KABANATA 08

9 1 0
                                    

Hindi ko namalayan ang oras, alas-onse na pala ako nagising. Nagtuloy-tuloy ako sa morning routine ko saka nagtungo sa sala para maghanap ng makakain sa mini fridge.

Meron akong mini fridge pero kadalasang walang laman. Nagbabakasakali lang ako ngayon na may natirang pagkain kahapon.

Hindi ko pa man ito nabubuksan nang tuluyan ay may kumatok na sa pinto ko. Bagsak ang balikat ko iyong binuksan.

"Good morning, Azur." Walang buhay kong bati sa kaniya at mas nilawakan ang pagkakabukas sa pintuan.

"Napag-isip-isip ko lang na ikaw na dapat ang pumunta sa bahay ko bukas dahil IKAW ang personal aide ko." Mariin niyang sabi habang naglalakad papasok.

Napasinghal ako bago tuluyang isara ang pinto. Saka ko lang napansin ang hawak niyang dalawang paper bag.

"Pagkain ba yan? Sakto, gutom na ko." Inagaw ko iyon sa kaniya at isa-isang nilapag sa mesa.

"Alam ko namang lagi kang walang pagkain dito." Nakangiwi niyang usal.

Sinimangutan ko na lang siya saka nagsimulang kumain.

"Magp-practice ka mamaya?" He asked.

"Oo, wala na talaga akong takas." Sagot ko habang ngumunguya.

Bagsak pa rin ang dalawa kong balikat. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin kayang harapin si Shaun. Kung pwede ko lang siyang iwasan habambuhay, gagawin ko.

"Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mga mata ko at takha siyang tinignan.

"Seryoso ka?" Tanong ko habang ngumunguya pa rin.

"Ituturo ko kasi sayo ang bahay ko para alam mo na bukas." Pagrarason niya agad kaya tumango-tango na lamang ako.

Malamang ay tatadtarin niya na naman ako ng utos bukas, ihahanda ko na ang katawang lupa ko.

"Salamat pala sa pagkain, ang sarap talaga magkaroon ng yayamaning kaibigan." Pabiro kong sabi dahilan para matawa siya nang mahina.

"Kaibigan?" Inosente niyang tanong.

"Mmm, pasalamat ka nga at may pagka-friendly ako. Gumaan pa agad ang loob ko sayo, para ka kasing silent version ni Coronel." Natutuwa kong sabi.

"Coronel ba ang pangalan ng bestfriend mo?"

"Mmm, Dion Coronel El Vivo. Magkaibigan ang mga magulang namin bago mamatay sina Mama at Papa." Maikli kong kwento.

"If you don't mind me asking, why?"

Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot. Nanatiling nakatitig sa baso ang mga mata ko para iwasan ang tingin niya.

"Set-up." Tipid na tipid kong sabi saka ngumisi.

"Set-up?" Takha niyang tanong.

"Oo nga, bingi ka?" Natatawa kong sambit at inirapan niya. "Mag-aayos lang ako saglit pagkatapos ay pwede na tayong umalis." Paalam ko sa kaniya at tumayo na para pumasok sa kwarto ko.

Tumayo ako sa tapat ng body mirror at pinagmasdan ang aking kabuuan. Nakasuot lamang ako ng kulay puting wrap coat at simpleng flat ankle boots. Itinali ko pa-ponytail ang kaninang nakalugay kong buhok at nagtira ng kaunti sa gilid to frame up my face. Itinago ko sa ilalim ng aking damit ang kwintas na pinamana sa akin ni Mama. Sa huling sandali ay saglit akong umikot para pagmasdan ang napakagandang ako.

Maganda si Mama at gwapo si Papa pero wala talaga sa kanila ang kamukha ko, bakit pa nga ba ako nagtataka? Alam ko naman.

Bago muling lumabas ay nasagi ng aking paningin ang kulay puting clip na binigay ni Azur noong nagtungo kami sa ampunan.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now