CHAPTER 4

7.1K 252 17
                                    

Dahil ayokong magka-amnesia siya o kahit na ano ayan gising na siya hahah..

Typos alert Don't judge my work please 🙏 Thank you sa nakakaunawa.

CHAPTER 4: CELINA
_____

NAGISING ako na may naririnig na nag uusap  nakakaramdam ako ng sakit sa bandang ulo ko dinahan dahan kong imulat ang mga mata kaya lang agad akong napapikit nang liwanag ang sumalubong sakin. Five second bago minulat ulit mga mata,puting silid maliwanag na ilaw yan ang nabungaran ko,napatingin ako sa kamay ko na may nakakabit na IV. Nilibot ko ang paningin at nakita ko ang nanay ko may kausap na babae nakatalikod ito kaya hindi ko makilala.

"Pasensya kana ulit mrs. Rodriguez kami na sasagot ng hospital bill at kakailanganin na gamot." sabi ng babae sa nanay hinaplos haplos nito ang braso ng nanay ko. Pinikit ko ulit ang mga mata para alalahanin ang nangyari, biglang kung naalala na kasama ko ang kapatid ko pumunta kami ng bayan at may dala dala para ibigay ko kay tita Sandria...tapos...pinikit kong madiin ang mata para isipin pa ang kasunod. Binuksan ng kapatid ko ang pintuan ng store ni tita Sandria tapos may biglang lumabas at....nagkabanggaan kami tapos nun ako yong tumilapon at nauntog ang likod ng ulo ko sa matigas na bagay. Tamaaa yon ang nangyari salamat naman lord dahil hindi nabagok ang ulo ko ayokong magka amnesia no baka pati magulang ko makalimutan ko pagnakataon.

"Walang may gusto sa nangyari mrs. Chua at napaliwanag na saamin ng anak kong bunso kaya huwag na po kayo mag alala." malumanay na sagot ng nanay ko. Minulat ko ulit ang mga mata sakto namang nakatingin sakin ang nanay. "Anak..anak mabuti gising ka na." naglakad ito papalapit sa kinahihigaan ko. Tipid akong ngumiti sa nanay ko,at doon ko nalang nakita ang kausap nito kanina. "Kamusta pakiramdam mo anak may masakit pa ba?" tanong niya ulit nang hindi pa ako sumasagot nakatingin kasi ako sa babaeng nasa likuran nito. anong ginagawa dito ni tita Sandria? napatanong ko sa sarili,binalik ko ang tingin sa nanay ko na hawak niya ang kamay ko.

"Hmm ayos lang po ako nay, ano pong nangyari.?" tanong ko,dahil hindi ko na alam ang kasunod nung nagdilim ang paningin ko. "T-tita S-Sandria." banggit ko sa babaeng nakatingin lang sa amin ngumiti ito at naglakad palapit.

"Celina kamusta?." tanong nito.

"Tatawagin ko lang ang doctor sasabihin kong nagising ka na anak." ang nanay tumango ako sa kanya bago ito lumabas.

"Tita ano pong ginagawa niyo dito?" sa pagkakaalam ko hindi naman sila magkakilala ng nanay pero bakit nung nag uusap sila kanina parang...mmmm ayokong mag isip.

"Ahm sinugod ka kahapon dito sa hospital dahil nawalan ka ng malay, I'm so sorry Celina nagkabanggaan kayo ng anak ko at tumilapon ka tumama ang ulo mo sa semento upuan." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Pilit ko naman inaalala at yon nga ang naalala ko na may biglang lumabas saka nagkabanggaan kami.

"Ayos na po yon tita wala naman po nangyaring masa saka okay naman na ako....pero teka lang po sabi mo kahapon ako dinala dito ibig sabihin.....ngayon lang ako nagising?" pagtatanong ko nang maintindihan ang sinabi niya. Tumango naman ito at ngumiti.

"Wala naman sinabi ang doctor na nagkaamnesia ka pero sabi niya baka matagalan bago ka magising natahi na din ang sugat sa likod ng ulo mo,pasensya kana ulit ako na humihingi para sa anak ko." paghingi ulit niya ng pasensya naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya kaya ngumiti ako para malaman niyang ayos lang wala naman nangyaring masama sakin eh.

Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang nanay ko kasunod ang doctor,chineck lang ang katawan at ulo ko at tinanong kong may masakit pa. Nang sinabing konti nalang at sa bandang ulo siguro dahil sa tahi. May binigay na papel para sa gamot na dapat bilhin. Ang nanay ang nag abot ng papel nang nagpaalam na ang doctor na lumabas hiningi naman ito ni tita Sandria para siya nalang daw ang bibili. Una ayaw pumayag ni nanay dahil ayos lang na kami ang bibili ng gamot ko dahil sinagot na din naman niya ang hospital bill.

HOTMEN SERIES:5 NAGMAHAL MULI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon