KABANATA 04

21 2 0
                                    

"Bakit hindi ka na lang kaya mag-resign sa pinagtatrabahuan mo? I mean, kasali ka na kasi sa banda namin." Suhestiyon ni Coronel kaya sinimangutan ko siya.

"Sayang din ang dalawang pilak kada-isang araw... atsaka napamahal na sa akin si 'Nay Fina. Mahirap na para sa akin ang umalis." Sagot ko habang patuloy sa paglalakad.

Kagagaling ko lang sa trabaho at nagkusa siyang sunduin ako at ihatid hanggang sa bahay. Minsan niya lang naman gawin 'to kaya hindi na ako umalma.

"So ayos lang sa 'yo na lagi kang pagod? Tulad ngayon, pagkatapos nating mag-ensayo kanina ay dumiretso ka agad sa karinderya. Baka mauna ka pa sa 'kin mamatay niyan." Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang OA mo mag-isip. 'Wag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko at kung mauna man ako sa 'yo... sisiguraduhin kong isang oras lang ay susunod ka na." Seryoso pero may halong biro kong sambit.

Nagulat na lang ako nang ipitin niya ang leeg ko gamit ang kaniyang kaliwang braso pagkatapos ay paulit-ulit niya akong kinotongan.

"Ginawa mo pa talagang biro ang kamatayan nating dalawa!" Inis niyang sabi kaya natatawa akong nagpumiglas.

"Bitawan mo 'ko kung ayaw mong ikaw ang mauna!" Asik ko kaya mabilis siyang humiwalay sa akin.

Nang tuluyan akong makalayo sa kaniya ay siya naman ang sinugod ko.

Lintek lang ang walang ganti.

"Ah! Bitawan mo 'ko, Priya!" Reklamo niya kaya kinotongan ko muna siya nang malakas bago ko siya binitawan.

"Ano? Akala mo ikaw lang? Kaya rin kitang—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang tumakbo pasugod sa akin. Bago niya pa ako mahuli ay tumakbo na ako palayo sa kaniya.

Sa huli, para kaming mga batang naghahabulan habang sinasakop ang tahimik at walang lamang kalsada.

Like how we used to do when we were kids.


*****

"LAST REHEARSAL!" Anunsiyo ni Coronel. Nandito kaming lahat sa studio at pinapakinggan ang kaniyang nais sabihin. "Bukas ng hapon, magkita-kita tayo rito ng alas-kwatro. Sabay-sabay tayong pupunta sa bahay ng mga Caballero sakay ng pinahanda nilang sasakyan para sa atin. Walang male-late, ayokong isipin nila na masyado tayong paimportante. Naiintindihan ba?"

Hindi kami sumagot at nanatili lamang nakatingin sa kaniya.

"Naiintindihan ba?!" Pag-uulit niya kaya hindi ko na napigilan pang tumawa.

"Dude, silence means yes." Aniko dahilan upang matuon sa akin ang atensyon ng lahat. "B-Bakit?" Takha kong tanong.

Bawal ba tumawa? Grabe naman.

Lumapit nang kaunti sa tenga ko si Wilder at bumulong, "Kapag ganitong oras, leader si Coronel at hindi kaibigan."

Napangiwi na lang ako atsaka sinulyapan ang seryosong mukha ng bestfriend ko.

"I can't take him seriously, my bad." Kibit-balikat kong sambit.

Narinig kong bumungisngis si Wilder at Nash samantalang napangisi naman si Kalila. Pasimple kong tinignan ang reaksyon ni Shaun pero wala namang nagbago, poker face pa rin.

"As I was saying, walang male-late." May diin niyang ulit habang nakatingin pa sa akin. "'Yong mga may trabaho riyan, magpaalam na kayo sa mga amo niyo." Dagdag niya pa at halata namang ako lang ang pinatatamaan niya.

"Masusunod, boss." Pasaring kong sagot. Mukha namang pinipigilan niya na lang ang sarili niyang kotongan ako.

Nginiwian ko siya ulit at pumwesto na sa stage. Kaming dalawa ang vocalist, bale male and female. Si Kalila ang lead guitarist, si Wilder ang bassist, si Nash ang drummer at si Shaun ang pianist.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now