigan nila Marga at syempre kaibigan ko na rin. Pinayagan kami ng may ari nitong bahay na magsaya gawin ang gusto basta hindi nakakasira sa bahay niya. Kaya kinabitan nila ng karaoke ang tv may mga dala silang inumin.
Maaga kami kanina gumising para magluto ng handa,kagabi palang pinagplanuhan na namin kong ano ang lulutuin. Kaming dalawa ni Belinda ang namalengke,nag order na rin kami ng cake para sa may birthday. Tinago namin ang cake sa kabilang bahay para hindi niya makita ilalabas namin mamaya. Nagluto kami ng pansit,butter shrimp,carbonara,fried chicken,pork chop at inihaw na bangus.
"Oh sino na ang kakanta diyan." sigaw ng isang kaibigan namin gamit ang microphone. Inihahanda na namin ang mga niluto sa isang pahabang lamesa (good for six) punong puno ito dahil bawat isang bisita may dala dalang pagkain. Bale lima ang naging bisita parehong kaibigan ng dalawa apat na babae at isang bakla. Magkakasama ang mga ito sa trabaho at sumakto din na day off din nila. Nung una nila akong makilala namangha din sila dahil sa youtube daw nila ako nakikita at isang kilalang vlogger kemerut. Syempre natuwa naman ako dahil isa sila sa mga napasaya ko sa mga videong ginawa ko.
"Mamaya na yan mga bakla magsikain na muna tayo baka lumamig pa itong mga pagkain." tawag ni Marga sa mga bisita. Bago magsikain nagpicture at selfie selfie pa kaming lahat at pinakita ang lamesang puno ng handa. Timer lang ang camera para kaming lahat kita.
"Ayos na ayos na..wacky naman mga beks.." si Adrian este Adriana pala, ang nagset ng timer. Nagtawanan kami dahil hindi kami kasya nagsiksikan naman para makuha lahat. Matapos ang napakaraming picture ang saya naming tingnan. Malamig na ang ibang handa bago kami nagsikain. Habang kumakain kanya kanyang kwento ang pinag uusapan at ang hirap daw sa trabaho nila. Isang kompanya din silang lima.
"Ikaw sissy akala namin tinalikuran mo na ang pagiging vlogger,alam mo ba na pinapanood namin pag gabi ang video mo. Ang galing mo pala magtanim ng palay,talagang humanga kami sayo lalo na pag nasa taniman niyo, tinuro mo kong pano magtanim ng palay,una akala namin nag jojoke ka na tutulong ka sa tatay mo magtanim." si Nerrisa
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA