Chapter 68 - Underground

364 15 0
                                    

Chiara Savi Xianling 🍂POVs🍂

Chineck ko naman kaagad yung oras, five o'clock na sa hapon, kaya lumabas na muna ako sa dorm na kung saan silang lahat ngayun, umalis muna ako dun sa building yun at naglakad lakad na muna ako, naisipan kung pumunta dun sa isang building na hindi pa natatapos sa pag re-renovate.

Habang naglalakad ako papunta dun sa building nayun ay tumunog na naman yung phone ko, at may tumawag, kaya nang makita ko kung sino ay tinurn off ko nalang, ayokong kausapin ang isa sa mga magulang ko, alam kung papagalitan na naman ako.

Nakarating na ako ngayun a building, naglalakad lakad nalang ako dito, wala din naman akong magawa e, kaya siguro magmumuni-muni nalang muna ako, andami ng nangyayari sa paligid ko, isali niyu pa yung kapatid kung si Rosa na bigla nalang nagbago ang pakikitungo sakin.

Mga pangyayari sa buhay ko na di ko talaga maintindihan, ayaw mag sink in lahat, wala talaga akong maintindihan kahit isa man lang, di ko rin alam bakit parang napaka espesyal naman ni Reina, nawala lang siya, hinanap na kaagad siya ng buong pamilya niya.

( Sana magkaroon din ako ng magulang na ganun, kapatid na napaka-protective sakin.)

( Isang pamilya na mahal talaga ako.)

( Masyado bang malaki ang hinihiling ako.)

( Masyadong malaki ba talaga yung hinihiling ko? Kaya kung bakit hindi matutupad? )

( Siguro, ito talaga ang nakatadhana sakin.)

Huminto naman ako sa paglalakad at sumandal na muna ako sa pader, nang ipinikit kuna yung mga mata ko ay nakaramdam nalang ako ng pagbiglang pagbukas ng pader na sinasandalan ko, at bigla akong nahulog sa madilim na lugar.

( Ugh!! Ang sakit ng pwet ko taena.)

( Wala namang pintuan yun kanina ah? Ano to barbie and the secret door to another world? )

( Wow sana naman, baka dito mahahanap ko yung taong magmamahal sakin.)

Napataya naman kaagad ako sa kinauupuan ko at tinurn on ko ulit yung phone ko at nang mag-on na ulit yun ay ginawa ko yung phone ko bilang flashlight, wala talaga akong makitang ilaw dito as in ang dilim sa lugar nato.

" Nasa building pa naman ako diba?? " bulong ko

( Ang dilim! Buti nalang at andito yung phone ko, nako naman baka pag maturn-on ko tong flashlight ko may mga kakaibang nakakatakot na nilalang akong makita.)

( Nako naman! )

Lakad lang ako ng lakad dito, mukhang hallway siya at parang hindi pa ito na i-renovate kaya di ko rin sila sisihin kung hindi nila yun nalagyan ng stairs, kaya bigla nalang akong nahulog.

( Pero bakit wala akong nakitang pintuan dun kanina?!? Bakit nga ba? )

( Di kaya isa itong secret room sa loob ng building nato?!? )

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang pintuan na metal at nakalocked iyun, yun lang ang nag-iisang pintuan dito kaya napatingin tingin naman kaagad ako sa paligid ko, at may nakita akong susi sa ibabaw kaya kinuha ko yun, binuksan ko naman kaagad ang pintuan na nakalocked.

Bumangad sakin ang isang kwarto na marumi, ang daming papel sa sahig, marami ring documento sa isang table, nang makita kung may ilaw ay ay bubuksan kuna sana kaso wag nalang baka babalik dito ang may-ari at mahuli pa ako.

Napatingin naman kaagad ako sa isang malaking white board na nakasabit sa pader, at mayroong takip iyun kaya kinuha ko yung takip nun, at bumangad sakin ang mga mukha ng mga tao na kilala ko at iba naman ay hindi.

