PRIYA'S POV
Kailangan kong pumunta sa Lospierra. Buo na ang desisyon ko. Hahanapin ko kung saan ba talaga ako nagmula. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha lahat ng sagot sa mga tanong ko.
Pero bago 'yon, sisimulan ko sa pinakamalapit. Sa ampunan.
Agad akong hinarang ng gwardiya nang akmang papasok na ako.
"Ano pong pakay niyo, miss?" Tanong niya.
Tumingala ako sa isa sa mga bintana at hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya lagi, nakasilip.
"Mag-uusap kami ng headmistress."
*****
"Nagagalak akong makita ka muli, Alvapriya." Bati niya habang nakaharap pa rin sa bintana.
"Ako nga ba talaga si Alvapriya?" Walang emosyon kong tanong.
"Mukhang may nalalaman ka na." Tumawa siya nang mahina atsaka ako dahan-dahang nilingon. "Maupo ka muna para makapag-usap tayo nang maayos." Itinuro niya ang sofa.
Naupo sa dulo ng mahabang sofa at siya naman, sa single.
"Kumusta?" Nakangiti niyang tanong matapos bumuntong hininga.
"Humihinga pa naman ako, as you can see." Sarcastic kong sagot.
"Ang laki ng pinagbago mo."
"Kung ang lahat ay nagbabago, kasama na ron ang mga tao." Kibit balikat kong tugon.
"Ano bang gusto mong malaman?"
Napangisi ako.
"Hindi ko na itatanong kung bakit kayo nagsinungaling sa akin noon. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung saan ba talaga ako nagmula."
Ilang segundo siyang natahimik. Nakatitig lang siya sa akin at hindi naman ako nagpatalo.
"Wala nang silbi kung magsisinungaling pa ako. Malaki ka na, karapatan mong malaman kung ano ang totoo." Tumayo siya at may kinuhang papel sa book shelf.
Nakaipit iyon sa isang kakaibang libro. Medyo malaki at halatang luma na.
"10 years ago. Arcadia's king died because of just one shot of an arrow. The culprit is still unknown until now. Kung may nakakaalam man kung sino ang salarin, ang mga maharlika 'yon."
Muli siyang naupo pagkatapos ay isa-isa niyang ipinatong ang papel sa mesa.
"Neanor Asulario. He's the Arcadia's late king."
"Hindi ba talaga maaaring banggitin ang apliyedo ng mga kasapi sa maharlika?" Kunot noo kong tanong kahit may ideya na akong 'De Stacio' iyon.
"Maski ang mga nasa konseho ay walang alam. Sa ganoong paraan iniingatan ng reyna ang kanilang pangalan."
Napatango na lang ako. Remembering the queen, kinikilabutan pa rin ako.
"Walang nagawa ang reyna kundi hiranging hari ang prinsipeng noon ay labinlimang taong gulang pa lamang. Base na rin sa batas na hindi maaaring mawala ang hari. Kailangang may pumalit dito, kahit pa sanggol."
Si Azur... naging hari siya sa napakabatang edad.
"Matapos ang isang linggo, nabalita sa buong Arcadia ang pagkamatay ng hari at reyna sa Lospierra. Napagalamang nagdeklara ng giyera ang reyna ng Arcadia. Maagang naging hari ang prinsipe, sa gabay na rin ni Jovan."
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...