PRIYA'S POV
"UGH!" I shouted due to frustation.
Bigla namang pumasok sa kwarto ko si Azur na tila kinabahan sa biglaan kong pagsigaw.
"What happened?" Alala niyang tanong.
"THIS IS SO BORING, AZUR! AYOKO NA!" Muling kong sigaw atsaka tumayo. Tinulak ko siya patabi ng pinto dahil nakaharang siya.
"And where do you think are you going?" Hinarangan niya ulit ang pinto kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin!" I retorted.
"No. You won't go outside. Sumilip ka sa bintana at doon ka lumanghap." He ordered, eyes on my eyes.
"You're so nonsense! Nakakainis ka na!" Naiiyak kong reklamo habang parang batang nagpapapadyak sa sahig.
Nilapitan niya ako at hinigit paupo ng sofa.
"Give me one enough reason para payagan kitang lumabas ng bahay." Aniya kaya mas lalo akong napasigaw dahil sa magkahalong inis at panlulumo.
"Bahay ko 'to! I can do whatever I want!" Asik ko pero umiling lamang siya.
I threw tantrums once again.
"I'm doing this for you, Priya. Sige't lumabas ka para mabinat ka at lagnatin ulit. I won't help you anymore." Aniya at nagpatuloy sa pagkalikot ng isang lumang camera.
Hindi ko iyon napansin kanina dahil abala ako sa pagrereklamo, ngayong medyo kumalma na ang kaluluwa ko ay nakita ko na.
"Sa akin ba 'yan?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
"Sinusubukan kong ayusin." He explained.
Ilang minuto akong tumahimik. Nag-iisip ng magandang dahilan para makalabas. Dapat iyong may sense para mapapapayag ko siya agad.
Since alas-tres naman na ng hapon, ipinaalam niya kay Coronel kanina na hindi ako tatanggap ng kahit sinong bisita. Ipinaalam naman ako ni Coronel kay Aling Josefina na hindi muna ako makakapasok kaya solong solo ko ang mga natitira kong mga oras.
Nasagi ng paningin ko ang kawaling nakasabit sa kusina kaya nakaisip agad ako ng isang magandang ideya.
*****
"FASTER!" Sigaw ni Azur habang ako naman ay hingal na hingal na katatakbo paikot sa punong 'to.
"TEKA LANG! TIME OUT! PAGOD NA KO!" Reklamo ko atsaka humahangos na lumapasay sa lupa.
"Walang time out-time out kapag tumatakas sa kalaban, Priya. Sa ginagawa mo ngayon, anumang oras ay pwede ka nang mamatay." Aniya at tinutukan ako ng espada sa leeg.
Walang kaemo-emosyon ang mukha niya kaya kabado akong tumayo ulit. Mahirap na't baka sapian siya ng masamang espiritu at laslasin agad ang leeg ko.
"B-Bakit ba kasi pagtakas ang tinuturo mo sa akin? Sabi ko self defense!" Pairap kong singhal atsaka uminom ng tubig.
Mukhang pagsisisihan ko nang ito ang ginawa kong rason para makalabas ng bahay.
"Kung sa pagtakbo pa nga lang ay sukong suko ka na, paano pa kaya kapag sa pakikipaglaban na." Seryoso niyang sabi.
Pasimple akong sumimangot atsaka siya hinarap.
"Gusto ko matuto kung paano gumamit niyan." Turo ko sa espadang hawak niya. Matalim iyon at kumikinang dahil sa sinag ng araw.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...