Napakunot noo ako ng makita ko yung mukha ni Edwan at.. kasama rin dito yung mukha nang pamilya niya ang 'Moon Family' may letrato din sa katabi ni Edwan, isang sanggol.

Pero mas kumunot yung noo ko nung makita ko yung mukha ng ama at ina ko at ang mukha ng kapatid ko, andun din ang mukha ni Reina, hindi ko maintindihan ang lahat ng nakikita ko, at may isa pa akong nakita, yung letrato ng birthmark ko, kukunin kuna sana yun ng may narinig akong may paparating.

Kaya napatingin naman kaagad ako sa paligid ko at nakahanap kaagad ako ng matataguan ko, sa gilid ng pintuan ay may maraming mga gamit na nakatambak lang kaya hindi niya siguro ako dun makikita.

Nang makatago na ako ay lumakas naman kaagad ang kaba sa dibdib ko, di ko talaga maiiwasang isipin na mamamatay talaga ako dito kapag mahuli ako dito sa loob.

Bumukas ulit yung pintuan, this time mukhang nasa bad mood yung taong yun at naririnig ko yung boses niya, kaya alam kung lalaki nga siya, lalaki ang nagmamay-ari sa kwartong nakatago dito.

" Huh, akala mo ba talaga Chiara na siguro kakampi mo ako? " sabi ng lalaki

( Huh? Kilala niya ako?! )

( At bakit, pamilyar sakin ang boses niya?? )

" Well well, nagkakamali ka, dito sa plano ko magtatagumpay ako, lalo na at kakampi kuna siya." sabi niya

Nakatalikod parin siya di ko pa nakikita yung mukha niya, hinintay ko munang makita ko yung mukha niya nang humarap siya sa pintuan ay nagulat naman kaagad ako sa kung sino siya, kilala ko siya at kaibigan ko siya.

" Sinong nandiyan?  " Josh

Tinakpan ko naman kaagad yung bibig ko, kinakabahan narin ako sa pwedeng mangyari sakin, lumapit si Josh sa dun sa maraming nakatambak na kagamitan kaya tumayu na ako at dahan dahan akong umalis, nakalabas ako ng malaya kasi nakabukas din naman kasi ang pintuan at nasa gilid lang ako ng pintuan kaya tumakbo ako nang mabilis, pero di ako gumawa ng ingay, baka habulin pa ako.

( Josh bakit ikaw?! Bakit anong nagawa ko sayu? Akala ko ba kaibigan kita? Pero bakit may pina-plano kang masama sakin? )

( Bakit ganito?! )

Tinurn ko kaagad yung flashlight ko at nakita ko yung pader na may pintuan at kaya naman ay pumatong na ako sa upuan at umakyat na  ako ng mabilis nang mabuksan kuna ang pintuan at nakalabas ako dun, ay napatingin naman ako ulit sa pader, wala akong makitan pintuan sa labas pero sa loob meron.

Tumakbo naman kaagad ako palabas sa building yun at dali-dali akong bumalik sa dorm namin ni Reina, kaya nang makabalik ako ay nakita ko naman kaagad siya na nakaupo lang sa higaan habang nagsusuklay, tumingin siya sakin at tumingin rin ako sa kanya.

Di ko alam pero ang weird niya, alam kung palagi siyang nakapoker face, pero hindi naman siya ganun ka sama makatitig sakin e, kaya ngumiti nalang ako sa kanya at pumunta ako sa kabilang higaan at humiga, ang sakit kasi parin ng pwet ko.

" Chiara." Reina

( Tho, why is her hair turned to violet again?? )

( Malamang pinakulayan niya, duhh tanga mo bes.)

~°°~

~°°~

~°°~

~°°~

~°°~

✨🍂TO BE CONTINUED🍂✨

 S1: WILD CHILD GONE Bad (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon