UPDATE
_____
CHAPTER 23: SANDER/ CELINA
(JOEY is second name ni Sander, Lorraine is second name ni Celina) baka lang malito hehe.
TUMAMBAY ako sa opisina ni Francisco sa loob ng tatlong oras nilagay ko sa silent mode ang cellphone ko hindi ko pinansin sa paulit-ulit na pag vibrate nang makitang si Danicka ito. Tssked naiinis ako dahil pinayagan ako ni Celina na makipagkita sa dalaga para daw mabigyan ng closure kaming dalawa. Pakialam ko sa kanya hindi ko na kailangan marinig ang paliwanag nito sapat na sakin ang nalaman noon pa. 'mukha silang pera' di hamak na mas mayaman naman ako sa lalaking yon. Alam kong nasasaktan si Celina kahit sabihin nitong okay lang'.
"Hoy Chua aba ginawa mo nang tambayan ang opisina ko lumayas ka nga dito naalibadbaran ako sa mukha mo.!!" sinamaan ko lang ito ng tingin at pinakita ang gitnang daliri. Araw ng linggo nagtatrabaho? ang sipag ni Francisco ano kaya nakain at pumasok ng linggo.
"Tangina mo sabihin mo lang kong ayaw mo ako dito..mas naalibadbaran nga ako sa mukha mo."
"Bakit di ka pumunta kay Torres at dun ka tumambay baka isipin ng mga tao dito sa prisento na nagpapatambay ako."
"Tssk anong klaseng chief ka na takot sa mga tauhan mo, gago makaalis na nga! linggo kasi nagtatrabaho hindi ka naman ata maghihirap kong di ka papasok." tumayo ako at sinipa ko ang lamesa nito naikinasama ng mukha nito,tinawanan ko nalang at dali daling nagtungo sa pintuan,bago pa niya ako mabato nasara ko na ang pinto. Napailing nalang ako ,nasalubong ko ang isang tauhan nito tinanguan ko lang saka nagmadaling lumabas ng presinto patungong nakaparada kong sasakyan. 'miss na miss ko na agad ang baby ko' kamusta na kaya yon.
Binuhay ko na ang makina ng sasakyan nang magvibrate ang cellphone ko sa iisiping si Celina agad ko itong kinuha sa pocket ko at tiningnan ang caller. Napatirik ako ng mata ng si Danicka ito hinayaan ko nalang at hindi sinagot. 'Pakialam ko sa kanya' manigas siya sa kahihintay.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Alam kong nagtitiwala siya sakin pero hindi ko siya kayang saktan ng ganun. Pinilit niya lang ako na makipagkita kay Danicka para mapakinggan ang paliwanag nito 'the fuck I care' sa paliwanag nun matagal na kaming tapos simula pa nung pinagpalit at niloko niya ako. Matagal ko na siyang kinalimutan. Celina is my life now, she's my everything.
Makailang ring pa ang cellphone ko hinayaan ko yon hanggat sa nakarating ako sa apartment ni Celina tamang tama papasok yong isang kaibigan kaya nakisabay na kong pumasok wala akong susi ng gate nila eh' .
Nangunot ang noo ko pagpasok ko sa kwarto nito walang tao at hindi nakalock ang pinto. Lumabas ako at tinanong yong kasamahan nito dito sa apartment.
"Lumabas siya kanina sabi pupunta sa remittance." sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag 'akala ko kong ano na nangyari'. Hindi ko ito tenext o tinawagan hihintayin ko nalang siyang umuwe. Nahiga ako sa kama nito at napatitig sa kisame at nakikita ko ang mukha nitong nakangiti. Pinikit ko ang mga mata at inimagine na nandidito siya sa tabi ko at magkasama naming pinagsasaluhan ang init ng aming katawan. Naputol ang imahinasyon ko ng biglang bumukas ang pinto.
Sumandal ito sa lukod ng pinto at tinakip ang mga palad da mukha na tila pagod. Padausdos itong napaupo sa sahig habang tinatakpan ang mukha ng mga palad. Nagulat ito nang magsalit ako tinanggal nito ang palad sa mukha at tumingin sa gawin ko.
"S-Sander?" mahinang banggit nito na para bang nakakita ng multo. Hindi makapaniwala na nandidito ako sa harapan niya. Bumangon ako at naglakad palapit sa kanya at tinulungang ipatayo. "k-kanina ka pa dito?" tanong nito. Pinakatitigan ko ang mukha nito at alamn kong umiyak na naman siya. Pinunas ko ang pisngi nitong may bakas na luha saka pinatakan ng halik ang mata nito.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA