Chapter 64 - UNTITLED Pt. 8

396 15 0
                                    

Chiara Savi Xianling 🍂POVs🍂

Chineck ko muna yung oras sa relo ko and it was already 10 o'clock in the morning, andito lang ako ngayun sa clinic room binabantayan ko lang si Reina, yung dorm mate ko.

Hanggang ngayun di na ako pinapaki-alaman ng kapatid kung andito sa University namin, she never talked to me anymore, and... I haven't seen her around the school either.

( Where could she go? )

Narinig ko naman kaagad ang boses ni Reina, kaya tumayu at lumapit ako sa kanya at chineck kung gising na ba siya.

" Gising na ba siya? "

Napalingon naman kaagad ako sa boses ng isang babae at ng makita ko ay walang iba kundi si Yuna lang pala, ang cousin ni Reina, tinignan ko ulit si Reina, nakapikit parin yung mga mata niya.

" Uh.. Hindi pa." sabi ko

" Ako na bahala dito." Yuna

Kaya tumango nalang ako at ngumiti sa kanya, umalis naman kaagad ako sa loob ng clinic, at nang makalabas ako ay nakita ko naman kaagad si Stephan at yung dalawang magkakapatid na lalaki na sina Dylan at Seungmin.

Hindi ko pala sila masyadong kilala, pero may part sakin na alam kung mabait sila, tho.. nakakatakot nga lang sila kapag magagalit, naglakad ako ulit papalayu sa kanila, pupunta nalang siguro ako dun sa likod ng building ng school namin, dun kasi ang palagi kung pinupuntahan, kapag may iniisip ako o magpapahangin lang.

At habang naglalakad ako napapaisip nalang ako sa mga bagay na nangyari sa buhay ko, simula sa umpisa at hanggang ngayun, may nagbago pero kunti lang naman, di katulad noon, wala akong masyadong kaibigan at nakakausap.

Pero ngayun, andami na nila, may mga kaibigan na akong nakakausap, nakakasabay sa mga kalokohan ko, akalain mo, magkakaroon ako ng maraming kaibigan, noon kasi.. wala.

" Sana hindi sila mawawala sakin." bulong ko sa sarili ko

" Sinong mawawala sayu? "

At dahil sa nagulat ako kung sino ang bumulong sa tenga ko ay dali naman akong natingin sa likuran ko at nakita ko si Dylan na nakangiti at nakatingin sakin.

( Shyet ang tangkad niya.)

" D-Dylan? A-anong.. Ginagawa mo dito?  " sabi ko

" Diba dapat ako ang magtanong sayu niyan? " Dylan

" H-huh? " sabi ko

" *sigh* Anong ginagawa mo dito at bakit mag-isa ka lang? " Dylan

Napatingin naman kaagad siya sa paligid at bumalik yung tingin niya sakin ng matapos niyang chineck ang paligid dito sa likod ng building.

" Ahm.. Wala lang, pumupunta ako dito paminsan-minsan kapag may iniisip ako o nagpapahangin lang, yun lang. *smile*" sabi ko

" May binulang ka kanina, anong ibig mong sabihin nun? " Dylan

" Ah, yun ba? Wala lang naman." sabi ko

" Daming sekreto ah. *smile*" Dylan

Napangiti naman kaagad ako sa sinabi niya at umupo nalang ako sa isang upuan at umupo rin siya sa tabi ko, pero hindi yung magkatabi na magkatabi talaga ah, baka may makakita pa samin at isiping nagda-date kami dito.

" Walang sekretong hindi nabubunyag." Dylan

Napalingon naman ako sa sinabi niya at tumingin siya sakin pagkatapos niyang sabihin yun.

 S1: WILD CHILD GONE Bad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon