Typos again Thank you sa nagbabasa Godbless.
____
CHAPTER 10: SANDER/ CELINA
"GOOD MORNING sir." bati ng mga empleyado dito sa hotel pagkapasok namin kinulit kong paulit ulit si Francisco para alamin kong sino ang manager ng hotel nila. Ang hinayupak hindi gagalaw pag walang bayad,ang yaman yaman na mukhang pera pa. Hindi naman talaga siya namamahala ng kompanya nila kundi ang uncle nitong retired general,kahit si Jemuel ayaw panghawakan ang kompanyang iniwan ng mga magulang nila,may kanya kanya naman kasi silang trabaho. Ang yabang ng mokong na to.
"Good morning,itatanong ko lang kong sino ang manager ng housekeeping department?" tanong niya sa frontdesk yong babaeng nakaasigned hindi agad makapagsalita natulala sa kagwapuhan ko syempre iangat ng konti ang sarili. "Miss..?" natauhan ang babae at ngumiti nalang ito. Nilibot ko ang paningin sa lobby ng hotel hindi ko na pinansin ang usapan ng dalawa. Marami ng empleyado ang pumapasok alas nueve na ng umaga,halos lahat sila nakatingin sa amin. Ngayon lang nakakitang hot na gwapo at ako yon hahaha' medyo mahangin Sander' kontra ng utak ko.
Nang masabi ng babae kong sino ang hinahanap namin agad kaming naglakad papuntang elevator hindi ko nalang pinansin ang masamang tingin ni Francisco. Nginingitian ko nalang ang mga empleyadong babae na nakakasalubong namin.
"Anong mukha yan Francisco para kang hindi naka score kagabi ha! hindi pa ba napasagot si miss spo1." sabi ko tinaasan niya ko ng gitnang daliri na ikinatawa ko.
"Gago!!" napailag ako nang umigkas ang kamao nito,pero napamura ako nang biglang umigkas din ang isang paa na hindi ko napansin.
"Fucck! tarantado ka Francisco!!" susuntukin ko din sana siya nasalag naman nito bawat lipad ng kamao ko.,iba talaga pag sanay sa training. ngumisi ako akala niya ha! sa pag ilag niya sa suntok ko bigla kong sinipa ang tuhod nito kaya napayuko siya,natigil lang kami nang pumasok na sa elevator hindi na namin pinansin ang mga nakakita sa ginawa namin.
"At sino ba kasi ang hinahanap mo dito? sa dami dami ng babae mo dito ka talaga maghahanap at sa housekeepers pa?" pagtatanong niya. Ilang araw din ako dito para abangan siya pero hindi ko nakikita. At ang gagong Francisco na to gagawin din naman ang pinapagawa ko pinatagal pa mukhang pera kasi. Hindi ko siya sinagot sumandal ako sa elevator hanggang sa tumigil ito at nasa tamang palapag na kami.
Panay bati lang samin ng mga nakakasalubong naming empleyado,tinitingnan ko ng maigi ang empleyado na nakasuot ng uniporme ng katulad sa morenagirl ko, oo morenagirl Ko' sa aking isip pag aari ko siya. Nasa tapat na kami ng pintuan ng manager ng nasabing department,pareho kaming nakapamulsa habang hinihintay namin na bumukas ang pintuan.
Isang medyo may edad na ginang ang bumukas ng pinto nakangiti ito bigla nang makita kami lalo na nang makilala si Francisco agad naman kami niyang pinapasok at pinaupo sa upuan sa harap ng lamesa niya.
"Anong maipaglilingkod ko sir Francisco naitawag sakin sa frontdesk na hinahanap mo ako." anito ng ginang.
"Hmm pwede ko po bang makita yong mga listahan ng pangalan ng mga housekeeper?" nakita kong nabigla ang ginang sa sinabi ni Francisco hindi nalang ako nagsalita,dahil habang lumilipas ang segundo kumakabog na ang puso ko,ano mang minuto o oras makikita at masisilayan ko na ang aking lihim na babaengmorena. Naiimagine ko na ang maamong mukha niya na magtatransform sa galit at ang mga matang manlilisik,at higit sa lahat ang pamumula ng kanyang pisngi kahit na morena ito.
"Sige sir ipapakita ko ho,sandali lang at kukunin ko." sagot ng manager at tumayo nga ito para kunin ang hinahanap.
"Pagkatapos nito Chua lubayan mo na ko hay*p ka peneperwisyo mo buhay ko sa babae mo."
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)
RomanceMatured Content,bawal ang hindi open minded na tao.. CHINESE-FILIPINO hotman Young CEO of CHUA'S FOOD and WINERYcorp's. Makakatagpo kaya siya ng babaeng para sa kanya? This story of Hotmen SANDER JOEY CHUA