PANIMULA

59 2 0
                                    

"Mahal na Reyna, narito na po ang kumandante

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mahal na Reyna, narito na po ang kumandante."

Mahinahong pahayag ng tagapagsilbi mula sa labas ng magarbong silid. Mula naman sa loob ay pinagmamasdan ng nasabing reyna ang talim ng kaniyang sariling katana. Walang emosyon ngunit mabikas niya itong ibinalik sa sisidlan bago muling naupo sa hindi niya pagmamay-aring trono.

"Papasukin." Walang sinlamig niyang utos kasabay ng pagbukas ng malaki't mataas na pinto.

Naglakad papasok ang isang magiting at matipunong lalaki na nababalutan ng halos kulay itim na kasuotan. May kahabaan ang kaniyang puting buhok na abot lamang hanggang balikat. Nakapaikot ang isang bandanang itim sa sarili niyang ulo na may nakamarkang letrang A.

"Ano't naparito ka?" Diretsong mungkahi ng reyna gamit ang maotoridad nitong boses.

Hindi nagawang mag-angat ng tingin ng kumandante at sa halip ay mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang dumudugong leeg.

"Ang Kamahalan, bumalik na siya." Sa kabila ng hapding iniinda ay nagawa niya pa ring sumagot para ibalita ang nangyari sa paglalakbay niya palabas ng kapitolyo.

"Anong sinabi mo?" Napatayo ang reyna nang wala sa oras at marahang naglakad palapit sa kumandante. "Tama ba ang narinig ko?" Usisa niya pa kaya mas lalo itong napayuko.

"Nasa loob na ng kapitolyo ang Mahal na Hari." Malinaw na ulit ng lalaking kumandante.

Ilang saglit lang ay binalot ng isang malakas at nakatatakot na sigaw ang buong palasyo ng Arcadia.

"ANONG KARAPATAN NIYANG SUWAYIN AKO?!" Nagngingitngit sa galit ang reyna habang nakakuyom ang magkabila nitong kamao.

"Patawad, Mahal na Reyna. Hindi ko napigilan ang Kamahalan sa kadahilanang tinutukan niya agad ako ng sable." Napapikit ang kumandante dahil ang totoo ay muntik na siyang patayin ng hari kanina.

"GANITO LANG BA KADALI PARA SA KANIYA NA BALEWALAIN LAHAT NG SAKRIPISYO KO?!" Nagpupuyos ulit nitong sigaw at padabog na bumalik sa kaniyang inuupang trono.

Habol ang hininga niya dahil sa galit na kaniyang nararamdaman. Unti-unti niyang naalala lahat ng paghihirap at pagsasakripisyong kaniyang ginawa para manatili sa kanilang pamilya ang pamamahala sa bayan na anumang oras o araw ngayon ay maaaring mawalan ng saysay.

"Sabihin niyo sa akin ang kailangan kong gawin. Ako'y itong lubos na susundin." Buong pusong usal ng kumandante na laging may lakas ng loob at katapatan sa maharlikang pamilya.

"Walang maaaring makaalam na nandito na sa Arcadia ang hari. Lalo na ang mga nasa konseho, sigurado akong magsisimula silang mag-imbestiga at maghanap para tuluyan nang mawala sa kasaysayan ang pangalang matagal kong iningatan." Nanginginig ang mga kamay ng reyna dahil sa matinding poot. "Nais kong hanapin mo kung saan siya lumalagi ngayon pagkatapos ay ibigay mo ang sulat na ipahahatid ko."

"Masusunod, Mahal na Reyna." Nag-angat ng tingin ang tapat na kumandante.

"Hindi pwedeng mawala sa mga kamay ko ang kapangyarihan dahil ito lang ang maaari kong gamitin para matalo ang konsehong nag-aabang lamang ng tamang panahon para panain ako."


"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now