KABANATA 15

5 0 0
                                    


PRIYA'S POV

"Sigurado ka bang aattend ka na ng practice?" Pangatlong beses nang tanong ni Azur ngayong araw.

"Oo nga, kulit ng lahi ba." Kunyaring napipikon kong sabi atsaka uminom ng tubig. "Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na kinausap ka ni Coronel at sobra na siyang nag-aalala sa akin. Mabuti na ring magpakita ako ngayon sa kanila." Tipid ang ngiti kong sambit.

"Pero hindi ko naman sinabing um-attend ka—"

"Azur, I'm fine. Don't worry." I cut him off.

Tumayo na ako upang magsepilyo ngunit sinundan niya ako hanggang banyo. Masyado na siyang feel at home sa bahay ko, panahon na siguro para ako naman ang tumambay sa bahay niya.

"How about Shaun?" He suddenly asked.

Saglit akong natigilan atsaka siya inosenteng tinignan mula sa salamin. Nagkatitigan kami nang halos tatlong segundo roon bago ako umiwas ng tingin.

"What about him?" Balewala kong tanong na tila hindi big deal ang pinupunto niya.

"You're not good at lying, Priya." Aniya na may ngisi pa sa labi.

Tinapos ko ang ginagawa ko atsaka naghilamos. Nagpunas ako sa tuwalyang nakasabit sa gilid atsaka siya pabagsak na isinandal sa pader. Nagulat siya sa ikinilos ko.

I intently looked straight at his eyes, entering his soul for almost five seconds.

"I like you." I emotionally said, full of dedication.

"I-I..." He couldn't even utter a single word so I stepped backward.

"See? I'm good at lying." I touted and smirked.

Naglakad na ako palayo. Kinuha ko naman ang pitaka at payong ko na nakapatong sa mesa.

"'Wag mo na akong ihatid, maghugas ka na lang ng pinggan diyan." Utos ko sa kaniya bago tuluyang lumisan.


▪︎▪︎▪︎

THIRD PERSON POV

"Anong nangyari? Bakit tawang tawa si Priya nang makalaba—" Hindi na natapos ni Mang Tomas ang kaniyang iniwiwika nang samaan siya ng tingin ni Azur.

Itinikom niya na lamang ang kaniyang bibig atsaka dinala sa kusina ang lahat ng hugasin. Tulad noong nakaraan, hindi talaga si Azur ang naghuhugas ng pinggan kundi si Mang Tomas. Palihim niya itong pinapapunta sa bahay ni Priya para lang maglinis at maghugas.

"Ka—"

"Ayokong marinig ang salitang 'yan." Walang emosyon at seryosong putol sa kaniya ni Azur.

"N-Nais ko lamang magtanong." Mahinahong sambit ng matanda. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy na lamang siya, "Bakit hindi umabot sa araw ng piyesta ang panaginip ni Priya?"

Matagal bago sumagot si Azur.

"Marahil dahil sa gamot na napili ko."

Bahagyang naguluhan si Mang Tomas dahilan upang magpatuloy si Azur.

"Makulit ang lahi ng manggagamot na iyon. Pinapili niya ako sa dalawang bote. Isa roon ang makakapagpabalik ng alaala ni Priya pero hindi ang pangyayari bago siya makalimot at ang isa naman ay ang makakapagpaalala sa kaniya ng nangyari bago siya makalimot pero hindi ang buong tanang buhay niya." Paliwanag nito atsaka sumandal sa sofa.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now