KABANATA 11

7 1 0
                                    

PRIYA'S POV

Wala akong maintindihan, gulong gulo ako sa lahat ng nangyayari.

"Priya... ako 'to... si C-Coronel... hindi mo ba ako n-naaalala?" Umiiyak na tanong sa akin ng lalaking nakaupo sa dulo ng hinihigaan kong comforter.

"A-Ako... naaalala mo ba a-ako?" Biglang sabat ng isa pang lalaki na nakatayo sa tabi nung Coronel. "A-Ako si Nash... drumsticks, remember?" Itinaas niya pa ang dalawang maikling stick at ipinakita sa akin. Mukhang kagagaling niya lang din sa pag-iyak dahil mamula-mula pa ang mata niya.

"S-Sorry..." Nasabi ko na lamang.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla silang humagulgol ng iyak. Nataranta ako pero wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin sila.

"P-Please... w-wag na kayong umiyak." Hindi ko na rin napigilan pa ang umiyak nang sobra. "Wag na kayong umiyak... naguguluhan na ako." Sinapo ko ang aking noo dahil sa labis na panlulumo.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Bakit hindi ko sila maalala?!

"Oh, bakit kayo nag-iiyakan?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. Isang lalaki at babae ang pumasok.

"She can't remember anything." Diretsong sabi ng lalaking nasa tabi ko kanina, naglakad siya patungo sa lumang sofa at prenteng umupo doon.

Kaninong sofa ba 'yan? Para isang talunan na lang ay masisira na.

"Anong sabi mo, Shaun? Tama ba 'yung narinig ko? H-Hindi siya makaalala?" Gulat na tanong ng babae.

"This is all my fault." Napatingin kaming lahat doon sa Nash. Wala siyang tigil sa pagtangis.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, wag mong sisihin ang sarili mo." Walang kaemo-emosyong sabi nung Shaun.

Yung totoo? Kino-comfort niya ba talaga si Nash?

Tinignan ko silang lahat isa-isa. Gusto kong maalala lahat ng pangalan nila nang hindi sila nagpapakilala sa akin. Gusto kong ako mismo ang magsabi ng pangalan nila para hindi na sila umiyak.

Pumikit ako at pilit na inalala ang lahat pero makalipas ang ilang segundo, wala pa rin. Kahit isang impormasyon tungkol sa pagkatao ko, wala.

Inis kong tinuktok ang aking ulo habang patuloy sa pag-iyak.

"Why can't I remember anything?!" Hagulgol kong tanong sa sarili.

Nilapitan ako ni Coronel at niyakap nang mahigpit.

"Don't push yourself too much. I'll help you, we'll help you remember everything, okay? 'Wag ka nang umiyak." Pagpapatahan niya sa akin.

Tumango-tango na lamang ako kahit pa nauubusan na ako ng pag-asang makaalala ulit.

"I'll be back." Biglang paalam ng lalaking may suot na mamahaling trench coat.


▪︎▪︎▪︎


"Hindi mo ba talaga ako naaalala? Ako 'to si Wilder, boyfriend mo." Paulit-ulit na pangungulit sa akin ng lalaking may magulong kulay pulang buhok.

Kanina niya pa ako dinadaldal, palibhasa ay tatlo lamang kaming nandito sa bahay, ako, siya at 'yung babaeng Kalila ang ngalan.

Napangiwi na lamang ako habang sapo ang aking noo at nakasandal sa likuran ng sofa.

"Alam mo ba, patay na patay ka sakin. Araw-araw nga tayong magkasama e. Mahal na mahal natin ang isa't isa. Nakalimutan mo ba talaga?" Tanong niya ulit atsaka yumakap sa braso ko.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now