KABANATA 22

8 1 0
                                    


PRIYA'S POV

Huminga ako nang malalim sa harap ng salamin habang tinititigan ang sarili ko. Red princess type of coat, red clip, red sandals. Kumikinang pa ang hikaw at kwintas na binili rin ni Namya para sa akin kahapon.

Grabe, hindi ko makilala ang sarili ko ngayon. Mukha akong bigatin tignan!

Tumingin ako sa orasan at nang pasado alas-singko na ay naglakad na ako papuntang Arcadia Bridge.

Panay ang bulungan ng mga tao sa paligid. Siguro ay hindi rin nila ako nakilala. Like duh, si Alvapriya Leontine Halston, bibili ng ganito kamamahal na gamit? Never.

Nang makarating ako sa Bachar ay hindi ko napigilang silipin ang tindahan kung nasaan ako kagabi. Wala na ang bahid ng dugo sa semento, malamang ay nilinis na.

Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari. Wala akong ideya kung makakalimutan ko pa ba 'yon. Lumapit ako sa tindahan atsaka sinilip kung naibenta na ba ang clip na nakita ko kahapon.

Nakita ko iyon doon kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Bibilhin ko na po ang isang 'to." Tawag ko sa tindera.

"Dalawampung pilak, hija." Mukhang hindi niya na nga rin ako nakilala.

Hinanda ko na ang pambayad ko nang may makita akong isa pang clip. Gawa rin iyon sa kahoy pero parang iba ang nakasulat.

"Ano pong nakasulat sa clip na 'to?" Turo ko rito.

Kinuha naman iyon ng matanda at binasa.

"A... Arcadia. Bibilhin mo rin ba?"

Arcadia at Lospierra? Magkaparehas pa ng disenyo. Nakakaintriga.

Sa huli ay napagdesisyunan kong bilhin ang dalawa pero hindi ko ireregalo kay Namya. Pumili ako ng ibang clip at saktong nakakita ako ng kulay puti at may pusong disenyo. Babagay ito sa pino't itim niyang buhok.

Nagrequest ako na ihiwalay ang paper bag niyon. Maliit lang naman, cute pa.

Sinulatan ko iyon ng 'Happy Birthday, Namya. Thank you for your existence.'

Hindi na kasya sa paper bag lahat ng gusto kong sabihin kaya sa personal na lang ang iba.

Habang nag-aabang sa Arcadia Bridge ay bigla kong naalala ang mukha ni Coronel. Pinuntahan niya ako kanina sa bahay—actually silang lahat including Shaun. Wala na akong nagawa dahil nagdala na sila ng tanghalian. Alangang tanggihan ko pa ang grasiya diba?

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari kagabi dahil na rin kay Nash. Ang loko, laging updated sa nangyayari sa Bachar. Tsismoso rin e.

Nasabi ko rin ang tungkol sa kumandante noong piyesta. Wala raw silang alam doon. Nayamot tuloy ulit ako dahil kating kati na kong maalala ang lahat.

"Ikaw ba si Alvapriya Leontine Halston?"

Bumalik sa reyalidad ang diwa ko nang may magsalita. Saka ko lang napansin ang karwaheng pumarada sa mismong tapat ko.

Sobrang ganda ng karwaheng 'to. Tila isang kasalanan kung mapuputikan ang kulay ginto nitong gulong.

"A-Ako nga." Utal kong sagot sabay lunok.

"Pumasok ka na."

Tumango naman ako atsaka binuksan ang pinto. Umakyat ako at pumasok sa loob. Nakapagtataka lang dahil walang bintana. Anyway, baka bagong labas na karwahe 'to. New edition, ganon.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now