"Priya naman, pumayag ka na. Kailangan talaga namin ng babaeng vocalist bukas." Pamimilit sa akin ng bestfriend kong si Coronel.
He's the leader of La Souza. The famous band group here in Arcadia. Their name became prominent in music industry because of their composed songs and member's enormous amount of talent.
Ewan ko ba sa isang 'to kung bakit pa ako kinukulit.
"Dude, mababa ang self confidence ko. Alam ko namang gandang ganda ka sa boses ko pero hindi ko kaya 'yang ganiyang maraming nanonood. Baka masira ko lang ang performance ng grupo mo." Tanggi ko naman dahilan para agad siyang mapangiwi.
"Mababa pa talaga ang self confidence mo sa lagay na 'yan, ah."
Tumawa na lamang ako nang mahina.
"Pero seryoso, I can't accept your offer. Kahit bayaran mo pa ako ng limang pilak—"
"Sampung pilak." Putol niya sa akin kaya napalunok ako.
Hindi ako nanggaling sa isang mayamang pamilya at lumaki akong sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay. Namatay ang mga magulang ko tatlong buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay humahanap ako ng paraan para mabuhay at makakain nang tatlong beses sa isang araw pero pinipili ko kung anong pinapasok ko. Hindi sa ganitong paraan na kung saan tatayo ako sa harap ng maraming tao para kumanta. Hindi ko kakayanin 'yun, kahit na paulit-ulit pang purihin ni Coronel kung gaano kaganda ang boses ko. I can't really do that. Performing is not my thing and it will never be, over my dead sexy body.
"Pasensiya na talaga, Coronel." Pilit ang ngiti kong tanggi.
"Pag-isipan mo, Priya. Alam ko namang malaki ang pangangailangan mo. Bibigyan kita ng isang araw para mag-isip, sana magbago ang desisyon mo." At tuluyan na siyang lumisan.
Naiwan ako mag-isa rito sa maliit kong bahay na yari lamang sa kahoy ang bawat parte maliban sa bubong na yari sa pinagtagpi-tagping yero. Maayos naman ang pamumuhay ko rito kahit na mag-isa ako at walang kasama. Matapos kasing mamatay ng mga magulang ko, ito lamang ang natatanging naipamana nila sa akin bukod sa kwintas na lagi kong suot.
Uminom ako ng tubig para kahit papano ay maibsan ang gutom na nararamdaman ko. Alas-tres na ng hapon pero hindi pa ako nakakapag-almusal at maski tanghalian ay wala.
Nakasanayan ko na ang ganitong klaseng buhay. Gigising nang walang kakainin at saglit na magpapalipas ng oras bago pumasok sa trabaho kong nagsisimula lamang tuwing alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.
Sa karinderya ni Aling Josefina ako nagtiya-tiyagang maghanapbuhay. Isa kasi siya sa mga kaibigan ng namayapa kong ina kaya walang hirap niya akong tinanggap at binigyan ng trabaho. Hindi naman nakapagtatakang naaawa siya sa akin.
"Oh, maaga ka ata ngayon." Bungad sa akin ng anak ni Aling Josefina na si Sophia. We're not friends, never.
Lagi niya akong inaaway at tinatabla. Kung hindi nga lang siya anak ng amo ko ay matagal ko na siyang pinutulan ng dila. Wala kasing humpay ang pang-aasar at pang-aalipusta niya sa akin. Kung anong bait ng nanay niya, siya namang kaniyang kabaliktaran.
"Hapon na." Sarkastiko pero pabulong kong sagot na tama lang para marinig niya.
"Sinasagot mo na ako ngayon, ah?! Bakit? May laban ka na ba sa 'kin?" Nanghahamon niyang tanong dahilan para maagaw namin ang atensyon ng ibang mga kumakain.
"Hindi ka naman nagtanong, ba't kita sasagutin?" Kunyaring painosente kong sabi kasabay ng paglabas ni Aling Josefina sa bahay-lutuan.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...