Hindi ako pinatulog ng isipin ko kagabi kaya heto ako ngayon, isang walking stress. Kahit alam kong maganda pa rin ako, hindi ko maiwasang manlumo. Aware naman kasi akong nangingitim ang ilalim ng dalawa kong mata.
Papunta ako ngayon sa bahay ni Azur tulad ng napag-usapan namin kahapon. Simpleng Reefer coat at wedge ankle boots lang ang suot ko ngayon, naka-ponytail ang mahaba kong buhok at tila nilamukos na papel naman ang aking mukha.
Yeah right, sinuot ko talaga ang boots na si Shaun mismo ang nagbigay sakin.
Naisip ko kasi kagabi na baka may reason siya kung bakit niya binili sa akin 'to, balak ko siyang tanungin mamaya. Syempre, itatanong ko na rin kung kanino galing iyong capelet.
Alas-otso pa lang ng umaga, mamayang alas-diyes ang last rehearsal namin at pagtungtong ng alas-dose gaganapin ang parada. Sa Bachar kami magp-perform since iyon ang sentro ng buong Arcadia. Balita ko nga ay manonood ang reyna at inaasahan ng lahat ang pagpapakita ng hari... ang faceless king.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan. Agad naman iyong bumukas.
"Good morning, Azur." Walang buhay kong bati at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok.
Malinis, malawak, maaliwalas, maganda. Iyan ang nakikita ko ngayon.
Pabagsak akong nahiga sa sofa at pumikit.
"Kulang sa tulog?" Tanong niya.
"Halata naman diba?" Sarkastikong sagot ko.
"Bakit?" Muli niyang tanong.
Bagsak ang balikat akong umupo at tumingin sa kaniya.
"Pinuyat ako ng ideyang pinakilala kita kay Aling Josefina bilang nobyo." Dire-diretso at walang emosyon kong pagsisinungaling.
Si Shaun talaga ang dahilan kung bakit ako walking stress ngayon.
I heard him chuckle as he shook his head sideways.
"Hindi ka na lugi sa akin." Aniya kaya napangiwi ako nang sobra.
"Ginawa ko lang 'yun para may maipagmalaki kay Sophia. Akala niya kasi ay siya na ang pinakamagandang babae dito sa Arcadia, where in fact..." humiga ulit ako. "Ako 'yun." Nakangisi kong pagtatapos.
"You're funny." Natatawa niyang sabi kaya napairap na lamang ako sa hangin.
Kailan pa naging nakakatawa ang pagsasabi ng katotohanan?
"Kamusta pala kayo ng bestfriend mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
Naikwento ko kasi sa kaniya kagabi na hindi kami ayos ni Coronel tungkol sa biglaan kong pagliban sa meeting.
"Hindi rin ako matitiis niyon." Sambit ko at nanatiling nakapikit.
"Sabay pa rin tayong manonood ng parada?" Bigla niyang tanong.
Saglit akong napaisip. Ala-una kasi ang performance namin, siguro naman ay manonood rin ang iba ko pang mga kabanda sa gaganaping parada. Pwede pa rin kaming magsabay ni Azur kung ganoon ang sitwasyon.
"Oo naman atsaka ipapakilala rin kita kay Coronel, remember?" Pagsang-ayon ko ngunit hindi na siya sumagot pa.
Lumipas ang ilang minuto at inaya niya na akong kumain. I'm starting to like him-- his purpose in my life, I mean. Siya lang naman ang bumubusog sa kumakalam kong sikmura.
"Kumain ka, sabayan mo 'ko." Aya ko sa kaniya pero mabilis siyang umiling.
"Katatapos ko lang mag-almusal, ikaw na lang." Sagot niya.
"Ganun ba, ang dami pa naman nito." Tukoy ko sa mga mamahaling pagkaing nasa mesa.
Pati mesa ay mamahalin, psh.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...