CHAPTER 6

6.5K 249 20
                                    

Happy Reading mga beshy.

Thank you

______
CHAPTER 6:  SANDER
"Moooom!hindi ko sinasadya nagkasalubong kami."

"Ano pang hinihintay mo buhatin mo dadalhin natin ng hospital." mom said then agad ko naman binuhat ang babaeng walang malay at may tumulong dugo sa likod ng ulo nito nataranta ako at natakot.

"Ate..ate gising..ate gising pooo.." tawag ng isa pang babae sa babaeng walang malay,hindi ko mafucos ang tingin ko sa daan dahil sa pag iyak ng bata. siguro mga seventeen o eighteen na ito at kapatid nito ang babae.

"Iha tama na yan magiging okay din ang ate mo, stop crying." rinig kong sabi ng mommy ko, maglatabi sila sa likod ng sasakyan at papunta na kami ng hospital. Hindi na umimik ang dalaga pero mahinang pag iyak nalang ang naririnig habang yakap nito ang ulo ng kapatid.

Hindi ko naman talaga napansin na papasok siya kanina dahil may kausap ako sa cellphone nang palabas na ko. Sa pagkabigla hindi ko ito naagapan agad nang tumama ang ulo nito sa upuan na bato.

"Mom ikaw nalang humingi ng tawad nagmamadali ako I have meeting with Salazar kailangan nasa manila na ko within an hour." inayos ko ang suot ko damit na nagusot may dugo pa nga ito dahil sa pagbuhat ko sa dalaga. Nasa loob na ng OR ang babae at ang kapatid nito nakasandal sa pader sa labas ng OR na humihikbi. "I'm sorry for what happened my mom is here siya na ang bahala,pasensya at sorry hindi ko sinasadya." paghingi ko ng sorry sa umiiyak na kapatid namumula ang buong mukha nito,tumango lang ito tinapik ko ang balikat saka ako nagpaalam sa kanila. Pinigilan pa ko ng mommy pero malaki ang hakbang ko palabas ng hospital.

Habang nasa biyahe ako pabalik ng manila hindi mawala sa isip ko ang babaeng walang malay,bago yon pumukit ng mata natitigan pa siya. Hanggang sa nabuhat ko siya at nagdikit ang mga balat namin parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"You crazy Sander, it's just a girl, Para sayo laruan ang mga babae, keep that in mind" paalala ko sa sarili ko. Yeah all girl it's just a toy to me except my mom.

Simula nang niloko ako ng babaeng inaakala kong panghabang buhay ko ng makakasama yon pala sa iba lang napunta. 'bitch girl a gold digger' hindi na ko naniniwalang may babae pang hindi habol ang pera.

_____Flashback sa ex______

"Babe pag kasal na tayo gusto ko doon sa bahay na napili ko ha!" she said,nakasandal siya sa dibdib ko at nakayapos naman ang braso ko sa beywang niya,inamoy ko ang buhok niya.

"Whatever you want,whatever my Queen want masusunod." sagot ko at hinalik halikan ang buhok niya. One year and a half is enough para pakasalan ko siya pinakilala na niya ako sa magulang at sumang ayon naman ang mga ito. I respect her and I protect her what ever happens. Halik lang ang naibibigay niya at okay lang saakin yon  kaya kong maghintay maiharap lang siya sa altar na malinis.

Dumistansya siya sakin at nakangiting tumitig sakin,masaya akong nakikita siyang masaya na binibigay ko ang gusto niya.

"Thank you babe,thank you I love you." nagkikislap ang mata niya at agad akong niyakap sabay halik sa labi na madiin.

Hanggang sa dumating ang araw na itinakda ng pag iisang dibdib namin pero hindi ito sumipot pati ang mga magulang nito tanging ibang kamag anak lang ang dumalo. Nabalitaan ko nalang na ikakasal na pala ito sa iba.

___End flashback sa ex-----

Natauhan ako ng marinig ang sunod sunod na busina nang nasa likuran ng sasakyan ko,nahampas ko ang manibela nang makitang kulay green na ang stoplight.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon